09/09/2021
Biringan Story
Narrated by Antingera
Manliligaw
AKDA NI PEI
Madaming kakaibang pangyayari o mga bagay na hindi maipaliwanag sa ating mundo, kagaya na lang ang Biringan City kung saan madami ang nagsasabi na isa lang itong alamat o imahinasyon ng mga malilikot ang diwa. Lalo pa naman at hindi ito makikita sa mapa kaya walang naniniwala na may ganitong klaseng lugar.
Ako si Ayena, mag ootsenta ayos na itong darating na linggo at malinaw pa sa aking alaala ang karanasang hindi ko malilimutan habang ako ay may hininga.
Sa edad na dise otso anyos ay madami na akong manliligaw at isa doon ay sina Adonai at Gregor ang mga masugid kong manliligaw.
Kahit sabihan ko pa sa kanila na hindi pa ako handa pumasok sa isang relasyon dahil sa bata pa ako at may pangarap na makapagtapos muna ng pag-aaral, makapaghanap ng trabaho at matulungan ang aking mga magulang at kapatid, pero lagi nilang sagot ay makakapag antay daw sila at tutulungan daw nila ako sa aking hangarin sa buhay na hindi sil magiging balakid. Si Gregor bente dos anyos, taga kabilang baranggay at may sariling bukid na kanyang sinasaka, at si Adonai, oo siya ay hindi ko sigurado kung taga saan siya, kasi ang lagi lang nitong sinasabi ay malapit lang sa amin ang lugar nila o bahay nila. Pero hindi ko na lang masyadong pinagtuonan pansin dahil nga sa wala pa talaga akong balak makipagreslayon. Hanggang sa sumapit ang araw na hindi k akalaing mangyayari sa akin.
Araw ng Sabado, nagpasya kami ng aking kapitbahay at kaibigan na sina Elena at Melinda na mangahoy at manguha na din ng mga prutas. Hindi iyon ang nakatakdang araw na manganaghoy kami kaso balita kasi na may darating na bagyo kaya naisip namin na mag imbak ng panggatong. Nawili kami sa pangangahoy at pagpitas ng mga ligaw na prutas gaya ng alagat o suso ng kalabaw sa tagalog at iba't ibang prutas na makikita sa gubat at hindi namin namalayan na napadpad na pala kami sa pinapuso ng gubat kung saan ang lugar na ito pinagbabawal na puntahan dahil sa balibalitang may mga naninirahan daw na mga engkanto, o aswang o di kaya mga rebelde, nang may naririnig si Elena, " naririnig ninyo ba iyon?" tanong nito "ang alin?" sabay naming sagot ni Melinda na nakakunot pa ang aming mga noo. "Shhh, pakinggan ninyong maigi", sabi uli na inilagay ang isang daliri sa bibig at saka inilapat ito sa may tainga para mapakinggan kung saan nanggagaling ang ingay na iyon, ginaya naman namin si Elena at may mga narinig nga kami na parang nagkakasiyahan. Kaso hindi namin maintindihan ang mga kanilang lengguahe, tinungo namin kung saan nanggagaling ang ingay at mga nag uusap, isang hakbang na lang sana namin, nang may tumikhim sa aming likuran at sabay sabay pa kaming napalingon na may halong gulat at pagtataka, si Adonai, " huwag ninyo ng ituloy ang binabalak ninyo kasi hindi pa napapanahon" sabi nito na may pagtataka sa aking isipan, hindi ko kasi sigurado ang nasa isipan ng dalawa kong kasama kaya magtatanong na sana ako pero inunahan ako ni Elena at nag wika na" hindi pa napapanahon? Ano ang ibig mong sabihin? ", nang may isa pang lalaki ang nagsalita sa gilid namin," naku binibiro lang kayo ni Adonai hahaha" sabay alanganing tawa nito, nanlaki naman ang mata ni Elena ng mapagsino ang nagsalita at sinugod ito ng yakap. "Mahal ikaw pala iyan, hindi mo ba talaga kami yayain sa okasyon ninyo? Para naman makadalaw sila sa ating lugar", nakangiti nitong sabi sa amin na napalingon kami sa isa't isa ni Melinda. Nang binalik naming ang tingin kay Elena ay may inihip ito sa amin na dahilan upang mawalan kami ng malay.
Hindi ko alam ilang oras kami nawalan ng malay pero pagmulat ko ng aking mata ay nasa isang malambot na k**a ako at malaking kwarto, napabalikwas ako ng bangon at doon ko napansin na iba ang kasuotan ko, nang pumasok sina Elena at Melinda na may ngiti sa labi at niyaya akong lumabas at ipapasyal daw kami sa kanilang buong lugar. Nagtataka man ako ay paramg hindi nila ako binibigyan ng pagkakataong makapagsalita. Kasama namin sina Adonai na tumabi sa akin, si Elena kasama ang nobyo nito na si Robi at si Melinda at hindi ko matandaan ang pangalan ng isa naming kasama . Madaming sinasabi si Elena sa akin habang namamasyal sa napagandang lugar, pero dahil sa nagtataka pa ako din ako at lutang ang aking isip kung ano ang nangyayari ay nagsalita na si Adonai nang mapag isa na kami, "pasensya ka na sa aking kapatid," napalingon akong bigla sa kanya na may pagtatanong sa aking mga mata at tila nabasa naman niya ito, " oo kapatid ko si Elena, isa siyang kalahating engkanto at tao, gustong gusto ka niya para sa akin, kaya naman ginawan na niya ng paraan para maging tayo kaso parang hindi naman tumatalab ang mga ginagawa niya sa iyo para mapaibig ka at ito ang huling alas, ang isama ka aming kaharian baka sakaling magbago ang iyong puso." Medyo pagalit akong lumingon kay Adonai at huminga muna ako ng malalim saka kalmado akong nagsalita" inaamin ko, namangha ako sa lugar na ito, napakaganda, tahimik at mamumuhay reyna ako dito pero alam ko na hindi nababagay sa lugar na ito, na kahit mahirap lang kami ay may paninidigan at dangal naman kami, kaya hindi mo malilinlang". Hindi naman umimik si Adonai sa aking sinabi at patuloy ang paglalakad nito sa aking harapan, nang huminto at saka nagtanong ito kung ano ba ang kulang sa kanya kung bakit hindi ko siya matutunang mahalin. Sasagot na sana ako nang dumating sina Elena at tinatawag na kami na bumalik na daw sa kanilang tahanan o palasyo.
Pagdating sa palasyo ay diretso kami sa hapag kainan at inaamin ko na ang daming pagkain na ni sa panaginip ay hindi ko akalain makikita ko doon at matitikman sana pero noong nakita ko ang kakaibang kulay ng kainin ay bigla na lang akong nag alangan kumain dahil naalala ko ang bilin sa akin noon ng aking lolo, na huwag na huwag kakain ng pagkaing sa tingin mo ay wala o hindi pangkaraniwan kagaya ng kaning itim. "Ayena, Ayena" kalabit na tawag sa akin ni Melinda, bumalik ako sa kasalukuyan at nakatingin silang lahat sa akin. Saka doon ko lang napansin ng husto ang kanilang itsura , hindi ako makapagsalita sa aking mga nakita, dahil ang mga itsuta nila ay mahaba ang kulay itim at tuwid na buhok, mapuputi ang kanilang balat na parang walang dugo, patulis ang kanilang tainga at ang mga mata nila ay kulay berde na parang sa pusa ang lente. May naramdaman akong kakaibang kilabot at muli ay kinalabit ako ni Melinda saka inalok ng makakain. Nagitla din ako sa itsura ng kaibigan ko, pati pala siya ay kauri nila, " wag kang matakot Ayena, hindi kami masasama, katunayan nga ay gusto ka naming maging kauri namin. Pero na sasa iyo iyan kung gugustuhin mo." iling lang ang naisagot ko, pero bago pa ako makapagsalita ay binigyan ako ng simple tingin ng pakiki usap na huwag ko ng ituloy pa ang sasabihin ko. Kaya nanahimik na lang ako' t tinitigan at hindi ginalaw ang pagkaing nakahain sa aking harapan.
Nagulat na lang ako sa nagsalita, sa tingin ko ay ang hari sa palasyong iyon " bakit ayaw mong kumain hija? Hindi ka ba tinuruan ng iyong mga magulang? Na huwag sayangin ang grasyang nakahain," malaki at ma awtoridad na wika nito, sumabat naman ang katabi nito na isang magandang babae " mahal hayaan mo na natin siya baka lang naninibago at nabigla, kakain din siya pag nakaramdam ng gutom, di ba hija? , " nakakalokong ngiti ang ibinigay sa akin, yumuko at naluluha na ako't nalilito at natatakot na at hindi na umimik pa. Pinakiusapan ako nila Elena, at Adonai na kumain kahit prutas lang, dahil sa nagugutom nga din naman ako ay pinili ko ang mansanas na kainin, natuwa naman sila, pero noong akmang kakagatin ko na ang mansanas ay may narinig akong boses, " Ayaneee, Aaayyaaaneee," boses ito ng aking mga magulang at Gregor , pero bakit ako lang ang tinatawag nila. nang marinig ko ang boses ni Melinda at Elena na tinatawag din ako, doon mas lalo akong nalito at lalong nagtataka, kinabahan at unti unti akong lumingon sa aking tabi, at buong kapaligiran, nakatitig lang sila sa akin at mahigpit ang pagkakahawak ng nagpapanggap na Melinda, saka nagsalita si Adonai, " huwag mo siya hayaang makatakas aking kapatid dahil akin siya, akin siyaaa" natakot at nanlalambot na ako dahil nagbago uli ang itsura nito, naging maitim ang kulay ng balat nito,, lumaki ang bunganga't mga mata. Sa takot ay nagsisigaw ako't nagpupumiglas, nang halos makalapit na siya sa akin ay nagdilim ang aking paningin at ramdam ko na para akong hinihigop pailalim.
" Ahhhh" pasinghap akong bumangon at nagtataka sa aking paligid, " anak ano ba ang nangyari sa iyo? Nawala ka ng halos isang linggo huhuhu" umiiyak na yumakap sa akin ang aking ina. Inilibot ko ang aking paningin at andoon sina Melinda, Elena at Gregor pati ang iba naming kapitbahay at isang matanda na kamukha ni Gregor. Ngumiti ito sa akin "buti naman hija at gising ka na? Saka ka na lang magkwento pag malakas lakas ka na, kaya magpahinga ka muna, kami na ang bahala," tulala lang akong nakatitig sa matanda at hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako, " inay, itay" itong mga kataga lang ang aking paulit ulit na sinasambit,yakap lang ang tanging isinagot nila sa akin.
Umabot ng ilang linggo ang gamutan dahil hindi ako tinatantanan nila Adonai, andoon din lagi si Gregor at napag alaman ko na lolo pala niya ang mangagamot at may alam din siya kaya halos doon na siya tumira sa aming bahay para lang mabantayan ako. Doon ko nakita ang tunay na pagkatao niya at kung paano niya ako alagaan at pahalagahan kaya unti unti akong nahulog sa kanya. Hindi din ako iniwan ng aking mga kaibigan, pero medyo ilag ako sa kanila noong una dahil sa takot na baka hindi sila iyon, pero sabi ng Mang Keynor na huwag akong mag alala kasi binigyan din sila ng kwintas pang proteksyon at palatandaan na sila ang mga tunay.
Napagdesisyunan ko ng harapin at kauspain na lang sina Adonai nang hindi pa din nila kami tantatanan at may mga nadadamay ng ibang tao, "nakikiusap ako sa iyo, kung mahal mo talaga ako, hayaan mo akong mamuhay ng tahimik sa piling ng aking mga magulang, at mamuhay bilang isang tao," sabi ko sa kanya nang minsang nagpakita siya sa amin ni Gregor, tinitigan lang ako ng masama ni Adonai, " parang awa mo na nakikiusap ako sa iyo, kung totoo ang pagmamahal na sinasabi mo, " bigla nagbago ang aura at itsura ni Adonai at sinabi na gagawin lang daw niya iyong kung muli akong sasama sa kanya upang makita muli sa huling pagkakataon ang kanyang daigdig na kung tawagin ay Biringan, umayon naman ako, at nagtiwala, ayaw man ng aking mga magulang at ni Gregor na sumama ako ay sumang ayon na lang sila sa aking kagustuhan para sa ikakatahimik naming lahat. Nagpasalamat at nangako siya akin at aking mga magulang na ibabalik ako ng buong buo. Isang pitik lang ang ginawa ni Adonai ay nakarating uli kami napakagandang lugar nila, oo hinahangaan ko ang kanilang lugar, pero alam ko na hindi ako para sa lugar na iyon. Naging maginoo naman si Adonai, ipinasyal ako abot ng kanilang nasasakupan at ang huli ay sa lugar na may madami at iba't ibang klase ng naggagandang bulaklak, at doon, sa unang pagkakataon ay nasilayan ko ang kanyang ngiti na may luha sa kanyang mga mata humingi siya akin ng paumahin o tawad sa kanila nagawa, pinatawad ko naman aila saka nagpaalam, at ganoon din sina Elisah na nagpanggap na Elena at Melia bilang Melinda, humingi din ng paumanhin at pinatawad ko naman sila at huling pagkakataon ay nagyakapan kami, at iyon na nga ang huli naming pagkikita, at pag uusap. Nakabalik naman ako sa amin na buong buo matapos mawala ng isang araw. Mula noon ay naging payapa at tahimik na aming buhay, nakamit ko na din ang aking mga pangarap. Ganoon pa man ang nangyari sa aking buhay ay may napulot naman akong aral, nagpapasalamat sa din Diyos dahil andiyan Siya at hindi ako pinabayaan kahit may pagkakataon na nararamdaman ko sila. Andiyan lang sila sa paligid para bantayan na lang ako bilang kaibigan.
"Lola kain na po, inaantay ka na ni Lolo Gregor nagugutom na daw siya" tawag na bulong sa akin ng aking apo na si Adonis Greg. WAKAS