21/07/2026
KUMUSTA KA? 🥹
Minsan, ang simpleng tanong na ito ang pinakamahalagang marinig.
Sa gitna ng ating mga tungkulin at responsibilidad, mahalagang maglaan ng oras para kumustahin ang ating sarili at ang isa't isa. Dahil ang tunay na serbisyo ay nagsisimula sa isang malusog na pangangatawan, malinaw na isipan, at payapang kalooban.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa APME Wellness and Mental Health Activity 2026. Ang inyong presensya at pakikiisa ang naging susi sa matagumpay na pagdaraos ng ating programa.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Municipal Government of Pagsanjan, sa ating Municipal Mayor, Vice Mayor, Sangguniang Bayan Members, Department Heads, Municipal Health Office/Rural Health Unit, Municipal Employees, One Needle Wellness Mission Program, at sa lahat ng aming mga partners at volunteers na naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito.
Patuloy nating alagaan ang ating kalusugan, sapagkat...
✨ "Wellness Starts Within: Caring for Ourselves, Serving with Excellence."
Hanggang sa muli... Kumusta ka? 🤍🥹