15/07/2026
Nakiisa po ang Nagcarlan Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development (MAG) sa isinagawang Federated Parents-Teachers Association (FPTA) 2026-2027 Election ng mga pampublikong paaralan sa Bayan ng Nagcarlan, bilang pagpapakita ng suporta sa mga programang nagtataguyod ng aktibong pakikilahok ng mga magulang at iba pang stakeholder sa sektor ng edukasyon.
Kasabay ng programa, nagbigay rin ng mensahe si Nagcarlan MAG President Rey Comendador at maikling lecture tungkol sa Anti-Bullying si Atty. Ron Esquivel, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng mga magulang, g**o, at komunidad sa pagpigil sa bullying at sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at inklusibong kapaligiran para sa bawat mag-aaral.
Patuloy na sinusuportahan ng Nagcarlan MAG ang mga inisyatibong nagpapatibay sa ugnayan ng paaralan, mga magulang, at komunidad tungo sa paghubog ng isang mas ligtas, responsable, at maunlad na pamayanan.