Sangguniang Kabataan - Tuntungin Putho

Sangguniang Kabataan - Tuntungin Putho Informações para nos contatar, mapa e direções, formulário para nos contatar, horário de funcionamento, serviços, classificações, fotos, vídeos e anúncios de Sangguniang Kabataan - Tuntungin Putho, Organização governamental, Barangay Tuntungin-Putho, Los Baños, Laguna.

𝐊𝐚𝐭𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲! Ang Sangguniang Kabataan ng Tuntungin-Putho ay magsasagawa ng unang Katipunan ng Kabataa...
03/09/2026

𝐊𝐚𝐭𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲!

Ang Sangguniang Kabataan ng Tuntungin-Putho ay magsasagawa ng unang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly para sa taong pangkasalukuyan sa Setyembre 5, 2026, Sabado, 5PM, na gaganapin sa Tuntungin-Putho Sports Complex.

Ito ay mahalagang pagpupulong upang magkaroon ng kamalayaan at lubos na maunawaan ng mga kabataan ang mga naganap at paparating pang mga proyekto at programa ng buong konseho na sentro ang mga Kabataan ng Brgy. Tuntungin-Putho.

Kaya naman ang Sangguniang Kabataan ay inaanyayahan ang mga kabataang nasa edad 15-30 na dumalo sa gaganaping pagpupulong. At para sa unang 100 na kabataan na dadalo sa Katipunan ng Kabataan Assembly, may naghihintay na simpleng handog ang Sangguniang Kabataan ng Tuntungin-Putho para sa inyo.

𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀, 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐇𝐎𝐊, 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈



MAHALAGANG ANUNSIYO! 📣Ang Sangguniang Kabataan ng Tuntungin-Putho ay nagpapaabot ng abiso sa lahat ng kabataan na ang na...
30/08/2026

MAHALAGANG ANUNSIYO! 📣

Ang Sangguniang Kabataan ng Tuntungin-Putho ay nagpapaabot ng abiso sa lahat ng kabataan na ang nakatakdang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly bukas, Agosto 31, 2026, ay ipinagpapaliban bunsod ng hindi inaasahang masamang kondisyon ng panahon. Ito ay gaganapin na sa Setyembre 5, 2026, 6:00 PM, sa Tuntungin-Putho Sports Complex.

Ang pagbabago ng iskedyul ay isinagawa upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng ating kabataan. Hinihiling namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa sa naturang pagbabago.

Inaasahan pa rin namin ang inyong aktibong pakikilahok at pagdalo sa itinakdang bagong petsa.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta! Mag-ingat po tayong lahat!


𝐊𝐚𝐭𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲! Ang Sangguniang Kabataan ng Tuntungin-Putho ay magsasagawa ng unang Katipunan ng Kabataa...
29/08/2026

𝐊𝐚𝐭𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲!

Ang Sangguniang Kabataan ng Tuntungin-Putho ay magsasagawa ng unang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly para sa taong pangkasalukuyan sa Agosto 31, 2026, Lunes, 6PM, na gaganapin sa Tuntungin-Putho Sports Complex.

Ito ay mahalagang pagpupulong upang magkaroon ng kamalayaan at lubos na maunawaan ng mga kabataan ang mga naganap at paparating pang mga proyekto at programa ng buong konseho na sentro ang mga Kabataan ng Brgy. Tuntungin-Putho.

Kaya naman ang Sangguniang Kabataan ay inaanyayahan ang mga kabataang nasa edad 15-30 na dumalo sa gaganaping pagpupulong. At para sa unang 100 na kabataan na dadalo sa Katipunan ng Kabataan Assembly, may naghihintay na simpleng handog ang Sangguniang Kabataan ng Tuntungin-Putho para sa inyo.

𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀, 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐇𝐎𝐊, 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈



SIGLAYA: YOUTH EMPOWERMENT CAMP 2026! 📸 Photo Credits: Justine Peñaloza of Tynstax Production
28/08/2026

SIGLAYA: YOUTH EMPOWERMENT CAMP 2026!

📸 Photo Credits: Justine Peñaloza of Tynstax Production




SIGLAYA: YOUTH EMPOWERMENT CAMP 2026! Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, matagumpay na naisagawa ang 3-...
28/08/2026

SIGLAYA: YOUTH EMPOWERMENT CAMP 2026!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, matagumpay na naisagawa ang 3-Day Youth Empowerment Camp 2026 noong Agosto 21–23, 2026, sa JS Blue Resort, Calamba, Laguna.

Ang makabuluhang programang ito ay naging posible sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng Sangguniang Kabataan ng Anos, Baybayin, San Antonio, at Tuntungin-Putho. Ang tatlong araw na programang ito ay naging isang daan para sa pagkatuto, pagkakaibigan, pagkakaisa, pagpapalakas ng loob, at pagtuklas sa kakayahan ng bawat kabataan.

Ang Sangguniang Kabataan ng Tuntungin–Putho ay lubos ang pasasalamat sa lahat ng naging parte ng makabuluhang programang ito. Higit sa lahat, sa mga kabataang lumahok at naging sentro nito. Maraming salamat sa inyong aktibong pakikilahok, magandang enerhiya, pakikiisa, at pagiging handang matuto at makibahagi sa bawat aktibidad.

Ang pagtatapos ng tatlong araw na camp ay hindi nangangahulugan ng pagtatapos ng ating pagkakaisa. Nawa’y manatili sa bawat isa ang mga aral, pagkakaibigang nabuo, mga karanasang pinagsaluhan, at inspirasyong ating natanggap.

📸 Photo Credits: Justine Peñaloza of Tynstax Production




HAPPY BIRTHDAY, SK DOROTHY! 🎂💖Wishing our ever-dedicated and passionate SK Councilor, SK Dorothy, a wonderful birthday f...
20/08/2026

HAPPY BIRTHDAY, SK DOROTHY! 🎂💖

Wishing our ever-dedicated and passionate SK Councilor, SK Dorothy, a wonderful birthday filled with happiness, love, and countless blessings! ✨

May this new chapter bring you greater opportunities, meaningful experiences, and the strength to continue serving and inspiring the youth of our community. Your commitment, energy, and heart for public service truly make a difference. 🫶🏻

Here’s to more milestones, more memories, and more years of making a positive impact! 🥂✨

Happy Birthday, SK Dorothy! May your day be as amazing and inspiring as you are! 💐🎉

Best Regards,
SKTP Family ❤️

The 𝙎𝙖𝙣𝙜𝙜𝙪𝙣𝙞𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 𝙤𝙛 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙏𝙪𝙣𝙩𝙪𝙣𝙜𝙞𝙣-𝙋𝙪𝙩𝙝𝙤, together with our Punong Barangay, 𝙃𝙤𝙣. 𝙁𝙧𝙖𝙣𝙘𝙞𝙨𝙘𝙤 𝙊. 𝙏𝙤𝙧𝙧𝙚𝙨 𝙅𝙧., h...
17/08/2026

The 𝙎𝙖𝙣𝙜𝙜𝙪𝙣𝙞𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 𝙤𝙛 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙏𝙪𝙣𝙩𝙪𝙣𝙜𝙞𝙣-𝙋𝙪𝙩𝙝𝙤, together with our Punong Barangay, 𝙃𝙤𝙣. 𝙁𝙧𝙖𝙣𝙘𝙞𝙨𝙘𝙤 𝙊. 𝙏𝙤𝙧𝙧𝙚𝙨 𝙅𝙧., had the privilege of welcoming our esteemed representatives for this year’s 𝙈𝙧. 𝙖𝙣𝙙 𝙈𝙨. 𝙇𝙤𝙨 𝘽𝙖ñ𝙤𝙨 — 𝙈𝙧. 𝙅𝙤𝙢 𝙍𝙤𝙖𝙦𝙪𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙙 𝙈𝙨. 𝘼𝙣𝙜𝙚𝙡 𝙇𝙖𝙘𝙖𝙣𝙙𝙪𝙡𝙖 𝙂𝙞𝙧𝙞.

This courtesy call serves as an opportunity to express our full 𝙨𝙪𝙥𝙥𝙤𝙧𝙩, 𝙘𝙤𝙣𝙛𝙞𝙙𝙚𝙣𝙘𝙚, 𝙖𝙣𝙙 𝙥𝙧𝙞𝙙𝙚 as they prepare to represent Barangay Tuntungin-Putho in this year’s prestigious search.

We commend Jom and Angel for accepting the responsibility of carrying the name of our barangay with 𝙜𝙧𝙖𝙘𝙚, 𝙘𝙤𝙣𝙛𝙞𝙙𝙚𝙣𝙘𝙚, 𝙖𝙣𝙙 𝙙𝙞𝙜𝙣𝙞𝙩𝙮. Your participation is already a source of pride for our community, and we are honored to stand behind you as you embark on this meaningful journey.

May you represent Tuntungin-Putho with excellence and continue to inspire our fellow youth through your dedication and determination.

The Sangguniang Kabataan and Barangay Council of Tuntungin-Putho proudly stand with you.

𝘽𝙚𝙨𝙩 𝙬𝙞𝙨𝙝𝙚𝙨, 𝙅𝙤𝙢 𝙖𝙣𝙙 𝘼𝙣𝙜𝙚𝙡! 𝙈𝙖𝙮 𝙮𝙤𝙪 𝙨𝙝𝙞𝙣𝙚 𝙗𝙧𝙞𝙜𝙝𝙩𝙡𝙮 𝙖𝙣𝙙 𝙗𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙞𝙙𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙝𝙤𝙣𝙤𝙧 𝙩𝙤 𝙤𝙪𝙧 𝙗𝙚𝙡𝙤𝙫𝙚𝙙 𝙗𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮.

Halina’t maging bahagi ng kapanapanabik na Youth Empowerment Camp 2026! ✨Yes, you read that right, ihanda ang sarili par...
13/08/2026

Halina’t maging bahagi ng kapanapanabik na Youth Empowerment Camp 2026! ✨

Yes, you read that right, ihanda ang sarili para sa 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐄𝐦𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐚𝐦𝐩 (𝐘𝐄𝐂), 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐭𝐰𝐢𝐬𝐭! 👀

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, hatid sa inyo ang isang collaborative project ng Sangguniang Kabataan ng Anos, Baybayin, San Antonio, at Tuntungin-Putho — isang proyektong magbibigay ng mas makabuluhan, mas masaya, at mas empowering na karanasan para sa kabataan.

Maghanda para sa tatlong araw na puno ng kaalaman, bagong karanasan, at masayang pagsasama-sama ng kabataan sa darating na 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 21-23, 2026.

𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒆𝒕𝒂𝒍𝒚𝒆 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒂 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒌𝒂𝒔𝒂𝒍𝒊:

-Tanging mga taga Tuntungin-Putho lamang ang maaaring makasali na may edad na 18-30.

-Ito ay 𝒇𝒊𝒓𝒔𝒕 𝒄𝒐𝒎𝒆, 𝒇𝒊𝒓𝒔𝒕 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒆𝒅 𝒃𝒂𝒔𝒊𝒔. Ang unang 50 na kabataan na makapag sagot sa google forms sa kalakip ng post na ito ay ang itatalagang opisyal na kalahok para sa gaganaping Youth Empowerment Camp.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfinGy-1Vfn-F7_WdWoiaMICSGw3GsusjJEbUfeRNs66Ti5NQ/viewform?usp=publish-editor

Abangan ang susunod na anunsiyo!
Maglalabas ang konseho ng karagdagang impormasyon tungkol sa iba pang mahahalagang detalye.

Kaya ano pang hinihintay mo, sali kana!





Sa mabigat na puso, nakikiramay ang buong Sangguniang Kabataan ng Tuntungin-Putho sa pagpanaw ng ating minamahal na kaib...
03/08/2026

Sa mabigat na puso, nakikiramay ang buong Sangguniang Kabataan ng Tuntungin-Putho sa pagpanaw ng ating minamahal na kaibigan at dating SK Secretary at ALAB Youth Member, Mr. John Harvey T. Jucoy.

Ang iyong dedikasyon, malasakit, at tapat na paglilingkod sa ating barangay ay hindi malilimutan. Naging inspirasyon ka sa maraming kabataan sa pamamagitan ng iyong kabutihang-loob, kasipagan, at pagmamahal sa serbisyo publiko.

Maraming salamat sa lahat ng iyong naiambag sa ating komunidad. Habang ikaw ay aming ipinagluluksa, mananatili ang iyong mga tawa, ngiti, talento, at mabubuting nagawa.

Taos-pusong pakikiramay sa iyong pamilya at mga mahal sa buhay. Nawa'y bigyan sila ng lakas at kapanatagan sa panahong ito ng pagdadalamhati.

Paalam, kaibigan. Maraming salamat sa iyong paglilingkod at sa lahat ng magagandang alaala. Hindi ka namin malilimutan.

Endereço

Barangay Tuntungin-Putho, Los Baños
Laguna
4030

Notificações

Seja o primeiro recebendo as novidades e nos deixe lhe enviar um e-mail quando Sangguniang Kabataan - Tuntungin Putho posta notícias e promoções. Seu endereço de e-mail não será usado com qualquer outro objetivo, e pode cancelar a inscrição em qualquer momento.

Entre Em Contato Com A Organização

Envie uma mensagem para Sangguniang Kabataan - Tuntungin Putho:

Atalhos

Compartilhar