Solid Waste Management Division GSO - Siniloan, Laguna

Solid Waste Management Division GSO - Siniloan, Laguna Informações para nos contatar, mapa e direções, formulário para nos contatar, horário de funcionamento, serviços, classificações, fotos, vídeos e anúncios de Solid Waste Management Division GSO - Siniloan, Laguna, Organização governamental, Siniloan, Laguna.

24/04/2026

Paalala pong muli!!!

Marami pong salamat sa lahat ng nakikiisa.
Malaking bagay po ang inyong palagiang pagtugon.

Matapos ang taimtim na paggunita sa Miyerkules Santo at Biyernes Santo, agad na nagsagawa ng paglilinis ang GSO-MENRO Si...
03/04/2026

Matapos ang taimtim na paggunita sa Miyerkules Santo at Biyernes Santo, agad na nagsagawa ng paglilinis ang GSO-MENRO Siniloan bilang bahagi ng aftercare upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng ating kapaligiran matapos ang mga prusisyon.

Sa gabay ng ating Punumbayan Mayor Patrick Ellis Zamora Go at GSO/MENRO-OIC Mr. Moises Serrano, katuwang ang magigiting na kawani ng GSO-MENRO, naging maayos at mabilis ang isinagawang paglilinis sa mga lugar na dinaanan ng mga aktibidad partikular ang poblacion at kabayanan ng bayan ng Siniloan.

Sa tulong din ng pakikiisa ng ating mga barangay na boluntaryong naglaan ng oras at lakas, mabilis nating naibalik ang kalinisan sa komunidad. Taos-pusong pasasalamat po sa mga barangay na nakiisa, tulad ng Barangay Bagumbarangay at Barangay M. Pandeño, pati na rin sa iba pang mga boluntaryong tumulong upang agarang mapanumbalik ang kalinisan matapos ang mga gawain.

Ang inyong malasakit at pagkakaisa ay patunay ng tunay na diwa ng bayanihan.

Patuloy po nating pangalagaan ang ating kapaligiran — hindi lamang sa panahon ng mga pagdiriwang, kundi araw-araw.

🌿 ISANG PAALALA SA LAHAT 🌿Ngayong Semana Santa 2026, panatilihin po nating malinis ang ating kapaligiran.🚮 Ugaliin ang t...
01/04/2026

🌿 ISANG PAALALA SA LAHAT 🌿
Ngayong Semana Santa 2026, panatilihin po nating malinis ang ating kapaligiran.
🚮 Ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura
💚 Iwasan ang kalat, alagaan ang kalikasan
🙏 Gawing disiplina ang pagiging responsable
Maliit na hakbang, malaking pagbabago para sa ating bayan.

🌿  Makakalikasan na Araw sa atin pong Lahat! 🌿Ang aming tanggapan mula sa GSO, MENRO, at Solid Waste Management Division...
16/03/2026

🌿 Makakalikasan na Araw sa atin pong Lahat! 🌿

Ang aming tanggapan mula sa GSO, MENRO, at Solid Waste Management Division ay nagsagawa muli ng lingguhang clean-up drive. Ang napiling lugar na linisin ay ang Brgy. Macatad, lalo na ang Station of the Cross, bilang paghahanda sa nalalapit na Semana Santa.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, nawa’y mapanatili nating malinis, maayos, at kaaya-aya ang ating kapaligiran para sa lahat.

💚 Sama-sama para sa mas malinis at mas maayos na komunidad!


# SaMalinisNaSiniloan

Happy Birthday, Sir! 🎂Wishing you a wonderful day filled with happiness and laughter.Enjoy your special day and may more...
06/03/2026

Happy Birthday, Sir! 🎂

Wishing you a wonderful day filled with happiness and laughter.
Enjoy your special day and may more blessings come your way.

Stay healthy, stay happy, and have an amazing year ahead! 🎉🎈

20/02/2026

February 21, 2026

♻️📢Sa Malinis na Siniloan 📢♻️

Muli’t muli po ang ating panawagan na patuloy po nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran iwasan ang pagtatapon ng mga basura sa anumang bahagi ng daang tubig upang hindi agarang magbara ang mga ito at maging sanhi ng hindi pagdaloy ng tubig gayundin maiwasan ang anumang uri ng sakit na maaaring magmula sa tambak ng basura.

Maraming salamat po!!!

🌿February 12, 2026🌿✨ Mas Maganda ang Ilog Putol Kung Malinis! ✨Nagkaisa ang Solid Waste Management Division at mga kawan...
13/02/2026

🌿February 12, 2026🌿
✨ Mas Maganda ang Ilog Putol Kung Malinis! ✨

Nagkaisa ang Solid Waste Management Division at mga kawani ng General Services Office sa isinagawang clean-up drive sa kahabaan ng Ilog Putol, 3rd Gate ng Laguna State Polytechnic University – Siniloan Campus.

Hindi lang ito simpleng paglilinis — ito ay malinaw na paninindigan para sa kalinisan, kaligtasan, at kinabukasan ng ating bayan. 💚

Ang basurang basta na lamang itinatapon kung saan-saan ay nagdudulot ng pagbaha, sakit, at polusyon. Ngunit ang simpleng disiplina sa tamang pagtatapon at wastong segregation ay malaking hakbang upang maiwasan ang mga ito.

🌿📢 Paalala sa mga Tumatambay, Namamasyal, at Vendors sa Ilog Putol 📢🌿

🗑️ Itapon ang basura sa tamang tapunan.
♻️ Mag-segregate ng nabubulok at di-nabubulok.
🚫 Huwag magtapon sa ilog, kanal, o kalsada.

Kung may makita tayong nagtatapon sa maling lugar, huwag mag-atubiling paalalahanan nang maayos. Ang simpleng pagsita ay malaking ambag sa kalinisan ng ating komunidad.

📌 Sa lahat ng vendors:
✔️ Maglagay ng hiwalay na basurahan para sa nabubulok at di-nabubulok.
✔️ Paalalahanan ang inyong mga customer na magtapon sa tamang basurahan.
✔️ Panatilihing malinis ang inyong pwesto.

Ang pagtutulungan ng mamamayan, bisita, at mga negosyante ang susi upang maiwasan ang makalat at maruming kapaligiran.

💚 Tandaan: Ang kalinisan ng Ilog Putol ay responsibilidad nating lahat.
💚 Disiplina sa sarili, malasakit sa bayan.
💚 Ang Malinis na Siniloan ay nagsisimula sa iyo!






🌿🔥 Sama-samang Aksyon, Para sa Mas Malinis na Siniloan! 🔥🌿Muling nagkaisa ang Solid Waste Management Division at mga kaw...
12/02/2026

🌿🔥 Sama-samang Aksyon, Para sa Mas Malinis na Siniloan! 🔥🌿

Muling nagkaisa ang Solid Waste Management Division at mga kawani ng General Services Office sa isinagawang clean-up drive sa kahabaan ng Manila East Road.

Hindi lang ito simpleng paglilinis — ito ay simbolo ng malasakit, disiplina, at pagmamahal sa ating bayan. 💚

Sa bawat basurang napupulot, may katumbas itong pag-asa para sa mas maayos na kapaligiran. Sa bawat pagtutulungan, mas napapalapit tayo sa layuning magkaroon ng mas ligtas, mas malinis, at mas makakalikasan na Siniloan.

📢 Isang magalang na panawagan sa bawat isa:
Huwag po tayong magtapon o maghagis ng basura kung saan-saan. Ang simpleng disiplina ay malaking hakbang upang maiwasan ang pagbaha, sakit, at polusyon sa ating kapaligiran.

Sa pamamagitan ng tamang pagtatapon at wastong pagsesegregate ng basura, sama-sama nating pinangangalagaan ang ating Inang Kalikasan at itinataguyod ang isang makakalikasan na bayan ng Siniloan.

♻️ Simpleng Gawain, Malaking Epekto:
✔️ Magtapon sa tamang basurahan
✔️ Ugaliin ang tamang segregation
✔️ Iwasan ang pagtatapon kung saan-saan
✔️ Bawasan ang paggamit ng single-use plastics

💚 Disiplina ngayon, proteksyon bukas.
💚 Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa ating sariling bakuran.
💚 Dahil ang Malinis na Siniloan ay bunga ng pagkakaisa!




# SaMalinisNaSiniloan

🌿 Isang Makakalikasan na Araw, Siniloan! 🌿Isinagawa ng Solid Waste Management Division, kasama ang mga clerk na nasa ila...
06/02/2026

🌿 Isang Makakalikasan na Araw, Siniloan! 🌿

Isinagawa ng Solid Waste Management Division, kasama ang mga clerk na nasa ilalim ng General Services Office, ang isang clean-up drive sa kahabaan ng Brgy. M. Pandeno, G. Redor St. bilang paalala sa ating lahat na iwasan ang pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar.

📢 Kami po ay magalang na nakikiusap sa lahat na huwag magtapon o maghagis ng basura kung saan-saan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng lugar. Ang simpleng disiplina ay malaking tulong upang maiwasan ang pagbaha, sakit, at polusyon sa ating kapaligiran.

Sa pamamagitan ng tamang pagtatapon at wastong pagsesegregate ng basura, sama-sama nating pinangangalagaan ang ating Inang Kalikasan at itinataguyod ang isang malinis, ligtas, at makakalikasan na bayan ng Siniloan.

♻️ Paalala sa Lahat:
✔️ Magtapon sa tamang basurahan
✔️ Ihiwalay ang nabubulok at di-nabubulok
✔️ Iwasan ang single-use plastics kung maaari
✔️ Maging huwaran sa kalinisan sa komunidad

💚 Maliit na hakbang, malaking ambag para sa kalikasan.





Marami pong Salamat sa pagtalima at pakikiisa.
25/01/2026

Marami pong Salamat sa pagtalima at pakikiisa.

ZERO WASTE MONTH | LGU SINILOAN, LAGUNA Kaisa ang Pamahalaang Bayan ng Siniloan, Laguna sa pagdiriwang ng Zero Waste Mon...
23/01/2026

ZERO WASTE MONTH | LGU SINILOAN, LAGUNA

Kaisa ang Pamahalaang Bayan ng Siniloan, Laguna sa pagdiriwang ng Zero Waste Month ngayong buwan bilang paalala sa lahat na ang tamang pamamahala ng basura ay hindi minsanan kundi araw-araw na pananagutan.

Paalala sa lahat ng mamamayan:
- Ipatupad ang tamang segregation ng basura (nabubulok, di-nabubulok, recyclable at special waste)
- Iwasan ang paggamit ng single-use plastics
- Makilahok sa mga clean-up drive at waste reduction activities sa inyong barangay
- Siguraduhing maayos ang paglalabas ng basura ayon sa itinakdang araw at oras ng koleksyon

Ang pangangalaga sa kalikasan ay nagsisimula sa disiplina ng bawat isa. Sama-sama nating isulong ang adbokasiyang Reduce, Reuse, Recycle para sa isang malinis, ligtas, at sustenableng Siniloan.

♻️ Zero Waste ngayong buwan, maayos na kinabukasan magpakailanman.

Maraming Salamat po sa inyong Tuloy-Tuloy na Pakikiisa!

Endereço

Siniloan
Laguna
4019

Notificações

Seja o primeiro recebendo as novidades e nos deixe lhe enviar um e-mail quando Solid Waste Management Division GSO - Siniloan, Laguna posta notícias e promoções. Seu endereço de e-mail não será usado com qualquer outro objetivo, e pode cancelar a inscrição em qualquer momento.

Compartilhar