City Enro-Balanga

City Enro-Balanga City Environment and Natural Resources Office - Balanga City

𝙃𝘼𝘼𝙋𝙋𝙔 𝘽𝙄𝙍𝙏𝙃𝘿𝘼𝙔 𝙑𝙄𝘾𝙀 𝙈𝘼𝙔𝙊𝙍 𝙁𝙍𝘼𝙉𝘾𝙄𝙎 𝘼𝙉𝙏𝙃𝙊𝙉𝙔 𝙂𝘼𝙍𝘾𝙄𝘼Isang maligayang pagbati sa kaarawan ng ating minamahal na Vice Mayor n...
05/10/2026

𝙃𝘼𝘼𝙋𝙋𝙔 𝘽𝙄𝙍𝙏𝙃𝘿𝘼𝙔 𝙑𝙄𝘾𝙀 𝙈𝘼𝙔𝙊𝙍 𝙁𝙍𝘼𝙉𝘾𝙄𝙎 𝘼𝙉𝙏𝙃𝙊𝙉𝙔 𝙂𝘼𝙍𝘾𝙄𝘼

Isang maligayang pagbati sa kaarawan ng ating minamahal na Vice Mayor ng Lungsod ng Balanga, Hon. Francis Garcia

Kalakip ng pagbati mula sa tanggapan ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) ang aming panalangin para sa inyong mabuting kalusugan, masaganang biyaya, at patuloy na lakas upang maisulong ang inyong masigasig na paglilingkod sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at mga inisyatiba para sa ikabubuti ng ating Lungsod, gayundin sa pangangalaga at proteksyon ng ating Inang Kalikasan.

Maligayang kaarawan po, VM Francis Garcia! 🎂🎉

01/10/2026

LINGKOD MAKAKALIKASAN 💛💙💛💛
City Environment and Natural Resources Office

29/09/2026

𝙏𝙄𝙉𝙂𝙉𝘼𝙉 | 𝙋𝘼𝙆𝙄𝙆𝙄𝘽𝘼𝙃𝘼𝙂𝙄 𝙉𝙂 𝘾𝙄𝙏𝙔 𝙊𝙁 𝘽𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂𝘼 𝙎𝘼 2026 𝙄𝙉𝙏𝙀𝙍𝙉𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉𝘼𝙇 𝘾𝙊𝘼𝙎𝙏𝘼𝙇 𝘾𝙇𝙀𝘼𝙉𝙐𝙋 𝘿𝘼𝙔

Matagumpay na nakiisa ang Lungsod ng Balanga sa pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day noong September 19, 2026, na may temang “Clean Seas for Resilient Communities.”

Sa pamamagitan ng clean-up drive, sama-samang ipinakita ng mga kawani ng pamahalaan, volunteers, at iba’t ibang stakeholders ang kanilang malasakit at pagmamahal sa ating Inang Kalikasan at pangangalaga sa ating mga baybayin at daluyan ng tubig.

Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Balanga, katuwang ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO), sa lahat ng indibidwal, grupo, at organisasyong naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta para sa matagumpay na gawaing ito.

Sama-sama, tulong-tulong tayong upang mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran at mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan.

𝙏𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙈𝙖𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙡𝙞𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙝𝙖𝙣𝙜𝙖-𝙝𝙖𝙣𝙜𝙖!



𝘾𝙊𝙉𝙂𝙍𝘼𝙏𝙐𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉𝙎!/𝙋𝙄𝙉𝘼𝙆𝘼𝙈𝘼𝙇𝙄𝙉𝙄𝙎 𝘼𝙏 𝙇𝙐𝙉𝙏𝙄𝘼𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙃𝘼𝙉𝘼𝙉 𝙒𝘼𝙍𝘿𝙀𝙀 𝙁𝙊𝙍 𝙏𝙃𝙀 𝙈𝙊𝙉𝙏𝙃 𝙊𝙁 𝙅𝙐𝙇𝙔, 𝘼𝙐𝙂𝙐𝙎𝙏 & 𝙎𝙀𝙋𝙏𝙀𝙈𝘽𝙀𝙍 2026Isang pagbati mu...
24/09/2026

𝘾𝙊𝙉𝙂𝙍𝘼𝙏𝙐𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉𝙎!/𝙋𝙄𝙉𝘼𝙆𝘼𝙈𝘼𝙇𝙄𝙉𝙄𝙎 𝘼𝙏 𝙇𝙐𝙉𝙏𝙄𝘼𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙃𝘼𝙉𝘼𝙉 𝙒𝘼𝙍𝘿𝙀𝙀 𝙁𝙊𝙍 𝙏𝙃𝙀 𝙈𝙊𝙉𝙏𝙃 𝙊𝙁 𝙅𝙐𝙇𝙔, 𝘼𝙐𝙂𝙐𝙎𝙏 & 𝙎𝙀𝙋𝙏𝙀𝙈𝘽𝙀𝙍 2026

Isang pagbati mula sa Pamahalaang Lungsod ng Balanga, katuwang ang City Environment and Natural Resources Office (City ENRO), sa mga Balangueño na patuloy na nakikibahagi sa adhikain ng Lungsod na mapanatili ang kalinisan at pangangalaga sa ating kapaligiran, na nagsisimula sa ating mga tahanan.

Ang pagkakaroon ng malinis at luntiang tahanan ay bunga ng simpleng disiplina, wastong pangangalaga sa kapaligiran, at pagtatanim ng mga halaman na nakatutulong sa paglikha ng mas maaliwalas at mas ligtas na pamayanan.

Ang ganitong inisyatibo ay patunay na ang pagigingmapagkalinga sa kalikasan at kapaligiran ay isang sama-samang responsibilidad. Sa bawat malinis at luntiang tahanan, sama-sama nating naitataguyod ang isang mas malinis, mas luntian, at mas kahanga-hangang Lungsod ng Balanga.

𝙏𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙈𝙖𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙡𝙞𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙝𝙖𝙣𝙜𝙖-𝙝𝙖𝙣𝙜𝙖!


𝙄𝙉𝙏𝙀𝙍𝙉𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉𝘼𝙇 𝘾𝙊𝘼𝙎𝙏𝘼𝙇 𝘾𝙇𝙀𝘼𝙉𝙐𝙋 𝘿𝘼𝙔Nakibahagi ang Lungsod ng Balanga sa International Coastal Cleanup Day sa pamamagitan n...
22/09/2026

𝙄𝙉𝙏𝙀𝙍𝙉𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉𝘼𝙇 𝘾𝙊𝘼𝙎𝙏𝘼𝙇 𝘾𝙇𝙀𝘼𝙉𝙐𝙋 𝘿𝘼𝙔
Nakibahagi ang Lungsod ng Balanga sa International Coastal Cleanup Day sa pamamagitan ng cleanup activity sa ilalim ng ating ABKD Program (Ayusin, Buhayin, Kalingain… Daluyan ng Tubig Natin!).
Sa temang “Clean Seas for Resilient Communities,” layunin ng gawaing ito na makatulong sa pagpapanatiling malinis at maayos ang ating mga baybayin at waterways. Mahalaga rin ang regular na paglilinis ng mga kanal, estero at daluyan ng tubig upang maiwasan ang pag-ipon ng basura at mga bara na nakakaapekto sa maayos na daloy ng tubig.
Sa pamamagitan ng ABKD Program, mas pinaiigting natin ang pangangalaga sa ating mga daluyan ng tubig at coastal areas para sa mas malinis, maayos at ligtas na Balanga.


19/09/2026
19/09/2026
19/09/2026
𝙏𝙄𝙉𝙂𝙉𝘼𝙉 | 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝙄𝙉𝙏𝙀𝙍𝙉𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉𝘼𝙇 𝘾𝙊𝘼𝙎𝙏𝘼𝙇 𝘾𝙇𝙀𝘼𝙉𝙐𝙋 𝘿𝘼𝙔 (𝙋𝘼𝙍𝙏 𝙄)Matagumpay na naisagawa ang 2026 International Coastal Cleanup ...
19/09/2026

𝙏𝙄𝙉𝙂𝙉𝘼𝙉 | 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝙄𝙉𝙏𝙀𝙍𝙉𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉𝘼𝙇 𝘾𝙊𝘼𝙎𝙏𝘼𝙇 𝘾𝙇𝙀𝘼𝙉𝙐𝙋 𝘿𝘼𝙔 (𝙋𝘼𝙍𝙏 𝙄)

Matagumpay na naisagawa ang 2026 International Coastal Cleanup Day sa Lungsod ng Balanga sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Balanga, katuwang ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO), na may temang “Clean Seas for Resilient Communities.”

Nakiisa sa makabuluhang gawaing ito ang iba't ibang government offices, mga g**o at mag-aaral, Civil Society Organizations (CSOs), mga barangay, civic groups, volunteers, at iba pang mga katuwang ng Lungsod.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa 25 barangay ng Lungsod ng Balanga na patuloy na nakikiisa sa mga programang ABKD Program (Ayusin, Buhayin, Kalingain, Daluyan ng Tubig natin..) at mga gawain para sa pangangalaga ng ating mga ilog, daluyan ng tubig, baybayin, wetlands, at iba pang likas na yaman.

Ang bawat oras, lakas, at simpleng ambag ng bawat isa ay malaking hakbang tungo sa isang mas malinis at mas ligtas na kapaligiran. Sa sama-sama nating pagkilos, naipapakita natin na ang pangangalaga sa kalikasan ay responsibilidad nating lahat.

Sama-sama tayo! Tulong-tulong para sa mas malinis na karagatan, mas mapagkalingang komunidad, at mas kahanga-hangang Lungsod ng Balanga.




Dirección

Bagsakan Public Market
San Jose
2100

Página web

Notificaciones

Sea el primero en enterarse: le enviaremos un correo electrónico cuando City Enro-Balanga publique novedades y promociones. Su dirección de correo electrónico no se utilizará para ningún otro fin y puede darse de baja en cualquier momento.

Atajos

Compartir