03/09/2026
Akala ko masakit matalsikan ng mantika,
May mas isasakit pa pala.
Ang kampihan at patawarin ka,
Hindi lang isa, paulit-ulit pa.
Ang patawarin ka ay naging parte ko na,
Pero mali pala kung aasa ka ng sobra.
Pagkakamali mo'y binura ko sa aking isipan,
Kahit na puso ko'y paulit-ulit mong pinaglalaruan.
Minahal kita ng buo,
Kahit na ito'y ikakadurog ko.
Minahal kita sa walang hanggan,
Kahit ang mahalin ka'y kasalanan.
Minahal mo lang ba ako kapag wala kang iba,
Ngunit minahal kita kasi kamahal-mahal ka.
Ang sakit na iyong binigay,
Hiling ko'y di madadala habang buhay.
-maimakata.