28/07/2026
Sa panahon namin, hindi man perpekto ang sistema, pero may isang bagay na malinaw—may respeto sa g**o. Kapag nagsalita ang g**o, tumatahimik ang klase. Kapag may patakaran, sinusunod. Hindi dahil sa takot, kundi dahil kinikilala namin ang awtoridad ng g**ong humuhubog sa aming kinabukasan.
Ngayon, tila nagbago ang ihip ng hangin. Kamakailan lamang, isang g**o ang umano'y binugbog ng magkapatid na estudyante matapos silang sitahin dahil sa pagsusuot ng hikaw sa loob ng paaralan. Isang simpleng pagpapatupad ng school policy ang nauwi sa karahasan.
Mas masakit pa rito, tila unti-unti nang nagiging baluti ang salitang "karapatan" upang pagtakpan ang lumalalang kawalan ng respeto. Totoong may mga karapatang dapat igalang. Ngunit ang karapatan ay hindi lisensya upang maliitin ang awtoridad, tanggihan ang disiplina, o manakit ng taong ginagawa lamang ang kanyang tungkulin.
Hindi lahat ng estudyante ay ganito, at hindi rin lahat ng g**o ay tama sa lahat ng pagkakataon. Ngunit kapag ang mga g**ong nagpapatupad ng patakaran ang natatakot nang magsaway dahil baka sila ang mapahiya, ma-video, o masaktan, may mali na sa direksyong tinatahak natin.
Kapag mas kinatatakutan na ng g**o ang magdisiplina kaysa ng estudyante ang gumawa ng mali, hindi na ang edukasyon ang namamayani—kundi ang kawalan ng pananagutan. At kapag dumating ang araw na wala nang g**ong maglalakas-loob magtuwid ng mali, huwag na tayong magtanong kung bakit unti-unti ring nawawala ang respeto sa tahanan, sa batas, at sa lipunan.