Bagong Pag-asa Kapit Bisig

Bagong Pag-asa Kapit Bisig A movement of hope, unity, and service for the Filipino community in Papua New Guinea.

Together, we build stronger families, stronger communities, and stronger connections through sports, job fairs, medical missions, and community service.

To all our supporters, volunteers, friends, and to all the FAPNG members who participated in the recent election,we, the...
27/10/2025

To all our supporters, volunteers, friends, and to all the FAPNG members who participated in the recent election,
we, the Bagong Pag-Asa Kapit-Bisig Team, extend our deepest and most sincere thanks.

We wholeheartedly thank you for the trust, confidence, and unwavering support you have shown throughout this journey. Your faith in our vision and your belief in our team have been the driving force that inspired and strengthened us from the beginning until the end of this campaign.

Though some of our party members did not make it to the final list, we celebrate this moment as a collective victory, for together, we have secured the majority of positions and, more importantly, the continued hope of genuine service and honest leadership.

The road we have traveled was not easy. We faced challenges, doubts, and moments that tested our unity and strength. Yet through it all, you were there, standing with us, believing in our mission and in the values we uphold. Every word of encouragement, every small act of support, and every sacrifice helped lay the foundation of what we have achieved today.

This victory is not ours alone. It belongs to every member of our community who stood with courage, integrity, and conviction. It belongs to every Filipino who continues to believe that honesty, transparency, and unity can still light the way.

The Bagong Pag-Asa Kapit-Bisig Party remains steadfast in our commitment to serve with Integrity, Unity, and True Service, principles that will guide every decision and action as we move forward.

As we take on this new responsibility, we do so with humility and renewed dedication to uplift, empower, and unite our community. Together, we will continue to build a future founded on trust, transparency, and collective progress.

Thank you for walking this journey with us, for believing that real change begins when we stand together. May this victory remind us that unity is our greatest strength and that together, we can achieve true progress and lasting hope.

Maraming salamat po sa tiwala at sa paniniwala. Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat.

With gratitude and commitment,

BAGONG PAG-ASA KAPIT-BISIG

25/10/2025

Wag tayo sa mga MEMA.
(MEMA-sabi lang..)
kundi dun tayo sa tunay na lideratong MEMA (MEMA-gagawa at MEMA-lasakit sa ating mahal na FAPNG.
Cast your votes..
Bomoto ayon sa kunsensya..
Oct 26,.Sunday 9am-3pm

Ang isang matatag ng samahan ay nag mumula sa group na handang:1. Mag lingkod ng taos puso,,,Di PINILIT, DI TINULAK, DI ...
25/10/2025

Ang isang matatag ng samahan ay nag mumula sa group na handang:
1. Mag lingkod ng taos puso,,,Di PINILIT, DI TINULAK, DI NAPILITAN, at DI GUMAGAWA NG KALOKOHAN...
2. May tunay na integridad sa kanyang sinasabi at prinsipyo,,,
yung walang tinatago, yung nag sasabi ng totoo, yung pwede mo tignan mata sa mata kasi di nya pinag papaplit ang katotohanan kapalit ng halaga...
3. Yung alam nya sa puso at isip nya ang kanyang ginagawa hindi lang para sa sarili nya kundi para sa nasasakupan nya..
4. Yung ang hangad ay maka tulong sa pag unlad ng assosasyon hindi pag unlad ng pansariling interest lamang.

Ilan lamang ito sa mga dapat natin tandaan...

wag mag padala kapalit ng anumang halaga...

Pumili ng totoong lideratong may direksyon at patutunguhan, hindi yung kanya kanya lang ng pag sagwan...
at tandaan Lideratong tunay na TINAWAG mag lingkod, hindi TINULAK Mag lingkod...

24/10/2025

Iboto yung taong may magandang hangarin, kunsensya at tunay na may pagmamahal sa FAPNG.

Isang simpleng Pilipino na gustong maglingkod sa inyo ng buong puso at ng me katapatan. Ako po ay si Ermin at kaya ako n...
23/10/2025

Isang simpleng Pilipino na gustong maglingkod sa inyo ng buong puso at ng me katapatan.

Ako po ay si Ermin at kaya ako nandito ay dahil mahal ko ang Filipino community dito sa Papua New Guinea. Bilang Pangulo ng FAPNG, hangad ko ang kaayusan at tagumpay ng ating samahan.

Hindi ito tungkol sa posisyon, kundi tungkol sa puso at malasakit sa kapwa. Magsisilbi tayo ng malinis at may dangal. Mabuhay tayong lahat. Maraming salamat,

Ang inyong Pangulo,

Ermin Salas

Hindi man po ako artista o matinee idol, subalit kaya kong tumindig sa harap ninyo, hindi para magpanggap, kundi para ma...
23/10/2025

Hindi man po ako artista o matinee idol, subalit kaya kong tumindig sa harap ninyo, hindi para magpanggap, kundi para magpakatotoo.

Ako po si Hubert Gianan, isang simpleng Pilipino, tahimik sa salita ngunit matatag sa gawa.

Hindi ako sanay sa mga palakpakan.
Hindi ako hinubog ng spotlight o ng mga kamera.
Ang kinalakihan ko ay simpleng pamumuhay,
pagtulong sa kapwa, pakikinig sa mga hinaing, at paggawa ng tama kahit walang nakatingin.

Bago pa man ako maging Councilor, isa lang akong ordinaryong tao na may malasakit.

Madalas akong nasa likod ng mga proyekto, tahimik na kumikilos, dahil sa paniniwalang ang tunay na serbisyo ay hindi kailangang ipagsigawan.

Marami akong nakita dito sa Papua New Guinea, mga kababayang malayo sa pamilya, nagtitiis, nagsisikap,
at sa kabila ng lahat, patuloy pa ring ngumingiti.

Doon ko nakita ang halaga ng Community Assistance at Outreach Programs.
Hindi ito simpleng programa ito ay buhay. Ito ang pagkakataon kong maiparamdam sa ating mga kababayan na kahit malayo tayo sa sariling bayan, may mga taong handang umalalay at makinig.

Sa bawat taong natutulungan ko, sa bawat ngiting naibabalik, doon ko nararamdaman ang tunay na dahilan kung bakit ako narito.
Hindi para sa titulo, hindi para sa pangalan,
kundi para sa isang mas malalim na layunin
ang maging tulay ng malasakit at pag-asa.

Hindi ko mabilang ang pagkakataong ako’y napagod.

May mga gabi ring nagtatanong ako sa sarili ko,
“May nakakaintindi pa ba sa ginagawa ko?”
Ngunit sa bawat pagod at pagdududa,
lagi kong naririnig ang tinig ng aking konsensya:
“Kung hindi ako kikilos, sino?”

At doon ako bumabalik sa puso ng aking paglilingkod.
Hindi ako perpekto, pero ako ay totoo. Hindi ako sikat, pero ako ay tapat. At hindi ako malakas sa salita, pero sa gawa, doon ninyo ako makikilala.

Bilang Councilor ng Bagong Pag-asa Kapit-Bisig,
dala ko ang pangarap ng bawat Pilipinong naghahangad ng pagkakaisa.
Dala ko ang pag-asa ng bawat manggagawang Pilipino na gustong maramdaman
na may organisasyong handang magmalasakit at tumulong.

Ang Bagong Pag-asa ay hindi lang pangalan ng grupo.
Ito ay sigaw ng bawat Pilipinong ayaw sumuko.
Ito ay simbolo ng ating pagkakapit-bisig,
ng ating paniniwalang kahit saan tayo dalhin ng tadhana,
kaya nating bumangon, magtulungan, at magmahalan bilang iisang pamilya.

At kung may maiiwan akong mensahe sa inyong lahat, ito iyon:
Hindi kailangang maging sikat para maglingkod.
Hindi kailangang mayaman para tumulong.
Ang kailangan lang ay pusong handang makinig,
kamay na handang umalalay,
at paninindigang tapat sa prinsipyo ng Integrity, Unity, and Service.

Ako si Hubert Gianan.
Tahimik man ako, pero maririnig ninyo ako sa gawa.
Hindi ako artista, pero sa bawat araw ng paglilingkod,
ang papel na ginagampanan ko ay totoo, ang papel ng isang lingkod-bayan na may malasakit.

At sa bawat Pilipinong nangangarap ng mas maayos na samahan,
ng mas makataong FAPNG,
nais kong sabihin: hindi kayo nag-iisa.

Nandito kami. Nandito ako.
At hangga’t may Pilipinong nangangailangan ng tulong,
hangga’t may Bagong Pag-asang dapat panindigan,
hindi ako susuko.

Dahil hindi ito tungkol sa akin. Ito ay tungkol sa atin.
Sa ating komunidad, sa ating pagkakaisa,
at sa ating paniniwalang, may tunay na Bagong Pag-asa para sa bawat Pilipino. 🇵🇭

23/10/2025

Isang paalala mula sa Bagong Pag asa Kapit Bisig... para sa darating na FAPNG ELECTION 2025

ELECTION DATE:
OCT 26, 2025
VOTING TIME: 9AM-3PM ONLY
COUNTING: 4PM onwards

What to bring
FAPNG MEMBERSHIP ID CARD (if recent)

if no FAPNG ID CARD,
a payment receipt
and any Goverment issued ID
example:
(Passport,Work Permit,Driver's License, PRC)

BOMOTO NG MAAGA
BOMOTO AYON SA INYONG KUNSENYSA
IBOTO ANG LIDERATONG TUNAY NA MAY PAG PAPAHALAGA.

SA BAGONG PAG ASA KAPIT BISIG
TARA NA AT MAGSAMA SAMA AT MAKIISA....
ATING FAPNG MAHALIN AT BIGYAN NG HALAGA....

Bago man po ako sa patakbo, pero hindi ako bago sa pagtulong.Sanay akong kumilos nang walang camera, mag-abot ng kamay k...
22/10/2025

Bago man po ako sa patakbo, pero hindi ako bago sa pagtulong.

Sanay akong kumilos nang walang camera, mag-abot ng kamay kahit walang kapalit, at tumulong kahit walang nakakakita.

Dahil para sa akin, ang tunay na serbisyo ay hindi tungkol sa atensyon, kundi sa intensyon.

Ako po si Puroi, at ako ay tumatakbo bilang Councilor sa ilalim ng Bagong Pag-asa Kapit-Bisig.

Ang hatid ko ay abot-kayang insurance para sa lahat isang simpleng programa na layuning bigyan ng proteksyon, kapanatagan, at seguridad ang bawat Pilipino dito sa Papua New Guinea.
Dahil naniniwala ako, ang pagkakaroon ng peace of mind ay hindi dapat maging luho, kundi karapatan.

Bukod dito, tutulong akong mangasiwa sa larangan ng sports, upang mapanatiling masigla, aktibo, at nagkakaisa ang ating komunidad.
Dahil ang sports, para sa akin, ay higit pa sa laro, ito ay paraan ng pagbubuklod, pagkakaibigan, at disiplina.

Aasist din ako sa mga events at kaganapan ng ating asosasyon, upang mas maging maayos, mas masaya, at mas makabuluhan ang bawat pagtitipon.
Sa bawat proyekto at programa, sisikapin kong maramdaman ng bawat Pilipino ang sigla, saya, at pagkakaisa.

Walang halong negatibo, dahil ang layunin ko ay magbigay ng positibong enerhiya at karagdagang sigla sa ating samahan.
Ang serbisyo ko ay simple tahimik pero tapat, magaan pero may saysay, at palaging galing sa puso.

🕊️
“Ang Bagong Pag-asa ay nagsisimula sa maliit na hakbang, basta’t tapat at may malasakit.”

Ang Inyong Councilor,

Puroi Salalila

Integrity • Unity • Service

Sa mga taon ko ng paglilingkod sa FAPNG, isang bagay ang aking napatunayan: hindi mo kailangang bayaran ang puso na hand...
22/10/2025

Sa mga taon ko ng paglilingkod sa FAPNG, isang bagay ang aking napatunayan: hindi mo kailangang bayaran ang puso na handang tumulong.

Ako po ay si Jesus Jake Lubaton kilala bilang Jhes Jhake na kasalukuyang Councilor ng FAPNG, at kahit bago man ang hamon, dala ko pa rin ang parehong sigasig na nag-udyok sa akin noon bilang Sports Chairman at Commissioner ng Basketball.
Hanggang ngayon, patuloy akong nagre-referee at nag-ooficiate ng mga palaro dahil sa pagmamahal sa sports at sa mga taong naglalaro dito.
Dahil para sa akin, ang bawat palo, bawat pasa, bawat laro ay paraan para magkaisa ang ating komunidad.

Ngunit higit pa sa sports, naniniwala akong mahalaga rin ang kalusugan ng ating kalooban at espiritu.
Kaya’t isa sa mga programang aking itataguyod ay ang spiritual and wellness programs, mga gawain na magbibigay ng kapayapaan sa isip, lakas sa loob, at direksyon sa bawat Pilipino sa PNG.
Dahil kapag maayos ang puso at pananampalataya, mas nagiging matibay ang ating samahan.

Bilang Councilor, pangarap kong maging tulay ng komunikasyon sa pagitan ng ating mga kababayan at ng Embahada ng Pilipinas.
Tutulungan kong mag-link at magbukas ng oportunidad upang marinig ang mga hinaing, pangangailangan, at pangarap ng bawat Pilipino dito.
Hindi lang ito tungkol sa papel o proseso, ito ay tungkol sa koneksyon ng puso at malasakit sa kapwa.

Tahimik man akong kumikilos, tuloy-tuloy ang aking paglilingkod.
Hindi kailangang ipagsigawan ang ginagawa, dahil ramdam ko na ang tunay na pagkilala ay nagmumula sa puso ng mga natulungan.
Ang serbisyo ko ay simple, tapat, bukas, at para sa lahat.

🕊️
“Hindi kailangang maging maingay para maglingkod l, sapat nang maramdaman ng tao ang epekto ng ginawa mo.”
Ako po si Jhake Lubaton, at ipagpapatuloy ko ang aking panata,
ang Tahimik na Serbisyo na may malasakit, pananampalataya, at pagkakaisa.

Ang Inyong Councilor,
Jhake Lubaton

Integrity • Unity • Service

Ako po si Rey Anthony Miranda, kasalukuyang Councilor ng FAPNG.Hindi na po ako bago sa serbisyo, ngunit sa bawat termino...
22/10/2025

Ako po si Rey Anthony Miranda, kasalukuyang Councilor ng FAPNG.
Hindi na po ako bago sa serbisyo, ngunit sa bawat termino, palagi kong itinatanim sa isip ko, ang paglilingkod ay hindi tungkulin lang, ito ay misyon ng puso.

Sa larangan ng sports at fitness, nakita ko kung paano nagbubuklod ang bawat Pilipino sa isang layunin,
ang maging malusog, masigla, at positibo sa buhay.
Kaya’t bilang inyong Councilor, layunin kong itaguyod ang mga programang magpapalakas hindi lamang ng katawan, kundi ng tiwala at pagkakaisa sa ating komunidad.
Dahil para sa akin, ang sports ay hindi lang laro, ito ay daan tungo sa respeto, disiplina, at pagkakaibigan.

Ngunit hindi lang po iyan ang aking adbokasiya.
Alam ko po ang bigat ng mga kababayan nating nangangailangan ng tulong sa visa assistance, mga OFW, pamilya, at manggagawang nangangarap ng maayos na buhay dito sa Papua New Guinea.
Kaya’t sisikapin kong palakasin ang ating FAPNG Visa Assistance Program, upang may masasandalan at matatakbuhan ang bawat Pilipino sa oras ng pangangailangan.

Tahimik man akong naglilingkod, alam kong nararamdaman ninyo ang epekto ng bawat ginagawa.
Kung hindi n’yo man ako madalas na nakikita, iyon ay dahil tumutulong ako, hindi kailangang ipagsigawan.
Dahil ang tunay na serbisyo ay hindi tungkol sa kung sino ang nakikita,
kundi kung sino ang patuloy na kumikilos nang tapat, may malasakit, at may paninindigan.

Hindi ko kailangang tumayo sa entablado para mapansin;
ang mahalaga sa akin ay tumindig sa tama para sa kapwa Pilipino.
Ang bawat araw ng paglilingkod ko ay alay sa mga taong nagtitiwala,
at sa bawat Pilipinong naniniwala na ang pagbabago ay nagsisimula sa malasakit.

Ako po ay patuloy na maglilingkod hindi lamang sa mga atleta, kundi sa bawat Pilipinong nangangailangan ng gabay, tulong, at direksyon.
Dahil sa FAPNG, bawat isa ay may puwang, bawat isa ay may karapatang marinig.

Ang paniniwala ko ay simple ngunit matibay, “Ang malusog na Pilipino ay produktibong Pilipino, at ang produktibong Pilipino ay sandigan ng komunidad.”

Sa ilalim ng Bagong Pag-asa Kapit-Bisig, ipagpapatuloy ko ang serbisyong nakatuon sa kalusugan, kabuhayan, at kabutihan.
Dahil ang tunay na lakas ay hindi lamang nasusukat sa katawan ito’y nakikita sa puso, sa pagkakaisa, at sa malasakit sa kapwa.

🕊️
“Hindi kailangang maging maingay para maglingkod sapat nang maramdaman ng tao ang epekto ng ginawa mo.”
Tahimik man, pero tapat iyan ang uri ng serbisyong handa kong ipagpatuloy.

Ang Inyong Councilor,
Rey Anthony Miranda

Integrity • Unity • Service

Matagal na po akong bahagi ng ating komunidad dito sa Papua New Guinea.Bilang isang Permanent Resident, nasaksihan ko an...
22/10/2025

Matagal na po akong bahagi ng ating komunidad dito sa Papua New Guinea.
Bilang isang Permanent Resident, nasaksihan ko ang pag-usbong, mga hamon, at tagumpay ng bawat Pilipino dito.
At sa lahat ng iyon, iisa ang natutunan ko, kapag may malasakit ka, hindi mo kailangang utusan para tumulong.

Ako po ay si Jhei nagsilbi na sa FAPNG bilang officer sa iba’t ibang termino.
Hindi po ako bago sa serbisyo, alam ko na ang hirap, pagod, at sakripisyo na kaakibat ng tungkulin.
Ngunit sa kabila ng lahat, hindi ako kailanman tumalikod sa responsibilidad.
Dahil para sa akin, ang paglilingkod ay hindi lang tungkulin, ito ay panata ng puso.

Bilang isang g**o, ako po ay istrikto sa mga pagtupad ngunit may puso sa bawat pagdedesisyon.
Bilang tagapagpahayag ng mensahe, sinisikap kong maiparating hindi lang ang mga salita kundi ang diwa ng Goodwill, respeto, at pagkakaisa.

Bilang Corresponding Secretary, sinisig**o ko na ang bawat liham, bawat komunikasyon, at bawat mensahe ng FAPNG ay maayos, malinaw, at may malasakit.
Sa likod ng bawat sulat, may puso.
Sa likod ng bawat mensahe, may tunay na hangarin para sa kabutihan ng lahat.

Huwag na po tayong mag-eksperimento, doon na tayo sa may ugat na.
Doon sa may karanasan, sa may kaalaman, at sa may tunay na malasakit sa samahan.
Dahil sa paglilingkod, hindi sapat ang sigla, mas kailangan natin ang ugat, pundasyon, at puso.

At ngayon, muling humaharap sa inyo bilang Corresponding Secretary,
dala ko ang karanasan, katapatan, at pananampalatayang ginabay sa akin ng mga taon ng serbisyo.
Hindi ako nandito para magpasikat, nandito ako para maging tulay ng komunikasyon, tagapaghatid ng mensahe, at sandigan ng organisasyon.

Dahil sa bawat liham at mensaheng ipinaparating ko,
isa lang ang laman ng puso ko ang pagmamahal ko sa FAPNG at sa mga Pilipinong patuloy na nagmamalasakit sa isa’t isa. ❤️

Integrity • Unity • Service

Minsan na tayong na-inlove, nasaktan, nagalit, at nagrebelde, ngunit sa huli, tayo pa rin ang nagmahal.Magmahal sa serbi...
22/10/2025

Minsan na tayong na-inlove, nasaktan, nagalit, at nagrebelde, ngunit sa huli, tayo pa rin ang nagmahal.
Magmahal sa serbisyo.
Magmahal sa komunidad.
Magmahal sa adhikain ng bawat Pilipinong naghahangad ng pagkakaisa.

Ako po ay si Maverick, at ito ang aking kwento.

Sa loob ng anim na taon bilang Public Relations Officer ng FAPNG, pinatunayan ko na ang paglilingkod ay hindi nasusukat sa posisyon, kundi sa malasakit at paninindigan.

Masakit sa akin ang mahiwalay sa isang kaibigan na tinuring na kapatid,
ngunit mas mahirap ang sumama sa bagay na labag sa aking prinsipyo at paniniwala.
Dahil sa dulo, ang tunay na kaibigan ay hindi sumusunod sa mali,
kundi naninindigan sa tama, kahit mag-isa.

At kung pinili ko mang manahimik, hindi ibig sabihin ay ako’y sumuko o tumiwalag sa aking tungkulin.
Dahil kahit hindi ako nakikita, patuloy ko pa ring ginagampanan ang aking tungkulin bilang FAPNG PRO ng kasalukuyang council.
Tahimik man, pero tapat.
Wala man sa harapan, ngunit laging nasa likod ng bawat tagumpay ng ating samahan.

Mula sa isang simpleng pangarap, pinangarap kong magkaroon ng FAPNG Channel,
isang platapormang magbibigay boses sa bawat Pilipino.
At sa tulong ng mga volunteers at ng buong komunidad, unti-unti itong natupad sa pamamagitan ng:
🎙️ FAPNG Media
📻 FAPNG Radio
💼 FAPNG Livelihood Shows
🎭 FAPNG Entertainment

Mula sa simpleng cellphone na ginagamit sa paghahatid ng balita,
napalawak natin ang media ng FAPNG, ginawang tulay ng impormasyon, inspirasyon, at pagkakaisa.
Ngunit higit sa lahat, ibinalik natin ang diwa ng volunteerism,
ang pagtulong nang walang hinihintay na kapalit.
Nagtatag ako ng mga bagong lider upang maipagpatuloy ang FAPNG Media,
dahil para sa akin, ang tunay na lider ay hindi lang gumagawa, kundi nagtuturo at nagbibigay-daan sa iba.

Ngayon, bilang kandidato sa Vice President, dala ko pa rin ang parehong puso at paninindigan.
Katuwang ng magiging bagong Presidente, bibigyang-diin namin ang pagpapatatag ng ating asosasyon, hindi lang sa pananalapi, kundi sa tiwala, respeto, at direksyon.

Kung ako po ay papalaring manalo bilang Vice President,
asahan ninyo ang isang Maverick Soriano na patuloy na maiinlove, maglilingkod at magtataguyod ng katapatan at prinsipyo, ilang beses mang masaktan.
Dahil para sa akin, ang paninindigan ay hindi nabibili, at ang malasakit ay hindi napipilit.

Sa ilalim ng Bagong Pag-asa Kapit-Bisig, ipagpapatuloy natin ang serbisyong tapat, bukas, at may puso.
Dahil sa bawat Pilipino, sa bawat volunteer, at sa bawat taong naniniwala,
nandito pa rin ako, dahil ang pagmamahal ko sa ating FAPNG ay hindi matatawaran. ❤️

Ang Inyong Vice President,
Maverick Soriano
"MAY NAGAWA NA, MAY MAGAGAWA PA"

Integrity • Unity • Service

Address

Gordons
Port Moresby
125

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Pag-asa Kapit Bisig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share