John Celeste

Call Website

John Celeste Official page of Engr. John "Kuya" Celeste. Municipal Mayor of Agno, Pangasinan

Maraming salamat po sa inyong oras, District Engineer Marieta B. Mendoza,  DPWH Pangasinan 1st District Engineering Offi...
07/10/2026

Maraming salamat po sa inyong oras, District Engineer Marieta B. Mendoza, DPWH Pangasinan 1st District Engineering Office. Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong oras, suporta, at pakikipagtulungan para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

MAS MALINIS NA AGNO, MAS MAAYOS NA SERBISYO! Mayroon na po tayong bagong Garbage Truck para mas mapalakas at mapahusay a...
07/10/2026

MAS MALINIS NA AGNO, MAS MAAYOS NA SERBISYO!

Mayroon na po tayong bagong Garbage Truck para mas mapalakas at mapahusay ang ating sistema ng pangongolekta at pamamahala ng basura sa ating bayan.

Layunin nito na makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kalusugan ng ating mga kababayan.

COURTESY VISIT 🤝Maraming salamat po, Ms. Karen E. Ladoing, Department Manager ng LBP Alaminos City, sa inyong pagbisita ...
06/10/2026

COURTESY VISIT 🤝
Maraming salamat po, Ms. Karen E. Ladoing, Department Manager ng LBP Alaminos City, sa inyong pagbisita at sa pagdadala ng suporta ng Land Bank of the Philippines para sa Bayan ng Agno.

Lubos kong pinahahalagahan ang inyong oras, malasakit at pakikiisa. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikipagtulungan at suporta. 💙

Maraming salamat po sa Abagatanen Integrated School, sa pangunguna ni Dr. Arlene B. Nacario Principal lll, sa pag-imbita...
02/10/2026

Maraming salamat po sa Abagatanen Integrated School, sa pangunguna ni Dr. Arlene B. Nacario Principal lll, sa pag-imbita at pagtitiwala sa akin bilang Inducting Officer.

Isang karangalan po na maging bahagi ng inyong makabuluhang programa. Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap! 🩵

30/09/2026

Tayo po ay dumalo sa seminar para sa ating mga Barangay Officials tungkol sa Violence Against Women and Children (VAWC) sa Lenox Hotel Dagupan City, Pangasinan.

Layunin nitong dagdagan ang kanilang kaalaman sa tamang pagtugon at pagprotekta sa mga biktima ng VAWC.

Maraming salamat po sa Supreme Agno Eagles Club sa inyong pagbisita sa aking tanggapan. Isang magandang pagkakataon po i...
28/09/2026

Maraming salamat po sa Supreme Agno Eagles Club sa inyong pagbisita sa aking tanggapan. Isang magandang pagkakataon po ito upang makapagkuwentuhan at mapalakas pa ang ating magandang ugnayan.

Welcome po sa aming bayan COL. Rey Taqueban, CPT. Herwin Galvan, MSA. Erwin Mariñas, kasama ang ating mga SB Members sa ...
22/09/2026

Welcome po sa aming bayan COL. Rey Taqueban, CPT. Herwin Galvan, MSA. Erwin Mariñas, kasama ang ating mga SB Members sa pangunguna ni Vice Mayor Jonathan G. Doromal.

Maraming salamat po sa inyong pagbisita at pakikipag-ugnayan sa ating bayan! 🩵

Maraming salamat po sa pagbisita at welcome po sa ating bayan Sir Roan Albert E. Bautista, Sir Mark Anthony G. Adviento ...
21/09/2026

Maraming salamat po sa pagbisita at welcome po sa ating bayan Sir Roan Albert E. Bautista, Sir Mark Anthony G. Adviento ng DOST-PAGASA National Office, at Patrolman Jionard Nilo sa inyong oras at pakikipag-ugnayan.

Sino ba naman ang hindi matutuwa? May 7-Eleven na sa wakas sa Agno! Ayan na nga, opisyal na ring binasbasan ang ating ba...
19/09/2026

Sino ba naman ang hindi matutuwa? May 7-Eleven na sa wakas sa Agno!

Ayan na nga, opisyal na ring binasbasan ang ating bagong tambayan! 🩵 Nakisaya at nakibahagi po tayo ngayong araw sa soft opening ng 7-Eleven dito sa Agno.
Sobrang tuwa natin na sa wakas ay may 7-Eleven na rin sa ating bayan para mas maging madali at accessible ang mga paboritong pagkain, inumin, at iba pang essentials .

Congrats at welcome sa Agno, 7-Eleven! 🩵

18/09/2026

Tayo po ay bumili ng dalawang (2) 6-wheeler Dump Trucks at isang (1) Payloader bilang karagdagang kagamitan para sa ating bayan.

Layunin po natin itong magamit sa iba’t ibang pangangailangan ng ating mga kababayan, lalo na sa mga proyekto, sakuna, at pagtugon sa mga pangangailangan ng ating komunidad.

Address

Poblacion East
Agno
2408

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when John Celeste posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share