Magandang Agoncillo Batangas

Website Contact the organization

Magandang Agoncillo Batangas "Magandang Agoncillo, Magandang Serbisyo Publiko" 🇵🇭✨

WORLD MENTAL HEALTH DAY 🇵🇭✨Sa likod ng bawat ngiti ay may kuwentong hindi natin alam. Kaya piliin nating maging maunawai...
11/10/2026

WORLD MENTAL HEALTH DAY 🇵🇭✨

Sa likod ng bawat ngiti ay may kuwentong hindi natin alam. Kaya piliin nating maging maunawain, makinig nang walang panghuhusga, at magmalasakit nang buong puso. Nakikiisa ang buong Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sa paggunita ng World Mental Health Day ngayong araw.

Sama-sama nating itaguyod ang isang Agoncillo na may malasakit, pag-unawa, at pag-asa.

Kabayan, may kasangga ka!


MALIGAYANG KAARAWAN KONSI KIDLAT 🇵🇭✨Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na P...
11/10/2026

MALIGAYANG KAARAWAN KONSI KIDLAT 🇵🇭✨

Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza at lahat ng kawani ay bumabati ng Maligayang Kaarawan sa ating masipag na miyembro ng Sangguniang Bayan, Kgg. Clark Eduard S. Caringal.

Maligayang Kaarawan,Konsi Kidlat.❤️✨

Nawa’y maging puno ng pagmamahal, kaligayahan at biyaya ang iyong espesyal na araw.

Sama-sama tayong maglingkod ng Tapat sa Diyos at sa Bayan tungo sa isang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.


MALIGAYANG KAARAWAN KUYA JAYMAR 🇵🇭✨Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Pu...
09/10/2026

MALIGAYANG KAARAWAN KUYA JAYMAR 🇵🇭✨

Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza at lahat ng kawani ay bumabati ng Maligayang Kaarawan sa ating masipag na kawani mula MDRRMO, Sir Jaymar Macatangay

Maligayang Kaarawan,Kuya Jaymar.❤️✨

Nawa’y maging puno ng pagmamahal, kaligayahan at biyaya ang iyong espesyal na araw.

Sama-sama tayong maglingkod ng Tapat sa Diyos at sa Bayan tungo sa isang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.


5TH REGIONAL COMMITTEE MEETING NG GIRL SCOUT OF THE PHILIPPINES- SOUTHERN LUZON REGION, KASALUKUYANG ISINASAGAWA SA BAYA...
09/10/2026

5TH REGIONAL COMMITTEE MEETING NG GIRL SCOUT OF THE PHILIPPINES- SOUTHERN LUZON REGION, KASALUKUYANG ISINASAGAWA SA BAYAN NG MAGANDANG AGONCILLO. 🇵🇭✨

Malugod na tinanggap ng ating minamahal na Punong Bayan at GSP-Batangas Council President, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ang mga panauhin at delegado ng 5th Regional Committee Meeting (RCM) ng Girl Scouts of the Philippines – Southern Luzon Region, na pinangunahan ng GSP National President na si Dr. Cristina Lim-Yuson, kasama ang ating kaibigan, si Vice Mayor Eloisa Angela Portugal.

Gaganapin sa loob ng dalawang araw, Oktubre 9–10, 2026, tampok sa nasabing pagpupulong ang mahahalagang talakayan at mga gawaing naglalayong higit pang palakasin ang pamumuno, pagkakaisa, at paglilingkod ng organisasyon. Bahagi rin ng programa ang pagbisita sa iba't ibang tourist attractions sa Lalawigan ng Batangas upang maipakilala ang mayamang kultura, likas na yaman, at magagandang destinasyon ng ating bayan at lalawigan.

Isang karangalan para sa Bayan ng Agoncillo ang maging bahagi ng makabuluhang pagtitipong ito, na sumasalamin sa patuloy na pagtataguyod ng pagkakaisa, pamumuno, at paglilingkod sa komunidad.

Maligayang pagdating sa Magandang Agoncillo! Nawa'y maging matagumpay at makabuluhan ang inyong pagpupulong at pananatili sa ating bayan at sa Lalawigan ng Batangas.


KALIGTASAN NG ATING MGA KABABAYAN, UNANG-UNA SA LAHAT 🇵🇭✨Matapos ang naganap na phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal...
08/10/2026

KALIGTASAN NG ATING MGA KABABAYAN, UNANG-UNA SA LAHAT 🇵🇭✨

Matapos ang naganap na phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal ngayong araw, pinangunahan ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, katuwang ang MDRRMO, MSWDO, PNP, BFP, PCG, PIO, MEO at RHU, ang agarang pagtugon at paglikas sa ating mga kababayang naninirahan sa mga lugar na malapit sa bulkan.

Ayon sa impormasyon mula kay Paolo Reniva, Resident Volcanologist ng PHIVOLCS Talisay, naganap ang phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal. Ang ganitong uri ng aktibidad ay maaaring magbuga ng abo, singaw ng asupre at volcanic gases, kaya naman mahalagang maging maingat at sumunod sa mga abiso ng mga kinauukulang awtoridad.

Dahil dito,Inuna ng ating Lokal na Pamahalaan ang mga kababayang naninirahan malapit sa bulkan, bilang pag-iingat laban sa epekto ng volcanic gases, kabilang ang asupre, na maaaring makairita at makapinsala kapag malanghap.

Sa kasalukuyan, ang ating mga kababayan ay ligtas na nananatili sa PAGCOR Socio-Civic Center at sa mga tahanan ng kanilang mga kamag-anak, habang patuloy na minomonitor ang sitwasyon.

Patuloy na nakahanda ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo at ang lahat ng katuwang na tanggapan upang tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Patuloy pong mag-ingat ang lahat!


𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗕𝗨𝗟𝗞𝗔𝗡: Ayon sa ulat ng NDRRMC at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), naganap ang...
08/10/2026

𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗕𝗨𝗟𝗞𝗔𝗡: Ayon sa ulat ng NDRRMC at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), naganap ang isang short-lived phreatomagmatic na pagputok sa Bulkang Taal dakong 6:06 ng gabi ngayong araw, ika-8 ng Oktubre 2026.

Habang naghihintay sa opisyal na datos at karagdagang detalye, narito ang ilang mga gabay para sa inyong kahandaan at kaligtasan.



SAMA SAMA PO NATING SUPORTAHAN ANG KINATAWAN NG AGONCILLO PARA SA QUEEN OF THE 3rd DISTRICT 2026 🇵🇭✨PEOPLE’S CHOICE AWAR...
08/10/2026

SAMA SAMA PO NATING SUPORTAHAN ANG KINATAWAN NG AGONCILLO PARA SA QUEEN OF THE 3rd DISTRICT 2026 🇵🇭✨

PEOPLE’S CHOICE AWARD

The crown may be decided on the grand stage, but one special title belongs to YOU — THE PEOPLE! 👑

This is your chance to make your voice count and show your unwavering support for the candidate who has captured your heart. ❤️
📣 OFFICIAL VOTING MECHANICS
❤️ HEART REACT = 1 VOTE
Before casting your vote:
1️⃣ FOLLOW THE SINAG TALISAY PAGE FIRST.
2️⃣ Go to the official candidate photo.
3️⃣ Click the ❤️ HEART REACTION.
4️⃣ Encourage your family, friends, and supporters to do the same!

⚠️ IMPORTANT:
❤️ ONLY HEART REACTIONS WILL BE COUNTED.
👍 Like, 😆 Haha, 😮 Wow, 😢 Sad, and 😡 Angry reactions will NOT be counted.
Comments and shares are NOT equivalent to votes.
✨ FOLLOW. HEART. SUPPORT. ✨
Reminder: Only ❤️ from individuals who FOLLOW the official page will be considered valid.

Every heart is a statement.
Every reaction is a show of support.
Every vote brings your chosen queen one step closer to the PEOPLE’S CHOICE CROWN! 👑❤️

Who will win the hearts of the people?
YOU HAVE THE POWER TO DECIDE.

👑 QUEEN OF THE 3RD DISTRICT 2026
PEOPLE’S CHOICE AWARD

💙 Pride • Inclusivity • Respect 🤍
🔥 LET THE HEARTS BEGIN! 🔥

MALIGAYANG KAARAWAN KUYA MHATT 🇵🇭✨Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Pun...
06/10/2026

MALIGAYANG KAARAWAN KUYA MHATT 🇵🇭✨

Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza at lahat ng kawani ay bumabati ng Maligayang Kaarawan sa ating masipag na kawani mula MSWDO, Sir Reymark De Sagun.

Maligayang Kaarawan,Kuya Mhatt.❤️✨

Nawa’y maging puno ng pagmamahal, kaligayahan at biyaya ang iyong espesyal na araw.

Sama-sama tayong maglingkod ng Tapat sa Diyos at sa Bayan tungo sa isang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.


Address

Poblacion
Agoncillo

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Magandang Agoncillo Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Magandang Agoncillo Batangas:

Shortcuts

Share