27/08/2026
Hawaiian palm sinimulang itinanim sa baywalk. Ito ay kilala rin bilang Manila palm / Christmas palm. 🌴
Sinamantala ng mga nangangalaga ng Agoo Eco-Park ang tag-ulan upang magtanim sa kahabaan ng Agoo Baywalk.
Nanguha ang mga tauhan ni Laps Sile, ang tagapangasiwa ng Agoo Eco-Tour Park, sa ating hardin ng mga tumubong palm at mga buto na unti-unti nang sumisibol.
Tumulong rin sa pangunguha ng mga buto sina Jona Mier at Grace, mga personal staff namin ni SBM Tonet Quero.
Pagtulungan nating pagandahin ang ating Agoo Eco Park. Atin ito.