NFA Agusan del Sur

NFA Agusan del Sur Buffer Stock Management of the Republic of the Philippines

🌾 BENTENG BIGAS P20: Bringing Affordable Rice Closer to Every Filipino 🇵🇭The NFA Agusan del Sur Branch on Benteng Bigas ...
02/09/2026

🌾 BENTENG BIGAS P20: Bringing Affordable Rice Closer to Every Filipino 🇵🇭

The NFA Agusan del Sur Branch on Benteng Bigas P20 Program continues at NFA-GID Warehouse, Libertad, Butuan City and GID Bayugan Warehouse, Bayugan City, Agusan del Sur.

The program aims to provide Filipino families with access to affordable rice at ₱20 per kilo.

Through the sustained implementation of this program, the government thru the Food Terminal Incorporated (FTI) remains committed to easing the burden of food expenses while strengthening support for our farmers and the agricultural sector.

Benteng Bigas P20 reflects the administration’s continuing efforts to promote food security, affordability, and a better quality of life for every Filipino.

Affordable rice. Stronger food security. A more resilient Philippines. 🇵🇭🌾

"Tiyak Ang Bigas, Panatag ang Bukas"


🌾 PATULOY ANG PALAY MILLING OPERATIONS NG NFA!🌾Patuloy ang Palay milling operations ng National Food Authority (NFA) Agu...
02/09/2026

🌾 PATULOY ANG PALAY MILLING OPERATIONS NG NFA!🌾

Patuloy ang Palay milling operations ng National Food Authority (NFA) Agusan del Sur Branch, katuwang ang mga pribadong rice millers, bilang bahagi ng pagsisikap na mapanatili ang sapat at abot-kayang suplay ng dekalidad na bigas.

Ang mga operasyon ay patuloy na isinasagawa bilang suporta sa mga programa ng pamahalaan, kabilang ang ₱20 Rice Program, na naglalayong makapaghatid ng mas abot-kayang bigas sa mga pamilyang Pilipino.

Sa sama-samang pagkilos ng NFA at pribadong sektor, patuloy nating isinusulong ang food security at kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino. 🇵🇭🌾

"Tiyak Ang Bigas, Panatag ang Bukas"


🌾 PAGPAPATATAG SA BOSES NG MGA MAGSASAKA! 🌾Pagsasagawa ng 2026 National Food Authority (NFA) Agusan del Sur Provincial F...
24/08/2026

🌾 PAGPAPATATAG SA BOSES NG MGA MAGSASAKA! 🌾

Pagsasagawa ng 2026 National Food Authority (NFA) Agusan del Sur Provincial Farmers Action Council (PFAC) Election ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas matibay na representasyon, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok ng ating mga magsasaka.

Binabati namin ang lahat ng mga nahalal na lider sa probinsya ng Agusan del Sur na pinanguluhan ni PFAC Pres. Rio P. Grande. Nawa’y maglingkod kayo nang may integridad, malasakit, at buong dedikasyon para sa kapakanan ng ating mga magsasaka. Sama-sama nating isulong ang isang mas matatag at maunlad na sektor ng agrikultura. 🤝🌱

"Tiyak Ang Bigas, Panatag Ang Bukas"


UGNAYAN SA MGA MAGSASAKA 🌾🤝Patuloy ang pagsasagawa ng National Food Authority Agusan del Sur sa pangunguna ni Acting Bra...
24/08/2026

UGNAYAN SA MGA MAGSASAKA 🌾🤝

Patuloy ang pagsasagawa ng National Food Authority Agusan del Sur sa pangunguna ni Acting Branch Manager Dennis L. Padura sa pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka sa iba’t ibang barangay ng Agusan del Sur upang mas mapalapit ang serbisyo at impormasyon sa ating mga magsasaka.

Layunin ng programa na mapakinggan ang kanilang mga saloobin at pangangailangan, sagutin ang kanilang mga katanungan at maipabatid ang mga programa at oportunidad na makatulong sa kanilang kabuhayan.

Sama-sama para sa mas matatag na sektor ng pagsasaka at seguridad sa pagkain!🌾🇵🇭

"Tiyak Ang Bigas, Panatag Ang Bukas"

📍 SITE INSPECTION | NFA MAFIM PROJECTLa Paz, Agusan del SurIsinagawa ang site inspection ng NFA MAFIM (Masagana Agri-Foo...
17/08/2026

📍 SITE INSPECTION | NFA MAFIM PROJECT
La Paz, Agusan del Sur

Isinagawa ang site inspection ng NFA MAFIM (Masagana Agri-Food Infrastructure Modernization) Project sa La Paz, Agusan del Sur, kasama ang mga NFA Central Office Executives na pinangunahan ni Deputy Administrator Engr. John Robert R. Hermano, kasama sina Assistant Administrator Veralew DG. De Vera at Acting Department Manager Allan Joseph Abapo, gayundin ang mga Regional Office Executives at mga kawani ng Branch Office.

Nagkaroon din ng mahalagang suporta at pakikipagtulungan mula sa Local Government Unit (LGU) ng La Paz, sa pangunguna ni Mayor Michael D. Lim.

Layunin ng isinagawang inspeksyon na masubaybayan ang progreso at matiyak ang maayos, de-kalidad, at napapanahong pagpapatupad ng proyekto. Ipinapakita rin nito ang matibay na koordinasyon at pagtutulungan ng NFA, LGU La Paz, at iba pang stakeholders para sa kapakinabangan ng mga lokal na magsasaka.🌾

🤝 Sama-samang pagkilos, matatag na pagtutulungan, at tapat na paglilingkod para sa sambayanan.

"Tiyak Ang Bigas, Panatag ang Bukas"


🌾 Ugnayan sa mga Magsasaka 🤝Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng National Food Authority (NFA) Agusan del Sur sa ating mga m...
10/08/2026

🌾 Ugnayan sa mga Magsasaka 🤝

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng National Food Authority (NFA) Agusan del Sur sa ating mga magsasaka —mga tunay na katuwang sa pagpapanatili ng sapat at matatag na suplay ng pagkain sa bansa.

Sa pamamagitan ng bukas na dayalogo at pakikinig sa kanilang mga pangangailangan at hinaing, mas napapalakas ang ugnayan at pagtutulungan para sa kapakanan ng ating mga magsasaka. 🇵🇭🌾

Magsasaka ang haligi ng ating pagkain. Sama-sama para sa mas matatag na agrikultura!

"Tiyak Ang Bigas, Panatag ang Bukas"

Welcoming our valued guests from the Department of Agriculture (DA) and Food Terminal Inc. (FTI) during their visit to t...
04/08/2026

Welcoming our valued guests from the Department of Agriculture (DA) and Food Terminal Inc. (FTI) during their visit to the NFA GID Libertad Warehouse, Butuan City, Agusan del Norte.🌾

The visit highlights our shared commitment to strengthening collaboration, promoting efficient grain storage and management, and supporting the country’s food security initiatives. Through continued partnership, we remain dedicated to providing quality public service and ensuring a stable food supply for the Filipino people.

Thank you for your visit and continued support!

"Tiyak Ang Bigas, Panatag ang Bukas"

Ang sa


073126 📢 Matagumpay na Paglulunsad ng P20 Benteng Bigas Meron Na Program 🌾Isinagawa ang matagumpay na paglulunsad ng P20...
31/07/2026

073126 📢 Matagumpay na Paglulunsad ng P20 Benteng Bigas Meron Na Program 🌾

Isinagawa ang matagumpay na paglulunsad ng P20 Benteng Bigas Meron Na Program sa pamamagitan ng Local Government Unit ng Kitcharao, Agusan del Norte, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na matiyak ang abot-kaya at de-kalidad na bigas para sa bawat pamilyang Pilipino.

Sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA) at sa pakikipagtulungan ng Food Terminal Incorporated (FTI), layunin ng programang ito na palakasin ang seguridad sa pagkain at suportahan ang kapakanan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas abot-kayang bigas.

Sama-sama nating isinusulong ang mas matatag na sektor ng agrikultura at mas maunlad na kinabukasan para sa bawat Pilipino.

"Tiyak Ang Bigas, Panatag ang Bukas"

Ang sa


TINGNAN | Pag-iisyu ng NFA Rice sa FTI para sa ₱20 Benteng Bigas Program ng Lokal na Pamahalaan ng Kitcharao, Agusan del...
29/07/2026

TINGNAN | Pag-iisyu ng NFA Rice sa FTI para sa ₱20 Benteng Bigas Program ng Lokal na Pamahalaan ng Kitcharao, Agusan del Norte🌾

Isinagawa ang pag-iisyu ng 889 bags na bigas sa Food Terminal Inc. (FTI) bilang suporta sa implementasyon ng ₱20 Benteng Bigas Program ng Lokal na Pamahalaan ng Kitcharao, Agusan del Norte.

Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang sapat na suplay ng de-kalidad at abot-kayang bigas para sa mga mamamayan. Sa pamamagitan ng programang ito, higit na mapapalawak ang access ng mga benepisyaryo sa murang bigas at mas mapatatag ang seguridad sa pagkain sa komunidad.

Patuloy na nakikiisa ang National Food Authority sa pagsuporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligtas, de-kalidad, at abot-kayang bigas.🌾

"Tiyak Ang Bigas, Panatag ang Bukas"

Ang sa

🌾 Palay Milling Operations |🌾Patuloy ang National Food Authority (NFA) Agusan del Sur sa pagsasagawa ng palay milling op...
22/07/2026

🌾 Palay Milling Operations |🌾

Patuloy ang National Food Authority (NFA) Agusan del Sur sa pagsasagawa ng palay milling operations bilang bahagi ng ating layunin na mapanatili ang sapat at de-kalidad na suplay ng bigas para sa pambansang buffer stock.

Sa pamamagitan ng maayos na pakikipagtulungan sa ating mga milling partners at sa dedikasyon ng ating mga kawani, patuloy nating sinusuportahan ang mga lokal na magsasaka at isinusulong ang seguridad sa pagkain para sa bawat Pilipino.🇵🇭🌾

"Tiyak Ang Bigas, Panatag Ang Bukas"

Address

National Highway, Alegria, San Francisco
Agusan Del Sur
8501

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639914995683

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NFA Agusan del Sur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to NFA Agusan del Sur:

Shortcuts

Share