01/06/2026
KALINISAN DAY | May 31, 2026
Nagsama-sama ang mga empleyado ng Barangay Capilijan sa pangunguna ni Punong Barangay DIOSDADO P. CONANAN para sa paglilinis at pag-aayos ng daan sa Purok 5. Layunin ng gawaing ito na mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang daanan para sa kapakinabangan ng lahat ng residente.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong para sa mas malinis at maayos na komunidad.