29/09/2026
Bilang inyong Punong Bayan, kasama sina Vice Mayor Vic Mitra at ang buong Sangguniang Bayan ng Alaminos, Laguna, kami po ay buong-pusong saludo at nagpapasalamat sa ating mga lingkod-bayan na handang maglaan ng kanilang panahon, kakayahan, at puso para sa kapakanan ng ating mga kababayan.
Noong Lunes, Setyembre 28, 2026, ay nanumpa sa aking tanggapan si Mark Justin R. Marasigan bilang bagong Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson ng Barangay San Gregorio๐ซฐ๐ป
Ngayong araw naman ay isinagawa ang panunumpa ni Lea Flores Eseque bilang bagong Kagawad ng Barangay San Gregorio, bilang bahagi ng kanyang pagtanggap sa tungkuling maglingkod at maging katuwang sa pagpapaunlad ng kanilang barangay.
Kasabay nito, ay isinagawa rin ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Alaminos Child Development Parents Federation, na magsisilbing katuwang sa pagsusulong ng kapakanan, pag-unlad, at kinabukasan ng ating mga kabataan.
Sa inyong lahat, maligayang pagbati at mabuhay! Nawa'y maging inspirasyon ang inyong panunumpa sa tapat, maayos, at makabuluhang paglilingkod sa ating mga kababayan.
Ang paglilingkod ay isang pananagutan at isang karangalan. Patuloy tayong magkaisa para sa isang mas maunlad at mas maayos na Alaminos, Laguna.
Mula sa inyong Punong Bayan, kasama sina Vice Mayor Vic Mitra at buong Sangguniang Bayan ng Alaminos, Laguna, maraming salamat sa inyong kahandaang maglingkod.
Serbisyong May Pagmamahalโค๏ธ๐ซฐ๐ป