01/09/2026
๐ง๐จ๐ฅ๐ก-๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐ก๐ฌ | ๐๐๐จ ๐ง๐ข๐๐๐๐ง ๐๐ข๐ก๐ฆ๐ง๐ฅ๐จ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐๐๐ง
TULIW, MALINAO, ALBAY | SEPTEMBER 1, 2026
Isang makabuluhang hakbang para sa mas malinis, ligtas, at malusog na komunidad ang isinagawa ngayong araw sa Barangay Tuliw, Malinao, Albay, sa pamamagitan ng Turn-Over Ceremony ng LGU Toilet Construction Project.
Ang proyekto ay naglalayong mapabuti ang sanitation at kalagayan sa kalusugan ng mga pamilya sa komunidad, kung saan 10 pamilya ang naging benepisyaryo ng completed sanitary toilet facilities.
Pinangunahan ni Mayor Sheryl P. Capus-Bilo,kasama sina Vice Mayor Abner E. Cargullo,mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Councilor Belen Cellona, Committee Chair on Health and Sanitation, Ms. Christy Regalado, MNAO at Sir Jestoni Celamor ng Municipal Engineering Office, ang seremonya na kinabibilangan ng pamamahagi ng Certificates of Ownership at ceremonial ribbon-cutting at turn-over ng mga natapos na sanitary toilets.
Katuwang din sa programa sina Municipal Health Officer Dr. Nikko B. Ciruelos, Municipal Engineer Engr. Grace M. Marbella, at iba pang mga opisyal at kawani na patuloy na nagsusulong ng mga programang nakatuon sa kalusugan at kapakanan ng mga Malinaonon.
Aktibong nakiisa at naging katuwang din sa matagumpay na pagsasakatuparan ng proyekto ang mga kawani ng Barangay Tuliw,sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Mateo Arevalo,kasama ang kanyang mga Barangay Personnels, na patuloy na sumusuporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan at kalidad ng pamumuhay ng kanilang mga nasasakupan.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, 10 pamilya ang nabigyan ng mas maayos at ligtas na sanitation facility , isang konkretong serbisyo tungo sa mas healthy, safe, at dignified na pamumuhay.
Serbisyo para sa kalusugan. Serbisyo para sa bawat pamilya. Serbisyo para sa Malinao.
Mauie/MalinaoPI