02/12/2025
βππ¦πππππ πππ ππ‘ππ¦π§π₯ππ§π’π₯ π ππ ππ¨ππ, πππ‘πππ¬ππ‘π ππππ‘ ππ‘π π£πππ£ππ£ππ¨π‘πππ π‘π πππ¨πππ¦π¬π’π‘ π¦π π¦π’πππ‘π’
Cauayan City - Binibigyang-diin ni Isabela Provincial Administrator Atty. Christopher A. Mamauag ang sama-samang tungkulin sa pagpapaunlad ng edukasyon sa ginanap na Solano Education Summit 2025.
Sa kanyang talumpati, iginiit niyang ang mga programang pang-edukasyon ay hindi lamang dapat nakasandig sa lokal na pamahalaan, kundi responsibilidad ng buong komunidad.
Sa kanyang lekturang βLeading the Greatest Show: Governance and Support System,β ipinaliwanag ni Mamauag na ang pangako sa edukasyon ay hindi lamang obligasyon kundi paraan upang matiyak na walang batang maiiwan sa pag-aaral.
Binigyang diin din ni Mamauag na ang bawat bata, anuman ang pinanggalingan, ay nararapat magkaroon ng patas na pagkakataon sa de-kalidad na edukasyon.
Dinaluhan ang summit ng mga g**o, estudyante, mga opisyal ng barangay, kinatawan ng LGU, at ibaβt ibang sektor upang magbuo ng mas inklusibong landas para sa pagkatuto sa bayan ng Solano.
Source: ISABELA PIO
--------------------------------------
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β
β
β
β