31/08/2026
Confirmed na ☑️
📢 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦, 𝗦𝗘𝗣𝗧𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 𝟭 | 𝗔𝗡𝗚𝗘𝗟𝗘𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬
Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Angeles City bukas, Martes, Setyembre 1, 2026, dahil sa patuloy na inclement weather.
Ang suspension ng klase ay idineklara sa Angeles City upang unahin ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral, g**o, at school personnel habang patuloy na mino-monitor ang lagay ng panahon.
Maaaring ipatupad ng mga paaralan ang alternative learning modalities upang maipagpatuloy ang pag-aaral, alinsunod sa kanilang learning continuity arrangements.
Ang Memorandum Circular No. 133 ng Malacañang ay nagtatakda rin ng mga nararapat na alternative arrangements sa mga lugar na sakop nito dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng Enhanced Southwest Monsoon o Habagat.
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟
Manatiling alerto at iwasang lumapit sa ilog, creek, sapa, tulay at iba pang lugar na maaaring bahain o maging delikado.
Para sa mga gagamit ng alternative learning modalities, abangan ang instructions at updates mula sa inyong paaralan.
Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Angeles City at inyong mga paaralan para sa anumang karagdagang update.
❤️ Stay safe, Angeleños.