Mayor Dominador Ambo Dayag

Mayor Dominador Ambo Dayag Aparri Mahal ko, Bayan ko Obligasyon ko
(9)

PAGPUPULONG SA PANSAMANTALANG PAGLILIPAT NG MGA TINDAHAN SA APARRI PUBLIC MARKETNagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Apa...
07/08/2026

PAGPUPULONG SA PANSAMANTALANG PAGLILIPAT NG MGA TINDAHAN SA APARRI PUBLIC MARKET

Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Aparri, sa pamumuno ni Mayor Dominador โ€œAmboโ€ J. Dayag, katuwang ang Municipal Engineering Office, ng consultation meeting kasama ang mga Pangulo ng iba't ibang seksyon ng Aparri Public Market upang talakayin ang planong pansamantalang paglilipat ng mga tindahan bilang paghahanda sa konstruksyon ng bagong Aparri Public Market.

Sa pagpupulong, tinalakay ang relocation plan at pinakinggan ang mga mungkahi ng bawat seksyon bilang bahagi ng patuloy na pagpaplano at koordinasyon ng proyekto.

BASIC FIREFIGHTING TECHNIQUES, TAMPOK SA IKA-4 NA ARAW NG 5-DAY BPATs TRAININGTampok sa ika-4 na araw ng 5-Day Barangay ...
07/08/2026

BASIC FIREFIGHTING TECHNIQUES, TAMPOK SA IKA-4 NA ARAW NG 5-DAY BPATs TRAINING

Tampok sa ika-4 na araw ng 5-Day Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) Training ang Demonstration and Practical Exercise on Basic Firefighting Techniques, na naglalayong bigyan ang mga kalahok ng praktikal na kaalaman at kasanayan sa pagtugon sa mga insidente ng sunog.

Ang pagsasanay na inisyatibo ng PNP-Aparri Police Station, sa pamumuno ni PMAJ JUNNEIL A PEREZ, katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP)-Aparri Fire Station, sa pangunguna ni FINSP ALEJANDRO F ANTONIO, Acting Chief Fire Marshal, at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na pinamumunuan ni Oliver Agoto, LDRRMO.

Sa isinagawang lecture, demonstration, at hands-on exercises, natutunan ng mga BPAT trainees ang wastong paggamit ng fire extinguisher, mga pangunahing paraan ng pagsugpo sa sunog, at mga safety procedures na dapat sundin sa oras ng emergency.

Personal namang nasaksihan ni Mayor Dominador โ€œAmboโ€ Dayag ang isinagawang training at nagpaabot ng mensahe ng suporta at paghikayat sa mga kalahok upang kanilang pahalagahan at maisabuhay ang mga kaalamang kanilang natututuhan sa pagsasanay.

Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, layunin na higit pang mapalakas ang kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng mga BPATs upang makaresponde nang ligtas at epektibo sa mga insidente at makatulong sa pangangalaga ng buhay at ari-arian ng komunidad.

06/08/2026

๐—Ÿ๐—š๐—จ-๐—”๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜€ "๐— ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—น๐—ฒ๐˜€-๐—ฅ๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—œ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜†" (๐— ๐—ฅ-๐—ฆ๐—œ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ) ๐—ผ๐—ณ ๐——๐—ข๐—›

Sa pakikipagtulungan ng Department of Health at ng Municipal Government of Aparri, sa pamamagitan ng Aparri Municipal Health Center-East, inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang at guardians na makiisa sa "Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity" o MR-SIA 2026.

August 10, 2026 magsisimula ang pagbabakuna.

Ang programang ito ay para sa lahat ng batang anim (6) na buwan hanggang 59 na buwan (under 5 years old). Makakatanggap din ang anak ninyo ng Vitamin A Supplementation upang mapalakas ang kanilang resistensya at masuportahan ang kanilang tamang pisikal na paglaki at mapanatiling malusong ang kanilang mga paningin.

Ang bakuna ay ligtas, libre, at mahalaga. Huwag palampasin ang MR SIA 2026.

๐ƒ๐€ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐Ž๐ ๐ŸŽ๐Ÿ, ๐๐€๐†๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐๐€๐…๐…๐ ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐๐”๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐‚๐€๐‘๐€๐•๐€๐Sa pangunguna ng Department of Agriculture Regional Field Office 02...
05/08/2026

๐ƒ๐€ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐Ž๐ ๐ŸŽ๐Ÿ, ๐๐€๐†๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐๐€๐…๐…๐ ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐๐”๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐‚๐€๐‘๐€๐•๐€๐

Sa pangunguna ng Department of Agriculture Regional Field Office 02 (DA-RFO 02), isinagawa ang Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk (PAFFP) Distribution Caravan sa Bayan ng Camalaniugan.

Personal na nakipagkita at nangumusta si Mayor Dominador โ€œAmboโ€ Dayag sa ikalawang batch ng mga benepisyaryong magsasaka mula sa Bayan ng Aparri. Umabot sa 529 kwalipikadong magsasaka, na nagmamay-ari o nagsasaka ng lupang may sukat na dalawang (2) ektarya pababa at rehistrado o nakatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), ang nakatanggap ng โ‚ฑ2,325 bawat isa bilang tulong mula sa naturang programa.

Layunin ng PAFFP na makatulong sa mga magsasaka sa pagtugon sa kanilang mga gastusin sa pagsasaka, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang farm inputs at production costs.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Aparri, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Dayag, sa mga ahensya ng national government upang maisulong ang mga programang makatutulong at makapagbibigay ng suporta sa ating mga kababayan, lalo na sa sektor ng agrikultura.

JUST FOR A DAY โ€“US EMBASSY DA AT BAGONG STATION COMMANDER NG CGS, NAG-COURTESY CALL SA TANGGAPAN NI MAYORBumisita sa tan...
05/08/2026

JUST FOR A DAY โ€“US EMBASSY DA AT BAGONG STATION COMMANDER NG CGS, NAG-COURTESY CALL SA TANGGAPAN NI MAYOR

Bumisita sa tanggapan ni Mayor Dominador โ€œAmboโ€ Dayag ang mga kinatawan mula sa United States Embassy-Manila upang talakayin ang mga usaping may kaugnayan sa kalagayan at produksyon ng agrikultura sa Cagayan Valley, kabilang ang bayan ng Aparri.

Pinangunahan nina Herpin Rochet Jateng, Agricultural Attachรฉ ng US Embassy in Manila; Justin Jenkins, Crop Assessment Specialist ng USDA sa Washington, D.C.; at Tricia Joy Arroyo, Agricultural Specialist ng US Embassy in Manila, ang courtesy call bilang bahagi ng kanilang rice and corn production assessment sa Cagayan Valley.

Layunin ng assessment na makakalap ng impormasyon para sa mga public report ng United States Department of Agriculture (USDA). Naging makabuluhan ang pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig, na nagbukas din ng pagkakataon para sa posibleng mga programa at pakikipagtulungan sa hinaharap sa pagitan ng Estados Unidos at LGU-Aparri, partikular sa larangan ng agrikultura.

Samantala, personal ding bumisita sa tanggapan ng Mayor Dayag ang bagong talagang Commander ng Coast Guard Station Cagayan (CGS) na si LTJG AHLEYA LEI U URSULUM-VILLANUEVA PCG.

Malugod na tinanggap ni Mayor Dayag ang bagong Station Commander at nagpahayag ng suporta sa pagpapatatag ng ugnayan sa pagitan ng LGU-Aparri at Philippine Coast Guard, lalo na sa mga usapin ng maritime security, kaligtasan sa karagatan, at disaster response.

Sa magkahiwalay na courtesy call, kapwa naging makabuluhan ang pag-uusap, na nagpapakita ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng LGU-Aparri sa mga national government agencies at international partners para sa kapakanan at kaunlaran ng mga Aparriano.

05/08/2026
BPATs TRAINING NA INISYATIBO NG PNP-APARRI, NAGSIMULA NANagsimula na ang limang (5) araw na pagsasanay para sa mga miyem...
03/08/2026

BPATs TRAINING NA INISYATIBO NG PNP-APARRI, NAGSIMULA NA

Nagsimula na ang limang (5) araw na pagsasanay para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa bayan ng Aparri.

Ang programa ay inisyatibo at pinangunahan ng Philippine National Police โ€“ Aparri Police Station, sa pangunguna ni PMAJ JUNNEIL A PEREZ, Chief of Police, katuwang ang suporta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) MLGOO March Magat.

Naroon din para dumalo at makiisa sa nasabing programa sina FINSP. ALEJANDRO F. ANTONIO, Acting Municipal Fire Marshal ng Aparri Fire Station; Hon. Evelyn L. Albanio, Liga ng mga Barangay President; at Rev. Pastor Remigio Requizo ng Biblical Baptist Church.

Dinaluhan ang aktibidad ng mahigit 200 participants mula sa 41 barangay ng Aparri, na sumailalim sa pagsasanay sa Preserving Crime Scene at Basic Life Support (BLS).

Dumalo rin si Mayor Dominador โ€œAmboโ€ Dayag upang personal na saksihan ang pagsisimula ng programa at ipahayag ang kanyang suporta sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga barangay peacekeeping teams.
Ang BPAT ay binubuo ng mga barangay officials, tanod, local leaders, volunteers, at mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang sektor at organisasyon sa komunidad. Layunin ng pagsasanay na higit pang mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan sa crime prevention, conflict resolution, disaster response, at public safety.

Hinimok ni Mayor Dayag ang mga kalahok na patuloy na paghusayin ang kanilang kakayahan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kani-kanilang barangay, gayundin ang pagiging handa at maagap sa pagtugon sa mga sakuna at iba pang emergency.

Patuloy na sinusuportahan ng LGU-Aparri ang mga programang naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga barangay at community volunteers tungo sa mas ligtas, maayos, at handang pamayanan.



LGU-APARRI AT NORTHSHORE MORE, NAGHATID NG KAUNA-UNAHANG LIBRENG THERAPY SERVICES PARA SA MGA PWD, BATANG MAY SPECIAL NE...
03/08/2026

LGU-APARRI AT NORTHSHORE MORE, NAGHATID NG KAUNA-UNAHANG LIBRENG THERAPY SERVICES PARA SA MGA PWD, BATANG MAY SPECIAL NEEDS, AT STROKE PATIENTS

Sa pangunguna ng Local Government Unit (LGU) ng Aparri, katuwang ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at sa pakikipagtulungan ng NorthShore MORE Rehabilitation Center, isinagawa ang โ€œTheraFREEโ€ Community-Based Rehabilitation Initiative, isang programang naglalayong maghatid ng libreng konsultasyon, screening, at specialized therapy services para sa mga batang may special needs, Persons with Disabilities (PWDs), at mga stroke patient.

Layunin ng TheraFREE na mailapit sa komunidad ang mahahalagang serbisyong rehabilitasyon sa pamamagitan ng libreng professional consultation, screening, basic physical therapy, at occupational therapy, gayundin ang pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga rehabilitation services na maaari nang mapakinabangan ng mga Aparriano.

Sa ngalan ni Mayor Engr. Dominador โ€œAmboโ€ J. Dayag, nagpahayag ng pasasalamat si Executive Assistant Mr. Patrocinio Abad sa NorthShore MORE Rehabilitation Center para sa kanilang pagkukusa na maghatid ng serbisyong pangkalusugan at rehabilitasyon sa komunidad, partikular sa mga indibidwal na nangangailangan ng espesyal na pangangalaga at therapy.

Pinangunahan ang nasabing serbisyo nina Dr. Nancy Urayani-Cheng, Deborrah Belbis, OTRP, at Lowella Pagulayan, PTRP, sa pakikipagtulungan ng PDAO at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Patuloy na sinusuportahan ng LGU-Aparri ang mga ganitong programa na naglalayong maghatid ng pantay-pantay, at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan at rehabilitasyon para sa mga Aparriano, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

WALANG PASOKโ€ผ๏ธโ€ผ๏ธAugust 3, 2026KINDER- SENIOR HIGH SCHOOL (Public and Private)Switch to Alternative Delivery ModeIngat po...
02/08/2026

WALANG PASOKโ€ผ๏ธโ€ผ๏ธ

August 3, 2026

KINDER- SENIOR HIGH SCHOOL (Public and Private)

Switch to Alternative Delivery Mode

Ingat po tayong lahat๐Ÿ™๐Ÿป

02/08/2026

Address

Aparri
3515

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Dominador Ambo Dayag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category