05/08/2026
πππππππ ππ ππππππππ, ππππππππ πππ ππππππππ ππππ ππ πππππ¬ ππππππππ ππ ππππππ
Personal na binisita ni PCOL MARDITO G ANGULUAN, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office (Cagayan PPO), kasama ang kanyang team, ang isinasagawang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) Training sa Bayan ng Aparri.
Malugod siyang sinalubong ni Mayor Engr. Dominador βAmboβ J. Dayag, kasama sina PMAJ JUNNEIL A PEREZ, Chief of Police ng Aparri Police Station; MLGOO March Magat; at LnB President Evelyn Albanio. Kasama ring dumalo ni PD Anguluan ang Chief Public Information Officer ng Cagayan PPO na si PCPT SHIELA JOY N FRONDA.
Sa kanyang mensahe, hinimok ni Mayor Dayag ang mga kalahok na patuloy na paghusayin ang kanilang kaalaman at kakayahan upang maging mas epektibo sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa kani-kanilang barangay.
Binigyang-diin naman ni PD Anguluan ang kahalagahan ng pagiging aktibo, alerto, at handa ng mga miyembro ng BPATs, lalo na sa pagtugon sa mga sakuna, emergency, at iba pang sitwasyong nangangailangan ng agarang aksyon.
Ang limang-araw na BPATs Training, na inisyatibo ng PNP-Aparri Police Station, ay nilalahukan ng mga barangay officials, barangay tanod, local leaders, volunteers, at mga kinatawan mula sa ibaβt ibang sektor ng komunidad.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa crime prevention, conflict resolution, disaster response, at public safety, bilang paghahanda sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa mga barangay.