08/08/2026
Pagbibigay ng Impormasyon at Serbisyo ng Business Permits at Licensing Office (BPLO) sa Pamamagitan ng Serbisyo Caravan
Upang makapagbigay ng napapanahong impormasyon, anunsyo, at mga update hinggil sa serbisyo ng BPLO, matagumpay na nakilahok ang tanggapan sa taunang Serbisyo Caravan ng LGU Conner, na isinagawa sa iba't-ibang barangay ng munisipyo.
Bilang bahagi ng aktibidad, isinagawa ang personal na pagbibigay ng impormasyon at assistance hinggil sa aplikasyo at renewal ng Business Permit, gayundin ang paggabay sa mga business owners sa paglikha at pagbukas ng kanilang account sa eGovPh App. Ipinaliwanag na ang proseso ng aplikasyon at renewal ng Business Permit ay isinasagawa na online bilang bahagi ng patuloy na digitalization at streamlining ng mga proseso ng LGU, alinsunod sa mga layunin ng EODB Law na gawing mas simple, mabilis, accessible, at convenient ang pagkuha at pagrenew ng Business Permit sa mga negosyante.
Binigyang-diin din sa mga business owners ang kahalagahan ng napapanahong pagrenew ng Business Permit, na karaniwang isinasagawa tuwing buwan ng Enero ng bawat taon. Ipinaaalala na ang hindi pag-renew sa takdang oras ay magresulta ng kaukulang penalties alinsunod sa umiiral na Municipal Revenue Code. Sa mga indibidwal namang nagpaplanong magsimula ng negosyo, ipinaaalala na kinakailangang kumuha muna ng kaukulang Business Permit na patunay na ang negosyo ay nakapagsumite at nakatugon sa mga kinakailangang dokumento at clearances ng pamahalaang lokal.
Ipinaalam din ang tungkol sa bagong ordinansa hinggil sa pagsasara ng mga business establishment pagkatapos ng tatlong Notice of Violation sa mga hindi sumusunod sa mga regulasyon ng LGU. Ang hakbang na ito ay naglalayong palakasin ang compliance ng mga business establishments at matiyak na ang lahat nang nagsasagawa ng negosyo sa loob ng munisipyo ay sumusunod sa mga umiiral na ordinansa nito, at regulatory requirements partikyular na sa Building Permit, Locational Clearance, Sanitary Permit, Fire Safety and Inspection Certificate, Real Property Tax Clearance, at MENRO Clearance. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at environmental compliance sa loob ng LGU.
Sa pamamagitan nang paglahok ng BPLO sa Serbisyo Caravan ng LGU, mas naging accessible ang pagbibigay impormasyon at assistance hinggil sa business permitting at regulatory compliance.