Aurora Provincial IAS

Aurora Provincial IAS PNP INTERNAL AFFAIRS SERVICE

GUIDELINES AND PROCEDURES TITLE V, SECTIONS 39 TO 51 RA 8551

Bayan ng Dingalan | Lalawigan ng Aurora Abril 14, 2025 Nagsagawa muli ng taonang "PROACTIVE INSPECTION" ang Aurora Provi...
14/04/2025

Bayan ng Dingalan | Lalawigan ng Aurora
Abril 14, 2025

Nagsagawa muli ng taonang "PROACTIVE INSPECTION" ang Aurora Provincial IAS na pinangunahan at pinamumunuan ni PLTCOL JEFFREY A VALLEDO.

Ang Aurora PIAS ay nagsagawa ng isang komprehensibyong inspeksyon sa LAHAT ng kawani ng Dingalan Mps , Aurora Police Provincial Office.

Sa kasagsagan ng init ng panahon, pinaalalahanan ni PLTCOL VALLEDO ang mga kawani na maging laging handa sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin. Si PLTCOL VALLEDO ay sinamahan ni PMsg Kritian JB D Teñoso at ni NUP Joel S. Andres.

Ang layunin ng Proactive Inspection ay tinitiyak ng ahensya na lahat ng kawani ng Dingalan MPS ay sumusunod sa mga panuntunan ng PNP at tinitiyak na kumpleto ang mga eto o ALL ACCOUNTED FOR kasama ang kanilang mga kagamitan.

Follow and Like us at:
Aurora Provincial IAS















14/04/2025
08/04/2025

MANILA, Philippines — The Internal Affairs Service (IAS) of the Philippine National Police (PNP) will file formal administrative complaints against Eastern Police District (EPD) personnel, who

Camp BGen Rafael T Crame, Quzon CityAbril 3, 2025Nagtipon ang IAS Command Group, Regional Directors, at NIAS Division Ch...
03/04/2025

Camp BGen Rafael T Crame, Quzon City
Abril 3, 2025

Nagtipon ang IAS Command Group, Regional Directors, at NIAS Division Chiefs para talakayin ang Review at Validation ng IAS Annual Operational Plans at Budget Estimate para sa Fiscal Year 2026, na nagpapatibay sa pangako ng IAS sa accountable at strategic governance.

Kasama si PLTCOL JEFFREY A VALLEDO sa nasabing conference bilang kinatawan ng IT Project Office na namumuno sa pagpaplano ng mga proyekto patungkol sa information technology.

Follow and Like us at:
www.facebook.com/aurorapias.rias3













PNP MC Ligtas SUMVAC 2025
03/04/2025

PNP MC Ligtas SUMVAC 2025

PNP MAS PINAIIGTING ANG SEGURIDAD PARA SA SUMMER VACATION 2025

Habang papalapit ang panahon ng tag-init, inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang PNP MC Ligtas SUMVAC 2025 Operational Guidelines bilang gabay sa pagpapatupad ng mas pinaigting na seguridad at kaayusan sa buong bansa. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inatasan ng PNP ang lahat ng yunit nito na tiyakin ang kaligtasan ng publiko mula Abril 1 hanggang Mayo 31, 2025.

Tuwing tag-init, dumarami ang mga bumibiyahe papunta sa kanilang mga probinsya upang makasama ang pamilya, dumalo sa mga reunion, at magbakasyon sa mga resorts, dalampasigan, at iba pang tourist destinations. Maraming mahahalagang pagdiriwang din ang kasabay ng panahon na ito, kabilang ang Philippine Veterans Week, Araw ng Kagitingan, Labor Day, Flores de Mayo, at ang Mahal na Araw mula Abril 13 hanggang Abril 20. Dahil dito, inaasahan ang pagdagsa ng mga biyahero, balikbayan, at turista sa mga pampublikong lugar, transport terminals, pangunahing lansangan, commercial establishments, at iba pang pasyalan, na nangangailangan ng mas mataas na presensya ng pulisya upang maiwasan ang anumang banta sa seguridad.

Kasabay ng pagdami ng tao sa matataong lugar, inaasahang tataas din ang mga kaso ng krimen tulad ng panloloob, pagnanakaw, at iba pang illegal na aktibidad. Malaking hamon din ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing kalsada at daan papunta sa probinsya, pati na rin ang siksikan sa mga bus terminals, paliparan, at pantalan. Bukod dito, maraming bahay ang naiiwanang walang tao, kaya't maaaring samantalahin ito ng mga masasamang loob. Dagdag pa rito, mahigpit na binabantayan ng PNP ang posibilidad ng anumang banta mula sa mga kriminal at teroristang grupo, lalo na’t ang SUMVAC 2025 ay kasabay ng pangangampanya, eleksyon, at proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa National and Local Elections (NLE).

Upang matugunan ang mga hamong ito, magde-deploy ang PNP ng 40,151 personnel sa buong bansa sa ilalim ng Enhanced Operational Concept of Managing Police Operations (E-MPO) Strategy, na nakatuon sa mas pinaigting na police visibility, patrol operations, at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.

Itatalaga ang Police Assistance Desks sa mga transport hubs, tourist spots, at iba pang matataong lugar upang agarang makapagbigay ng tulong sa publiko. Paiigtingin din ang law enforcement operations upang pigilan ang anumang aktibidad ng krimen, habang mas hihigpitan ang seguridad sa mga mahahalagang pasilidad, terminal, at lugar ng pagsamba sa pamamagitan ng intelligence monitoring at security inspections. Kasabay nito, ipapatupad nang mahigpit ang traffic management at road safety measures upang mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at maiwasan ang mga aksidente sa lansangan.

Tiniyak naman ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ang kahandaan ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa. “Habang pinaghahandaan natin ang Summer Vacation 2025, sinisiguro ng PNP ang kaligtasan ng ating mamamayan. Ang ating mga kapulisan ay naka-deploy at handang rumesponde sa anumang sitwasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan. Nananawagan kami sa publiko na manatiling mapagmatyag, makipagtulungan sa mga awtoridad, at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad. Sama-sama nating gawing ligtas at kasiya-siya ang tag-init na ito,” aniya.

Pinaaalalahanan din ng PNP ang lahat ng biyahero na tiyaking maayos na nakakandado ang kanilang bahay bago umalis, maging alerto sa paligid, at sumunod sa mga safety guidelines sa matataong lugar. Bukas ang mga emergency hotlines at opisyal na social media channels ng PNP para sa mga agarang concerns o insidente na nangangailangan ng agarang aksyon.

Sa pamamagitan ng PNP MC Ligtas SUMVAC 2025, nananatiling matatag ang Philippine National Police sa pangakong protektahan ang publiko at tiyakin ang isang ligtas, payapa, at masayang summer vacation para sa lahat.


Lalawigan ng Aurora | Marso 18, 2025NON-PARTISAN ang Aurora Provincial IASAng mga kawani ng Aurora Provincial IAS ay man...
18/03/2025

Lalawigan ng Aurora | Marso 18, 2025

NON-PARTISAN ang Aurora Provincial IAS

Ang mga kawani ng Aurora Provincial IAS ay mananatiling
𝐏𝐑𝐎𝐅𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 and 𝐋𝐎𝐘𝐀𝐋 sa aming sinumpaang tungkulin,
sa saligang batas, at sa watawat ng Pilipinas.

Na-aayon sa PNP Code Ethics ang lahat ng mga panuntunan at
ikikilos ng aming kawani.

Ang usaping POLITIKAL ay kailanman
ay hindi dapat pinagtatalunan sa aming hanay,
bagamat merun kaming kani-kanyang pananaw sa politika
at sa ibang bagay, eto ay aming isinasantabi at
sinasarili lamang sa oras ng trabaho.

Ayon din sa 𝐏𝐍𝐏 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐧𝐝𝐮𝐦 𝐂𝐢𝐫𝐜𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐍𝐨. 𝟐𝟎𝟐𝟒-𝟎𝟕𝟕 o sa pamagat na
"𝐆𝐔𝐈𝐃𝐄𝐋𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐈𝐍 𝐏𝐎𝐒𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐎𝐍 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐀"
ang mga kawani ng PNP (Philippine National Police) ay
mananatiling 𝐀𝐏𝐎𝐋𝐈𝐓𝐈𝐂𝐀𝐋 at 𝐍𝐎𝐍-𝐏𝐀𝐑𝐓𝐈𝐒𝐀𝐍 sa lahat ng oras
at dapat nating iwasan ang pag-post ng hindi awtorisado at
bias na nilalaman sa social media at iba pang mga platform ng komunikasyon.

Sa panahon ngayon ng Information Technology,
mabilis kumalat ang 𝐅𝐀𝐊𝐄 𝐍𝐄𝐖𝐒.
At alam naman natin na nasa kaalaman ng lahat na magsagawa muna ng fact-checking.
Kung may mga ulat ng partidistang aktibidad, hindi kami dapat makisali.

Follow and Like us at:
www.facebook.com/aurorapias.rias3














Camp BGen Rafael T. Crame | Quezon CityMarso 2025Pinapalakas ng IAS ang Digital Case Management gamit ang ICT Equipment ...
11/03/2025

Camp BGen Rafael T. Crame | Quezon City
Marso 2025

Pinapalakas ng IAS ang Digital Case Management
gamit ang ICT Equipment Donation mula sa PSSLAI

Ang Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP)
ay patuloy na pinahuhusay ang digital capacity nito kasunod ng
ceremonial turnover ng IT equipment upang palawakin ang storage capacity
ng IAS Case Management Information System (CMIS).

Ang ICT equipment ay bukas-palad na naibigay ng Public Safety Savings and
Loan Association, Inc. (PSSLAI) sa pamamagitan ng Branch Manager na si
Ginoong Ulysses Dimitui at Assistant Branch Manager na si
Ginoong Alvin Lejano, bilang bahagi ng PSSLAI’s
Corporate Social Responsibility (CSR) program.
Ang turnover ceremony ay ginanap noong Marso 10, 2025,
sa IAS Building, Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City

Sinabi ni Inspector General Atty. Brigido J. Dulay na personal na tinanggap
ang kagamitan sa ngalan ng IAS at pinuri ang PSSLAI sa kanilang patuloy na
pakikipagtulungan sa pagsusulong ng accountability at transparency
sa serbisyo ng pulisya.

Ang IAS Case Management Information System (CMIS) ay ang imbakan o repository
ng lahat ng kasong administratibo ng mga kawani ng Kapulisan. Kasama si
PLTCOL JEFFREY A VALLEDO (PS, Aurora PIAS) sa mga naging facilitator ng
nasabing seremonya. Si PLTCOL VALLEDO ay siya ring Chief ng Information Technology Office
ng PNP Internal Affairs Service.

Follow and Like us at:
www.facebook.com/aurorapias.rias3














Lalawigan ng Aurora Municipality of Dipaculao | Marso 6, 2025Ang tanggapan ng Aurora Provincial IAS ay nagsagawa "PROACT...
10/03/2025

Lalawigan ng Aurora
Municipality of Dipaculao | Marso 6, 2025

Ang tanggapan ng Aurora Provincial IAS ay nagsagawa "PROACTIVE INSPECTION" at Red Teaming Inspection sa Dipaculao MPS-Aurora PPO.

Ang nasabing Inspection ay pinangunahan ni PLTCOL JEFFREY A VALLEDO, ELIZARUD A CATOLICO at ni PMSg Kristian JB Teñoso sa mga Kapulisan ng Dipaculao MPS, Aurora PPO – PRO3.

Ang layunin ng Inspection ay tinitiyak ng ahensya na lahat ng kawani ng kapulisan ay sumusunod sa mga panuntunan ng PNP at tinitiyak na kumpleto ang mga eto o ALL ACCOUNTED FOR.

Pinalalahanan din ng mga Aurora PIAS Inspectors ang mga kapulisan na maging Apolitical sa darating na halalan sa Mayo 2025...
Ang Dipaculao MPS, Aurora PPO ay pinamumunuan ni PMAJ EMILIO B SISON (Chief-Of-Police).

Follow and Like us at:
www.facebook.com/aurorapias.rias3
















Ang kumuha ng mga larawan ay mula sa On-The-Job trainee ng Mount Carmel College - Baler na sina:

OJT/Intern Micho A. Maquiniana
OJT/Intern Jane Marry M. Molina

Lalawigan ng Aurora Municipality of San Luis, Aurora | Marso 6, 2025Ang tanggapan ng Aurora Provincial IAS ay nagsagawa ...
06/03/2025

Lalawigan ng Aurora
Municipality of San Luis, Aurora | Marso 6, 2025

Ang tanggapan ng Aurora Provincial IAS ay nagsagawa "PROACTIVE INSPECTION" at Red Teaming Inspection sa San Luis MPS, Aurora PPO.

Ang nasabing Inspection ay pinangunahan ni PLTCOL JEFFREY A VALLEDO, ELIZARUD A CATOLICO at ni PMSg Kristian JB Teñoso sa Kapulisan ng San Luis MPS, Aurora PPO – PRO3.

Ang layunin ng Inspection ay tinitiyak ng ahensya na lahat ng kawani ng kapulisan ay sumusunod sa mga panuntunan ng PNP at tinitiyak na kumpleto ang mga eto o ALL ACCOUNTED FOR.
Pinalalahanan din ng mga Aurora PIAS Inspectors ang mga kapulisan na maging Apolitical sa darating na halalan sa Mayo 2025...

Nag-obserba din sa nasabing inspection si PCOL LUCILE S FAYCHO, Provincial Director ng Aurora Police Provincial Office.

KUDOS sa mga kawani ng San Luis MPS, Aurora PPO sa pangunguna ni PMAJ DESIREE S BULUAG (Chief-Of-Police) sa kanilang ipinakitang kahandaan sa pang-araw araw na gawain ng Kapulisyan…

Follow and Like us at:
www.facebook.com/aurorapias.rias3


















Ang kumuha ng mga larawan ay mula sa On-The-Job trainee ng Mount Carmel College - Baler na sina:
OJT/INTERN HANNEY LET M. RUZOL
OJT/INTERN JOHN MAVERICK T. SINDAC

Address

ATC Compound, Brgy Calabuanan, Baler
Aurora
3200

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639616449583

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aurora Provincial IAS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Aurora Provincial IAS:

Share