Mga Bagong Anak ng Aurora

Mga Bagong Anak ng Aurora Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mga Bagong Anak ng Aurora, Political organisation, Aurora, Aurora.

Ricky “Enrique” Quezon Avanceña is a prominent Filipino writer, environmental advocate, and member of the Quezon-Avanceñ...
05/07/2025

Ricky “Enrique” Quezon Avanceña is a prominent Filipino writer, environmental advocate, and member of the Quezon-Avanceña family—the descendants of former Philippine President Manuel L. Quezon. Here’s a summary of who he is:
🧬 Family & Background
He is the son of Zeneida “Nini” Quezon Avanceña, daughter of President Manuel L. Quezon, famed for her human rights advocacy; her passing in 2021 was announced by Ricky himself
He has eight siblings, and the family has remained active in preserving the presidential legacy.
✍️ Career & Contributions
Freelance Writer: Known to post about culture, history sbd politics.
Environmental Advocate: Served as Communications Director for the Ecological Society of the Philippines. Authored a 2018 think piece, The Philippine Environment: Epicenter of Wealth, Beauty and Destruction, discussing critical environmental challenges in the country
📚 Public Engagements & Recognition
Participated in an oral history interview about the role of the Philippines in rescuing over 1,200 Jews during WWII, preserved in the American Jewish Archives
🌟 Summary
Ricky Avancena stands at the intersection of historical legacy and modern advocacy. He has contributed significantly as a writer and communication advocate for environmental and historical causes while carrying forward his family’s tradition of public service.
He has retired in San Luis, Aurora where he remains to be a thorn in the side of abusive public officials and rapacious private individuals and entities .
He is putting up a provincial political party composed of idealistic fresh faces with no political baggage and affiliations with the goal of destroying political dynasties and eliminating corruption in Aurora province; they will field a full slate of candidates in the next elections.
He is an avid supporter of the cultural, artistic and music scene of Aurora.
He also plays in a Blues band whenever possible.

MANIFESTO                Mga BAGONG ANAK ng AURORA  Ang layunin ng Partido, ay buwagin ang umiiral na mga political dyna...
04/07/2025

MANIFESTO


Mga BAGONG ANAK ng AURORA

Ang layunin ng Partido, ay buwagin ang umiiral na mga political dynasty, sugpuin ang korapsyon na laganap na, pangalagaan ang kalikasan at ipaglaban at ipagtanggol ang karapatang pantao, pataasin at pa angatin ang antas ng pamumuhay ng nakararami sa mga kababayan nating nag hihikahos at pairalin ang isang lipunan na pantay pantay. Yan ang ating mga alituntunin.
Ang samahan ay bubuuhin ng mga mamamayan ng lalawigan na hindi sumali o nakilala ngayon o sa nakaraan, na kasapi ng magkabilang kampo ng magkaaway sa pulitika sa Aurora nitong nakaraan mga dekada, sapagkat suma total, malinaw na walang pinagkaiba ang dalawa. At sa ilalim nila, patuloy na ang lalawigan ang pinaka marami ang mahihirap sa buong Region 3 and 4.
Tayo ang magiging third force - mga taong malinis, walang bahid, mabubuti ang loob at hindi tradisyonal na pulitiko. Mga taong hindi man umupo sa pwesto o humawak ng kapangyarihan ay may nagawa na o nais gumawa ng mabuti para sa lipunan, ng walang inaasahan na kapalit. Magmumula sa ibat ibang larangan at sector - mga estudyante, g**o, tricycle driver, nagtitinda sa palengke o talipapa,mga katutubo, mga LGBTQ, mga may kapinsanan, mga artist, musikero, surfer, longboarder, mountaineer, mangingisda, magsasaka, mga karaniwang empleyado o may sariling hanap buhay,mga may ari ng negocio o company, maliit man o malaki, atbp.
Sisimulan natin ang pagbuo ng PARTIDO mula sa ilalim, pataas. Ibig sabihin ay mangangalap muna tayo ng mga myembro mula sa mga barangay at ibat ibang sector na sampalataya sa ating mga adhikain. mga myembro natin sa barangay at mga sector ay silang pipili ng lider sa kanilang bayan.
Lahat naman ng lider ng 8 bayan ang pipili ng magiging opisyales ng Partido sa lalawigan.
Layunin ng Partido ang lumahok sa sunod na mga halalan, at magbigay ng alternatibo sa taong bayan sa lahat ng posisyon.
Hindi tama ang nangyayari sa Aurora na napakaraming pwesto na walang tumatapat na kalaban sa eleksyon. Para bagang nagkaka ayusan na bago pa man may bumoto, ay mayroon nang panalo.
Ito ang nangyari sa posisyon ng pagka Congressman, at sa pagka Mayor ng tatlo sa walong bayan ng AURORA pati na sa pagka Bise Alcalde ng Baler; sa Unang Distrito, lahat ng kandidatong Bokal ay hindi pa man bumubukas ang presinto, ay panalo na lahat ng tumakbo.
Paano nangyari ito sa ating lalawigan?
Nagkukulang na baga tayo sa mga may kakayanang mamuno?
O marahil ay iilan na lamang ang may salapi at makinarya,na maaring kinurakot din naman sa kaban ng bayan, na kapag tumakbo ay halos tyak na ang tagumpay.
Hindi po ganyan ang diwa ng Demokrasya.
Matalo man o manalo, ang Mga BAGONG ANAK NG AURORA ay magaalok ng alternatibo, ng pagpipilian. At ang batayan ay hindi sapagkat malaki ang pag asa nilang manalo, kung hindi sapagkat busilak ang kanilang kalooban, malinis ang kanilang budhi, at taimtim ang pagnanasa nilang maglingkod sa taumbayan, at taglay nila ang galing, kakayanan at sipag na maisakatuparan ito. Ang mga kandidato ng Partido ay lalaban ng husto para magwagi, ngunit hindi sasama ang loob na mabigo, sapat na ang lumahok upang muling mabuhay ang tunay na diwa ng demokrasya at paglilingkod bayan.
Ang Founding Chairman ay si Ricky Avancena at Co Chairman ay si Toti Tan at si Mcniel Amatorio ang Director for Operations habang binubuo ang PARTIDO.
Nagsisimula na ang paghahanap at pagsiyasat
sa mga possible na maging myembro.
Ang mga mapipili ay dadaan sa isang intensive workshop / seminar upang tunay na maliwanagan sila at maunawaan ang mga pinaglalaban ng Partido.
Sa kabilang dako, makikita din kung sila ay karapat dapat na sumumpa bilang kasapi ng Partido.
Pinagtibay sa araw ng Junio 30, 2025

Ricky Avanceña
Founding Chairman

Toti Tan
Co Chairman

Mcniel Amatorio
Operations Director

Address

Aurora
Aurora

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Bagong Anak ng Aurora posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share