28/05/2026
Inaanyayahan at hinihikayat po namin ang lahat ng mga magulang, Alumni, barangay, Mabolo community na makiisa sa gaganaping Brigada Eskwela 2026 mula Hunyo 1–5, 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Maari rin po kayong magbahagi ng mga kagamitang panlinis tulad ng walis, sabon, floor wax, pintura, at iba pang kagamitan na makatutulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng ating paaralan.
Lubos po naming inaasahan ang inyong pakikiisa at suporta sa ating layunin na magkaroon ng maayos, malinis, at ligtas na paaralan para sa ating mga mag-aaral sa darating na pasukan. Ang inyong pakikibahagi ay malaking tulong at mahalagang ambag sa ating paaralan.