20/10/2026
๐๐๐๐๐, ๐ฌ๐ข๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐ -๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ฌ๐ ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ง-๐จ๐ฏ๐๐ซ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ
Ni: Zyrhiel Ann D. Capito
Kuhang larawan nina : Paul Vincent Vanzuela at Ericka Mae Reyes
โPormal na isinagawa ng Bagong Silang National High School (BSNHS) ang Welcome Program at Turn-over Ceremony noong Oktubre 16, 2026 bilang pagkilala sa paglilipat ng pamumuno mula kay Mam Emelyn C. Medrano, Punong g**o I, tungo kay Mam Felomina M. Estabadez, Punong g**o I, na mangunguna sa pagpapatuloy ng mga programa at serbisyong pang-edukasyon ng paaralan.
โ
โDinaluhan ang seremonya ng mga g**o, kinatawan ng Sangguniang Barangay, at mga mag-aaral upang kilalanin ang panunungkulan ni Mam Estabadez bilang bagong punong-g**o I ng BSNHS.
โ
โSa kaniyang mensahe, ibinahagi ni Gng. Estabadez, na ito ang kaniyang unang pagkakataong mamuno bilang punong-g**o ng isang paaralan. Kinilala rin niya ang mga hamong kaakibat ng bagong tungkulin at ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa komunidad ng paaralan.
โ
โโAlam ko pong hindi madaling maging leader, pero sa tulong ninyo, mga g**o, sangguniang barangay, at mga mag-aaral, alam kong kaya ko,โ pahayag niya.
โ
โโHindi man ako ganoon kagaling, handa na akong mamuno at maging punong-g**o ng Mataas na Paaralan ng Bagong Silang,โ dagdag pa niya.
โ
โSamantala, nagbigay naman ng pamamaalam si Gng. Medrano sa mga g**o at mag-aaral matapos ang kaniyang panunungkulan bilang punong-g**o ng paaralan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na paglilingkod, pagkakaisa, at pangangalaga sa kapakanan ng mga mag-aaral sa kabila ng pagbabago sa pamunuan.
โ
โBilang simbolo ng pormal na paglilipat ng responsibilidad, iniabot ni Mam Medrano kay Mam Estabadez ang susi ng paaralan, na sumasagisag sa pagtitiwala at pananagutang kaakibat ng pagiging bagong pinuno ng BSNHS.
โ
โโItoโy susi na magiging pundasyon ng ating paaralan, tanggapin at iyong pakaingatan'', aniya. "Bawat bagong simula ay may bagong pag-asa, itaguyod ang kapakanan ng bawat mag-aaral,โ dagdag pa niya, na nagbigay-diin sa pagpapatuloy ng layunin ng paaralan sa kabila ng pagbabago sa pamunuan.
โ
โNagpahayag din ng pasasalamat at pamamaalam ang mga g**o at sanggunian ng Mataas na paaralan ng Cabibihan kay Mam Estabadez, sa kanilang mga mensahe, kinilala nila ang kaniyang mga naging ambag sa paaralan at ang mga aral na kanilang natutuhan sa kaniya.
โ
Inaasahang magpapatuloy ang pagtutulungan ng mga g**o, mag-aaral, at komunidad upang maisulong ang de-kalidad na edukasyon at mapangalagaan ang kapakanan ng bawat mag-aaral ng BSNHS.
Para sa iba pang larawan, sundan ang link sa ibaba;
https://www.facebook.com/share/p/14sA5AFZD4P/