01/09/2026
Bibo at Makulay na Pampinid na Programa ng Buwan ng Wika
Napakabibo ng naging pampinid na programa ng Schools Division of Bais City para sa Buwan ng Wikang Pambansa at Kasaysayan. Sa isang simpleng pagtitipon, binigyang-diin ng pamunuan ng SDO Bais City ang kahalagahan ng isang buwang selebrasyon na layong palawakin ang kaalaman at pagmamahal ng mga Baisanon sa wika at kasarinlan.
Ayon kay CID Chief Arnulo Adana, ang wika at kasaysayan ay magkakambal ang kahalagahan at ang nagdaang Buwan ng Wika ay nararapat para sa mga mag-aaral.
Maikli man ang pampinid na programa, naging makulay at puno ng hiyawan ang mga patimpalak na pinangunahan ng Bisor ng Filipino na si G. Cristy Jabonillo. Moderno ang naging mga trivia, batay sa sinauna at bagong kasaysayan tulad ng mga trending na salita at ang kahulugan nito sa makabagong panahon, at iba pa.
Tinapos ang programa nina SGOD Chief Emmanuel Garcia, ASDS Nilita Ragay, Chair Adana, at SDS Bernadette Susvilla (Ade Tte) sa pamamagitan ng isang makabagong pakulo tungkol sa mga akronim na kalimitang ginagamit ng mga kabataan gaya ng LOL (Laughing Out Loud), FOMO (Fear of Missing Out), IMO (In My Opinion), at iba pa. Pinanalo ito ng koponan mula sa SGOD.