17/09/2026
๐๐๐๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐๐๐ง, ๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ -๐
๐ซ๐๐ ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฉ๐ฅ๐๐๐ ๐โจ
Opisyal na kinilala ang DILG Bulacan bilang isang Sertipikadong Drug-Free Workplace, sa isinagawang pagpupulong para sa ikatlong sangkapat ng Regional Peace and Order Council (RPOC) ng Central Luzon nitong Setyembre 15, 2026.
Matapos ang masusing pagbalangkas ng pamantayan at polisiya ng tanggapan ukol sa Drug-Free Workplace, nagkaroon ng random drug testing sa mga kawani kung saan ay nag-negatibo ang lahat ng mga sumailalim rito. Ang naturang resulta ay sumasalamin sa layunin ng DILG Bulacan sa pagpapanatili ng isang ligtas at drug-free na opisina para sa lahat.
Sa huli, ang karangalan na ito ay patunay ng dedikasyon ng DILG sa pagsulong, hindi lamang ng mabuting pamamahala, kung hindi ay isang serbisyong publiko na tapat at may integridad para sa mga Bulakenyo.