01/09/2026
๐๐๐๐๐๐ผ๐ | ๐พ๐๐ฉ๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐ค๐จ๐ฉ-๐ฟ๐๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ง ๐๐๐จ๐ฅ๐ค๐ฃ๐จ๐
Ang Pamahalaang Lungsod ng Balanga, sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office (CityENRO), ay patuloy na kumikilos upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating Lungsod matapos ang pagdaan ng bagyo at Habagat.
Bagamaโt naapektuhan din ang Lungsod ng pagbaha, hindi ito naging hadlang upang agad na aksyunan ang mga naiwang kalat, basura, putik, at iba pang debris na dulot ng kalamidad.
Agaran nating nilinis ang mga pampublikong lugar tulad ng plaza, mga kalsada, tulay, at iba pang bahagi ng Lungsod upang maibalik agad ang kanilang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan para sa ating mga mamamayan.
Patuloy din ang CityENRO sa paghahakot at maayos na pamamahala ng mga basurang naipon bunsod ng pagbaha, upang maiwasan ang pagdami ng basura at anumang posibleng panganib sa kalusugan, kaligtasan, at kapaligiran.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating mga masisipag na garbage collectors, street sweepers, Task Force Bantay Kalikasan, mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, at mga Barangay na patuloy na nagtutulungan at naglilingkod sa kabila ng mga hamon na dulot ng kalamidad.
Patuloy tayong magkaisa at magtulungan para sa isang malinis, maayos, ligtas, at mas kahanga-hangang Lungsod ng Balanga
๐๐ช๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐ก๐๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐-๐๐๐ฃ๐๐!