10/04/2026
🌱Magandang Balita para sa mga Magsasaka ng Tubo!🌱
Ang SRA SIDA Socialized Credit Programng Sugar Regulatory Administration (SRA), katuwang ang Landbank of the Philippines, ay nag-aalok ng pautang para sa maliliit na magsasaka ng tubo.
💰2% lamang ang interes
🌾Maaaring bayaran kada anihan
🤝 Layunin nitong makatulong sa mga magsasaka upang masuportahan ang kanilang produksyon at mapalago ang kanilang sakahan.
Kung ikaw ay maliit na magsasaka ng tubo, maaaring ito na ang pagkakataon para makakuha ng tulong pinansyal para sa inyong pagsasaka.
📋Mga Kinakailangang Dokumento:
• Katibayan ng pagmamay-ari ng lupa (Land Title / Tax Declaration / Notarized Lease Contract)
• TIN ID o Tax Identification Number
• Milling Statement (mula sa URC / ProGreen)
• RSBSA Registration Number
• Affidavit of Undertaking
• 2 Valid ID at Planter ID (photocopy na may 3 specimen signatures)
• 2 pirasong 1x1 ID picture
• 1 Co-borrower o 2 Co-borrower (kung ang borrower ay 60 taong gulang pataas)
* 2 Valid ID (photocopy na may 3 specimen signatures)
* Marriage Contract (kung may asawa)
📍Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magtungo o makipag-ugnayan sa:
SRA – Balayan Mill District
2nd Floor, MJF Building, Gumamela, Balayan, Batangas
(Tapat ng CareMarc Pharmacy)
📞 0981-438-7710
📧 [[email protected]](mailto:[email protected])
👤 Hanapin si Mr. John Michael Basabe
👉Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Samantalahin ang programang ito upang mapalago ang inyong sakahan at masuportahan ang inyong ani. 🌾