03/10/2026
Bago muling bumalik patungong South Korea, nagkaroon muna ng courtesy call kay Mayor Lisa Ermita-Abad ang ating mga Special Foreign Workers (SFW) re-entry workers, bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa muling pagbabalik sa kanilang trabaho sa Korea.
Noong Setyembre 29, 2026, muli silang bumiyahe patungong South Korea, dala ang kanilang mga pangarap, sipag, at determinasyon upang ipagpatuloy ang kanilang trabaho at kabuhayan. โ๏ธ๐ต๐ญ๐ฐ๐ท
Pagdating sa Korea, sumailalim sila sa orientation bilang bahagi ng kanilang muling pag-a-adjust sa kanilang workplace at kapaligiran. Ibinahagi rin nila ang ilang mga larawan ng kanilang mga naging ganap doon, kabilang ang kanilang tinutuluyang lugar at kitchen/dining area kung saan sila sama-samang kumakain tuwing lunch kasama ang iba pang SFW workers.
Ang mga simpleng kuhang ito ay nagbibigay ng munting sulyap sa kanilang bagong routine at sa kanilang buhay bilang mga Balayeรฑong patuloy na nagsusumikap para sa kanilang pamilya at kinabukasan. ๐ช
Ang Public Employment Service Office (PESO) Balayan at LGU Balayan ay taos-pusong bumabati ng ligtas at matagumpay na pagbabalik sa South Korea! Nawaโy maging maayos, ligtas, at puno ng magagandang oportunidad ang inyong panibagong journey. ๐ซฐ๐ฐ๐ท
Mabuhay ang ating mga SFW workers!