Barangay Pob. 2 ng Balayan

Barangay Pob. 2 ng Balayan Official page of Brgy. District 2

đź’‰ SIA sa BarangayMatagumpay na isinagawa ang Supplemental Immunization Activity (SIA) at (VAS) Vitamin A Suplementation ...
24/08/2026

đź’‰ SIA sa Barangay

Matagumpay na isinagawa ang Supplemental Immunization Activity (SIA) at (VAS) Vitamin A Suplementation sa ating barangay sa tulong ng Municipal Health Office at RHU.

Layunin ng activity na ma proteksyonan ang mga batang 6mons-59mons laban sa Tigdas Rubella.

Maraming salamat sa ating Kapitan Peter Punzalan, RHU worker, mga konsehal mga BHW, BNS, Tanod, SEC Migz at sa lahat ng magulang at kabarangay na nakipagtulungan para sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga anak. đź’™

Kalusugan ng bawat bata, ating pangalagaan!

Taos-pusong pasasalamat sa programang “Bawat Barangay, Makikinabang” mula sa ating national na pamahalaan para sa tulong...
20/08/2026

Taos-pusong pasasalamat sa programang “Bawat Barangay, Makikinabang” mula sa ating national na pamahalaan para sa tulong at suporta na ipinagkaloob sa ating mga estudyanteng napiling benepisyaryo. Malaking tulong po ito sa kanilang pag-aaral at magsisilbing inspirasyon upang lalo silang magsikap na makapagtapos ng pag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong malasakit at suporta sa kabataan! 🎓📚❤️

Bantay Bagyo! Salamat sa masisipag nating mga Barangay Tanod! Kapitan Peter Punzalan at mga kasamahang Lingkurang Barang...
18/08/2026

Bantay Bagyo!
Salamat sa masisipag nating mga Barangay Tanod! Kapitan Peter Punzalan at mga kasamahang Lingkurang Barangay! Handang maglingkod ano mang oras.


GROUND BREAKING CEREMONY – SOLAR STREETLIGHT PROJECTIsinagawa ang Ground Breaking Ceremony para sa karagdagang Streetlig...
18/08/2026

GROUND BREAKING CEREMONY – SOLAR STREETLIGHT PROJECT

Isinagawa ang Ground Breaking Ceremony para sa karagdagang Streetlight Project ng ating barangay, sa tulong at suporta ng Local Government Unit (LGU).

Ang proyektong ito ay malaking tulong upang maging mas maliwanag, ligtas at maayos ang ating mga kalsada at komunidad.

Taos-pusong pasasalamat sa LGU Balayan mula sa mga residente at pamunuan ng Barangay Dos sa pamumuno ng ating Kapitan Pedro Punzalan. Maraming salamat po Mayora Lisa Ermita-Abad sa patuloy na suporta at mga proyektong naglalayong mapabuti ang ating barangay.

Hindi alintana ang lakas ng ulan upang makapaghatid ng serbisyo sa mga mamamayan ng Balayan!

Maraming salamat po!👏


Magandang gabi po mga kabarangay!
17/08/2026

Magandang gabi po mga kabarangay!

📣 IMPORTANT ANNOUNCEMENT!

Para sa kaalaman ng lahat, ang MR SIA VAS (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation) na nakatakda bukas, August 18, 2026 (Martes) sa mga sumusunod na barangay ay CANCELLED:

📍 Taludtod
📍 Brgy. 4
📍 Munting Tubig
📍 Brgy. 2
📍 Brgy. 1

🌧️ Kaligtasan po muna ang ating prayoridad. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Mag-ingat po tayong lahat! ❤️

Municipal Health Office – Balayan



04/08/2026

📢 Mahalagang Anunsyo!

Supplemental Immunization Activity (SIA) – MR Vaccination at Vitamin A Supplementation

Magandang araw po sa ating mga kabarangay!

Sa lahat po ng mga magulang at tagapag-alaga ng mga batang edad 6 hanggang 59 months, hinihikayat po namin kayong dalhin ang inyong mga anak sa ating Supplemental Immunization Activity o SIA.

Sa aktibidad na ito, ang mga batang kwalipikado ay bibigyan ng MR o Measles-Rubella vaccine, na proteksyon laban sa tigdas at tigdas-hangin, at Vitamin A supplementation para makatulong sa pagpapanatili ng kanilang kalusugan at immune system.

đź’‰ Bakit mahalaga ang MR vaccine at Vitamin A?

* Ang MR vaccine ay nagbibigay ng proteksyon laban sa tigdas at tigdas-hangin.
* Nakakatulong ang bakuna na maiwasan ang mga komplikasyon na maaaring idulot ng mga sakit na ito.
* Ang Vitamin A ay mahalaga para sa normal na paningin, paglaki at development, at maayos na immune function ng mga bata.
* Ang pagbabakuna at Vitamin A supplementation ay makakatulong sa pagprotekta sa kalusugan ng ating mga anak.

đź“… SCHEDULE NG SIA SA ATING BARANGAY

Petsa: August 18, 2026
Oras: ganap na ika 8:00 ng umaga
Lugar: Barangay Hall

📌 MAHALAGANG PAALALA:
Pakidala po ang inyong anak at ang kanilang Immunization Card sa araw ng activity upang ma-check at ma-update ang kanilang vaccination record.

Mga magulang, huwag po nating palampasin ang pagkakataong maprotektahan at mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak.

Dalhin po ang inyong mga anak sa ating SIA sa itinakdang petsa, oras at lugar.

Bakuna ay proteksyon. Vitamin A ay dagdag na pangangalaga. Sama-sama nating protektahan ang ating mga anak!

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta!

Masayang ipinagdiwang ng mga batang mag-aaral ng Ginger Lily DayCare Center ng ating barangay ang Buwan ng Nutrisyon na ...
31/07/2026

Masayang ipinagdiwang ng mga batang mag-aaral ng Ginger Lily DayCare Center ng ating barangay ang Buwan ng Nutrisyon na may temang "Nutrisyon at Kalikasan ating Pangalagaan".
Maraming salamat po sa mga nagbigay ng suporta sa pangunguna ng ating Kapitan Peter Punzalan, mga Konsehal, DayCare Worker Mam Joy Anne , BNS Edeliza Balacaña, mga BHW, Brgy. Tanod at lalong higit sa suporta ng mga magulang ng mga bata.
Mabuhay po kayo!
Maraming Salamat po!

📢 MAGANDANG BALITA, MGA KABARANGAY!Nagsagawa ng site inspection ang ating Engineering office bilang paghahanda para sa g...
27/07/2026

📢 MAGANDANG BALITA, MGA KABARANGAY!

Nagsagawa ng site inspection ang ating Engineering office bilang paghahanda para sa gagawing ground breaking ng proyekto mula sa ating LGU sa pangunguna ng ating butihing Mayora Lisa Ermita Abad.

Sa pakikipagtulungan ng ating Pamahalaang Barangay sa pamumuno ng ating Kapitan Peter Punzalan at ng Lokal na Pamahalaan (LGU), malapit nang maisakatuparan ang karagdagang Solar Streetlight Project sa ating barangay.

Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang ilaw sa mga lansangan upang maging maliwanag at mas ligtas ang paglalakad at pagbiyahe, lalo na sa gabi.

Maraming salamat sa ating LGU sa patuloy na suporta at sa lahat ng kabarangay sa inyong pakikiisa. Sama-sama nating pangalagaan ang proyektong ito para sa kapakinabangan ng buong komunidad.

Address

Brgy. 2
Balayan
4213

Opening Hours

9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Pob. 2 ng Balayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share