31/08/2026
Tumungo tayo sa Malolos, Bulacan upang makiisa sa panawagan ng mga kabataan at mga Bulakenyo na managot ang mga nasa likod ng patuloy na pagdurusang dinaranas ng ating lalawigan.
Buwan nang nakalubog sa malawakang pagbaha ang mga komunidad. Kabuhayan ang nawawala, tahanan ang nasisira, at kinabukasan ang unti-unting kinakain ng baha. Hindi ito simpleng kalamidad na dapat tiisin at tanggapin na lamang.
May pananagutan. May dapat managot.
Panagutin si Daniel Fernando. Panagutin si Ferdinand Marcos Jr. Panagutin si Sara Duterte. Panagutin ang bawat opisyal at indibidwal na may pananagutan sa mga desisyong nagpalala sa kalagayan ng ating mga kababayan.
Hindi sapat ang relief. Hindi sapat ang press conference. Hindi sapat ang pangakong solusyon habang paulit-ulit namang nilulubog sa baha ang taumbayan.
Hindi tayo titigil. Hindi tayo mananahimik.
Hangga't ang Bulacan ay patuloy na nilulubog sa baha at sa kumunoy ng korapsyon, patuloy nating sisigaw ang panawagan:
MANAGOT ANG DAPAT MANAGOT.
PANAGUTIN ANG MAY PANANAGUTAN.
BULACAN, BUMANGON AT LUMABAN!
Akbayan Youth