Hon. Alma "Princess ACM" C. Mirano

Hon. Alma "Princess ACM" C. Mirano This is the official page for Hon. Vice Mayor Alma “Princess ACM” C. Mirano.

Nakakatuwa si Ate! 🥰Pumunta siya sa opisina para mag-follow up ng kanyang request. Bago umalis, nahihiya pa siyang nagta...
07/08/2026

Nakakatuwa si Ate! 🥰
Pumunta siya sa opisina para mag-follow up ng kanyang request. Bago umalis, nahihiya pa siyang nagtanong, "Pwede po ba akong makahingi ng remembrance kay Vice Mayor?" Sabi ko, "Ano po ba ang gusto ninyo?" Ang sagot niya, "Kahit tasa lang po." ☕😊

Kaya ayan, Ate! May tasa ka na mula kay Vice Mayor ng Bayan ng Bansud. Maliit man, sana'y mapasaya ka nito. Maraming salamat sa pagbisita at ingat po palagi! ❤️

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging katuwang sa paghahatid ng pag-asa at malasakit sa ating mga kababayan.S...
07/08/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging katuwang sa paghahatid ng pag-asa at malasakit sa ating mga kababayan.

Sa pangunguna ni Vice Mayor Princess ACM (Alma C. Mirano), matagumpay na naipamahagi ang mga wheelchair sa mga benepisyaryong nangangailangan sa Bayan ng Bansud.

Lubos po kaming nagpapasalamat kina Senador Mark Villar, Mayor Joy Belmonte, Mr. Battal Cares, at PAGCOR sa kanilang bukas-palad na suporta at pagkakaloob ng mga wheelchair. Dahil sa inyong kabutihang-loob at malasakit, mas maraming kababayan ang nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng mas maginhawang pamumuhay at panibagong pag-asa.

Patuloy po nating isulong ang diwa ng bayanihan at serbisyong may puso para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagmamalasakit at suporta!

03/08/2026

Napaka bait ni ate tinulungan nya pinsan nya para sa makahinge ng wheel chair sa ating Vice mayor❤️

IN PHOTOS | Pagkakaloob ng Wheelchair Bilang bahagi ng patuloy na adhikain na makapaghatid ng malasakit at serbisyong ta...
03/08/2026

IN PHOTOS | Pagkakaloob ng Wheelchair

Bilang bahagi ng patuloy na adhikain na makapaghatid ng malasakit at serbisyong tapat, personal na ipinagkaloob ni Vice Mayor Alma C. Mirano ang tatlong (3) wheelchair sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.

Hangad natin na ang munting handog na ito ay makatulong upang mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at magsilbing inspirasyon na may mga taong handang umalalay sa oras ng pangangailangan.

Patuloy po ang ating pagsisikap na maihatid ang serbisyong may malasakit sa bawat Bansudeño.

WORKING VICE MAYOR🩷
03/08/2026

WORKING VICE MAYOR🩷

MAHAL KONG KATUTUBONG MANGYAN❤️
03/08/2026

MAHAL KONG KATUTUBONG MANGYAN❤️

Address

Bansud

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hon. Alma "Princess ACM" C. Mirano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share