25/08/2026
KAISA ANG SK PINUGAY SA PAGLINANG NG HUSAY AT GALING NG KABATAAN
Nakikiisa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Pinugay sa pagdiriwang ng at sa mga programang naglalayong linangin ang husay, galing, pagkamalikhain, at kakayahan ng kabataan bilang aktibong katuwang sa pag-unlad ng komunidad.
Noong Agosto 13, 2026, matagumpay na isinagawa ng DepEd Tayo Blue Rizal Baras-Pinugay Integrated High School (BPIHS) ang Grade 12 HUMSS Capstone Challenge 2026 na may temang βCommunity Action Plan: Strategic Tactics, Operation, Engagement.β
Walong kwalipikadong grupo mula sa Grade 12 HUMSS ang naglahad ng kanilang Community Action Plan Capstone Projects para sa asignaturang Community Engagement, Solidarity, and Citizenship (CESC), kung saan ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga mungkahing action plan bilang tugon sa mga natukoy na pangangailangan at suliranin ng komunidad.
Bilang bahagi ng suporta ng SK Pinugay sa mga programang pangkabataan, naglaan ang Sangguniang Kabataan ng pinansyal na suporta para sa nasabing programa, bilang pakikiisa sa mga gawaing nagbibigay ng pagkakataon sa kabataan na matuto, makilahok, at maging bahagi ng community development.
Naging kinatawan din ng SK Pinugay si SK Kagawad Kristine Rose Hoylar, na dumalo bilang isa sa mga evaluator ng mga presentasyon. Sa kanyang pakikibahagi, nakapagbigay siya ng mga obserbasyon, puna, at mungkahi na makatutulong sa mga mag-aaral sa higit pang paglinang ng kanilang mga ideya at pag-unawa sa makabuluhang community engagement.
Matapos ang presentasyon, narito ang mga nanguna sa Capstone Challenge:
Champion β Project Ronda Kariton (12-Love)
1st Runner-Up β Project Hatid (12-Hope)
2nd Runner-Up β Installation of CCTV Cameras (12-Courage)
Ang kanilang mga presentasyon ay patunay na ang kabataan ay may kakayahang makilala ang mga pangangailangan ng komunidad, bumuo ng makabuluhang solusyon, at magsagawa ng konkretong hakbang para sa pagbabago.
Sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, patuloy nating kinikilala at sinusuportahan ang mga kabataang may inisyatiba, talento, at malasakit sa kapwa at sa komunidad.
Maraming salamat sa Baras-Pinugay Integrated High School sa pag-iimbita sa SK Pinugay na maging bahagi ng makabuluhang gawaing ito. Patuloy kaming makikiisa at susuporta sa mga programang nagbibigay-daan upang maipakita at mapaunlad ng kabataan ang kanilang husay at galing.
Kabataang Pinugay, Banghusay!