DARPO CN- Program Beneficiaries Dev't Division

Website

DARPO CN- Program Beneficiaries Dev't Division We, the officials and employees of the DAR PBDD Camarines Norte.

Commit to defend and assert the rights and welfare of the Agrarian
Reform Beneficiaries, small farm holders and stakeholders.

23/10/2026
20/10/2026

PRESS RELEASE | ๐Œ๐š๐ก๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐Ÿ,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐š, ๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐  ๐ƒ๐€๐‘ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š๐ง๐  ๐๐ข๐œ๐จ๐ฅ๐š๐ง๐จ

LEGAZPI CITY, Albayโ€”Sa patuloy na pagtupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas mapabilis ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa bago matapos ang taong 2026, mamamahagi muli ang Department of Agrarian Reform (DAR) Bicol ng kabuuang 1,136 titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa buong rehiyon sa gaganaping Stakeholders' Engagement: Regionwide Land Title Distribution and Short Film Advocacy Awards 2026, bukas, Oktubre 20, 2026.

Pangungunahan ni DAR Secretary Conrado M. Estrella III ang pormal na paggawad ng mga titulo ng lupa sa mga magsasaka sa Legazpi City Convention Complex sa Legazpi City, Albay.

Ang mga lupang agrikultural na saklaw ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ay ipagkakaloob sa mga kwalipikadong ARBs sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga titulo ng lupa, kabilang ang Emancipation Patents (EPs), Certificates of Land Ownership Award (CLOAs), at electronic titles (e-titles) sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project.

Samantala, kasabay ng pamamahagi ng mga titulo ng lupa, isasagawa rin ang seremonyal na turnover ng Luya-Dalipay-Sugcad Farm-to-Market Road (FMR) sa Polangui, Albay, na may habang 2.156 km. Makikinabang dito ang 386 ARBs at mahigit 6,000 residente sa mga komunidad na sakop ng proyekto sa bayan.

Bukod pa rito, kasabay na isasagawa ang regional agrarian reform beneficiary organization (ARBO) Enterprise and ARB Product Marketing Summit sa lugar. Tampok dito ang ibaโ€™t ibang produktong hatid ng sampung (10) ARBO mula sa ibaโ€™t ibang lalawigan sa rehiyon. Layunin nitong palakasin ang merkado ng mga produkto ng ARBO at higit pang mapalawak ang kanilang mga oportunidad sa kabuhayan at pagnenegosyo.

Para sa DAR, ang mga programang ito ay naglalayong mas mapatatag ang karapatan ng mga benepisyaryo sa kanilang lupa, mapaunlad ang produksiyong agrikultural, at maisulong ang patuloy na pag-unlad ng mga magsasaka sa rehiyong Bicol.

Sa pamamahagi ng mga indibidwal na titulo ng lupa, mas pinagtitibay ng DAR ang pangako ng pamahalaan sa pagsusulong ng tunay na repormang agraryo para sa mga magsasakang Bicolano.



Address

DAR Provincial Office, Barcelona Bldg. , Magallanes Iraya
Barcelona
4600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DARPO CN- Program Beneficiaries Dev't Division posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share