08/09/2024
TINGNAN: PNP GOOD DEEDS (MAKATAO)
Isang ginang matagumpay na nagsilang ng sanggol sa kasagsagan ng Bagyong Enteng na nirespondehan ng Pilar MPS
Nirespondehan ng Pilar Municipal Police Station, Bataan PPO ang isang ginang sa kaniyang panganganak sa kasagsagan ng Bagyong Enteng sa Barangay Pantingan, Pilar, Bataan nito lamang Martes, ika-4 ng Setyembre 2024.
Kasalukuyang nagpapatrolya ang mga Kapulisan ng Pilar MPS sa pangunguna ni Police Captain Juanito C Lucas Jr., Deputy Chief of Police ay biglang pinara sila ng isang lalaki na kinalalang si Mr. Gilbert Agyao, asawa ng ginang na humihingi ng tulong sa kadahilanang ang kanyang Misis ay manganganak na.
Papalabas na ang sanggol sa pwerta ng kanyang ina ng puntahan ito ni PEMS Ferdinand B Santiago, MESPO, binalot nya ng malinis na tela ang sanggol at agad na tumwag ng medical assistance upang maidala sa pinkamalapit n ospital.
Sa ngayon ay nagpapagaling at maayos ang lagay ng mag ina na lubos na ikinatuwa at ipinagpapasalamat nila ito sa ating mga kapulisan.
Patunay lamang na ang ating kapulisan ay handang tumulong at ipakita ang kanilang kabayanihan at malasakit sa kapwa upang tiyakin ang kaligtasan ng ating mamamayan.
PCADG Central Luzon