Batangas Provincial Health Office

Batangas Provincial Health Office Updates on Health activities initiated by Batangas Provincial Government

๐— ๐—ฅ๐—ฆ๐—œ๐—”-๐—ฉ๐—”๐—ฆ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฉ๐—œ๐—ก๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—ข๐—ก๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒIsinagawa ng Provincial Health Office (PHO) ang MRSIA-VAS Provincial Mon...
03/09/2026

๐— ๐—ฅ๐—ฆ๐—œ๐—”-๐—ฉ๐—”๐—ฆ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฉ๐—œ๐—ก๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—ข๐—ก๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š
๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Isinagawa ng Provincial Health Office (PHO) ang MRSIA-VAS Provincial Monitoring at Catch-Up Immunization ngayong Setyembre 3, 2026 sa mga barangay ng Aga, Bilaran, Lumbangan, at Kaylaway sa Nasugbu, Batangas.

Bahagi ng aktibidad ang supportive supervision at monitoring upang masubaybayan ang pagpapatupad ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity and Vitamin A Supplementation (MRSIA-VAS), gayundin ang pagsasagawa ng catch-up immunization para sa mga batang hindi pa nababakunahan o kailangang makumpleto ang kanilang kinakailangang bakuna.

Patuloy na hinihikayat ng PHO ang mga magulang at tagapag-alaga na dalhin at pabakunahan ang kanilang mga anak na may edad na 6โ€“59 buwan sa mga itinalagang fixed o temporary vaccination sites mula Agosto 10 hanggang Setyembre 4, 2026.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng PHO, mga lokal na pamahalaan, health workers, mga magulang at tagapag-alaga, patuloy na isinusulong ang proteksyon ng bawat bata laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna, tungo sa Matatag na Kalusugan at mas ligtas na kinabukasan para sa mga batang Batangueรฑo.


03/09/2026
03/09/2026
๐๐‡๐Ž ๐๐€๐“๐€๐๐†๐€๐’, ๐๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐€๐๐† ๐‹๐Ž๐Ž๐ ๐๐† ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐‡๐„๐€๐‹๐“๐‡ ๐–๐Ž๐‘๐Š๐„๐‘๐’ ๐’๐€ ๐๐’๐˜๐‚๐‡๐Ž๐‹๐Ž๐†๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐…๐ˆ๐‘๐’๐“ ๐€๐ˆ๐ƒ ๐–๐Ž๐‘๐Š๐’๐‡๐Ž๐Hindi lamang kaalaman at ...
03/09/2026

๐๐‡๐Ž ๐๐€๐“๐€๐๐†๐€๐’, ๐๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐€๐๐† ๐‹๐Ž๐Ž๐ ๐๐† ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐‡๐„๐€๐‹๐“๐‡ ๐–๐Ž๐‘๐Š๐„๐‘๐’ ๐’๐€ ๐๐’๐˜๐‚๐‡๐Ž๐‹๐Ž๐†๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐…๐ˆ๐‘๐’๐“ ๐€๐ˆ๐ƒ ๐–๐Ž๐‘๐Š๐’๐‡๐Ž๐

Hindi lamang kaalaman at kasanayan ang kailangan ng mga health worker sa kanilang araw-araw na paglilingkod, kailangan din nila ng tibay ng loob, malasakit, at kakayahang maging sandigan ng kapwa.

Ito ang binigyang-diin sa isinagawang Workshop on Psychological First Aid (PFA) in the Workplace ng Provincial Health Office (PHO) Batangas โ€“ Health Promotion Unit, katuwang ang Mental Health Team, nitong Setyembre 2, 2026 sa Provincial Health Office Conference Room.

Bahagi ito ng mga inisyatibo ng PHO Batangas para sa Su***de Prevention Month, na naglalayong palakasin hindi lamang ang kamalayan tungkol sa mental health, kundi pati ang kakayahan ng bawat kawani na makapansin, makinig, makiramay, at makapagbigay ng paunang suporta sa mga nangangailangan.

Dinaluhan ito ng 40 public health workers mula sa PHO-Proper at ibaโ€™t ibang pampublikong district hospitals sa lalawigan.
Sa unang bahagi ng workshop, tinalakay ang Healthy Workplaces at Mental Health in the Workplace, kung saan binigyang-diin na ang isang malusog na lugar ng trabaho ay hindi lamang tungkol sa pisikal na kaligtasan. Ito ay isang kapaligirang nagbibigay-halaga sa kalusugang pangkaisipan, dignidad, kapakanan, at kapwa-tao.

Sinundan ito ng aktuwal na pagsasanay sa Psychological First Aid, kung saan natutuhan at isinabuhay ng mga kalahok ang mga pangunahing paraan ng pagtugon sa mga taong nakararanas ng matinding stress, emosyonal na paghihirap, krisis, at iba pang challenging situations sa workplace at health facilities.

Higit pa sa isang training, naging pagkakataon ang workshop upang maipakita na ang PFA ay maaaring magsimula sa isang simpleng pakikinig, isang mahinahong paglapit, at isang mensaheng nagsasabing: โ€œHindi mo kailangang harapin ito nang mag-isa.โ€

Sa harap ng patuloy na hamon ng public health service, mahalagang matiyak na ang mga taong naglilingkod at nag-aalaga sa iba ay mayroon ding kakayahang alagaan ang isaโ€™t isa.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng PHO Batangas ang isang workplace culture kung saan ang mental health ay hindi lamang pinag-uusapanโ€”ito ay pinangangalagaan, pinapalakas, at ginagawang bahagi ng araw-araw na serbisyo.

Mas matatag na health workers. Mas ligtas na workplace. Mas maalagang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Batangueรฑo.
Dahil ang isang public health worker na may matatag na loob ay mas handang maging sandigan ng iba.



๐— ๐—ฅ๐—ฆ๐—œ๐—”-๐—ฉ๐—”๐—ฆ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฉ๐—œ๐—ก๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—ข๐—ก๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒPatuloy na isinasagawa ng Provincial Health Office (PHO) ang MRSIA-VAS P...
03/09/2026

๐— ๐—ฅ๐—ฆ๐—œ๐—”-๐—ฉ๐—”๐—ฆ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฉ๐—œ๐—ก๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—ข๐—ก๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š
๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Patuloy na isinasagawa ng Provincial Health Office (PHO) ang MRSIA-VAS Provincial Monitoring at Catch-Up Immunization nitong Setyembre 2, 2026 sa mga bayan ng Laurel, Lobo, at Rosario, Batangas.

Layunin ng aktibidad na matiyak ang maayos na pagpapatupad ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity and Vitamin A Supplementation (MRSIA-VAS), gayundin ang pagbibigay ng catch-up immunization para sa mga batang hindi pa nakatatanggap ng kinakailangang bakuna. Isinagawa rin ang supportive supervision and monitoring upang matukoy ang mga pangangailangan at mapalakas ang implementasyon ng programa sa mga lokal na health facilities at vaccination sites.

Patuloy na hinihikayat ng PHO ang mga magulang at tagapag-alaga na dalhin at pabakunahan ang kanilang mga anak na may edad 6โ€“59 buwan sa mga itinalagang fixed o temporary vaccination sites mula Agosto 10 hanggang Setyembre 4, 2026.

Sa sama-samang pagkilos ng mga health worker, magulang, at komunidad, higit nating mapapalakas ang proteksyon ng mga bata laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.


03/09/2026
๐๐ฎ๐ฌ๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐จ๐ฅ: ๐๐ฌ๐ฒ๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐…๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐€๐ข๐ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ ๐๐๐B...
02/09/2026

๐๐ฎ๐ฌ๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐จ๐ฅ: ๐๐ฌ๐ฒ๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐…๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐€๐ข๐ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ ๐๐๐

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalusugang pangkaisipan at psychosocial well-being ng mga frontliner at tagapagtanggol ng pamayanan, matagumpay na isinagawa nitong Setyembre 1, 2026 ang Psychological First Aid (PFA) Training and Simulation Workshop para sa mga tauhan ng Batangas Provincial Police Office (BPPO).

Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kaalaman at praktikal na kakayahan ng mga kapulisan sa pagbibigay ng paunang psychosocial support sa mga indibidwal na nakararanas ng krisis, matinding stress, o iba pang nakababahalang sitwasyon.

Binigyang-diin sa programa na mahalagang bahagi ng isang epektibong public safety response ang pangangalaga hindi lamang sa pisikal na kaligtasan kundi maging sa kalusugang pangkaisipan ng mga responders mismo. Sa kanilang tungkulin, madalas na nalalantad ang mga kapulisan sa mga sitwasyong may mataas na antas ng stress at emosyonal na hamon, dahilan upang maging mahalaga ang pagkakaroon nila ng sapat na kaalaman at kasanayan sa psychosocial support.

Bukod sa mga lecture sessions, isinagawa rin ang simulation workshop upang maisabuhay ng mga kalahok ang mga konsepto at prinsipyo ng Psychological First Aid. Gamit ang โ€œLook, Listen, Linkโ€ approach, nagsagawa ang mga kalahok ng mga situational exercises na naglalayong mapaunlad ang kanilang kakayahang makilala ang pangangailangan ng isang taong nasa krisis, makinig nang may pag-unawa at walang panghuhusga, at maiugnay ang indibidwal sa naaangkop na serbisyo at support system.

Ang aktibidad ay pinondohan at isinulong ng Batangas Medical Center โ€“ Department of Family and Community Medicine, katuwang ang Mental Health Team ng Provincial Health Office, na naging bahagi sa pagpaplano at pagpapatupad ng training at simulation workshop.

Ang naturang inisyatiba ay nagpapakita ng kahalagahan ng multi-sectoral collaboration sa pagsusulong ng mental health, partikular sa mga sektor na may mahalagang papel sa disaster response, emergency situations, public safety, at community protection.

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na isinusulong ang isang pamayanan kung saan ang mga tagapaglingkod ay hindi lamang handang tumugon sa pangangailangan ng iba, kundi may sapat ding suporta at kakayahan upang mapangalagaan ang kanilang sariling kapakanan.

Dahil ang isang matatag na tagapagtanggol ay nangangailangan din ng matatag na kaisipan. Puso para sa mga Tagapagtanggol.



02/09/2026

๐ˆ๐–๐€๐’๐€๐๐† ๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐Ž ๐Ž ๐Œ๐€๐†๐‹๐€๐‘๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐‡๐€!

Ang simpleng pagligo sa baha ay posibleng magdulot ng impeksyon gaya ng Leptospirosis na pwedeng humantong sa malubhang karamdaman at pagkamatay.

Protektahan ang inyong pamilya at komunidad. Ipamahagi ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Leptospirosis dahil mas ligtas ang may alam.



01/09/2026

DOH: MAGING HANDA SA EPEKTO NG HAZE SA KALUSUGAN!

Dahil sa hanging Habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia.

Maaaring magdulot ang haze ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati o pagluluha ng mga mata, at paglala ng mga sakit sa baga tulad ng hika. Dobleng pag-iingat ang kailangan para sa mga bata, matatanda, at mga may dati nang sakit sa baga o puso.

Habang nagpapatuloy ang banta ng haze, mag-suot ng mask kung lalabas ng bahay. Alamin ang lagay ng hangin sa inyong lugar at unahin ang kaligtasan. Maging handa sa banta ng Haze!




Address

Roxas Road, Kumintang Ibaba
Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63437402832

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batangas Provincial Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Batangas Provincial Health Office:

Shortcuts

Share