14/08/2026
Noong ika-5 ng Agosto 2026 ay naitala ang pag pasok ng ๐๐ฎ๐ด๐๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐บ๐ฎ๐ sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at nag-landfall sa Ilocos Sur noong ika-6 ng Agosto. Ayon sa DOST-PAGASA, huminahon ang bagyo noong ika-7 ng Agosto ngunit nagdulot pa rin ng malakas na ulan sa Luzon, partikular na sa Batangas, dahil sa dulot nitong habagat. Batay sa ulat ng NDRRMC, malawak ang pinsala sa buong probinsya mula District I hanggang District VI, kung saan tatlong nasawi ang naitala at libu-libong residente ang naapektuhan. Ang bagyo at habagat ay nagdulot ng mataas na pagbaha sa mga mababang lugar, pagguho ng lupa sa Santa Teresita, pagkasira ng mga imprastruktura at pananim, pagkawala ng kuryente, pagkansela ng mga klase, at pagkaantala ng transportasyon. Dahil dito, naapektuhan ang ibaโt ibang sektor kabilang ang kabataan at mga estudyante, manggagawa, magsasaka, at transportasyon.
Sa munisipalidad ng Cuenca, may naitalang 40 pamilya o 78 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo at kinailangang lumikas sa pinakamalapit na evacuation center. Samantala, sa munisipalidad ng Agoncillo, may sampung (10) pamilya o 39 na indibidwal ang naapektuhan at kinailangang lumikas sa evacuation center.
Sa Batangas City, pitong (7) barangay ang naitalang lubhang naapektuhan ng bagyo. Kabilang dito Sta. Clara na may 212 pamilyang apektado, habang may bilang na 92 manininda at 120 mangingisda ang naitala. Sa Brgy. Libjo, may tinatayang 49 na indibidwal ang lumikas, at Brgy. Calicanto, kung saan 13 pamilya o 39 na indibidwal ang kinailangang lumikas dulot ng pagbaha. Naitala rin ang matinding pagbaha sa Brgy. Malitam at Banaba South. Samantala, nasira ang tulay sa Brgy. Santo Niรฑo, habang sa Brgy. Alangilan ay may mga naitalang pagkasira ng ilang istruktura.
Sa munisipalidad ng Mabini, naitala ang pagbaha na nagdulot ng pagkasira ng isang tulay, ilang imprastraktura, at mga kabahayan. Partikular sa Mainaga, Mabini ay naitala ang 102 pamilyang naapektuhan. Sa parte ng Banalo, Lobo ay may bilang na 25 pamilya, 17 magsasaka, at 7 malamanggagawa. Dagdag pa rito ay may naitalang isang (1) bahay na nasiraan. Sa Brgy. Palahanan II, San Juan, naman ay nakaranas ng pag-apaw ng mga kanal at pagbaha sa ilang kabahayan. Sa kabilang banda, sa munisipalidad ng Ibaan, naitala ang minor landslide, pag-apaw ng tubig sa mga ilog, at pagbaha sa mga kalsada.
Samantala, sa Santa Teresita, may naitalang 30 pamilya na naapektuhan ng pagkawala ng suplay ng kuryente simula pa noong Agosto 7.
Sa munisipalidad ng Bauan, partikular sa Brgy. San Roque, may naapektuhang inprastraktura dahil ng baha. Mataas din ang lebel ng tubig kaya naman binaha ang loob ng bahay. Dahil din sa baha nagkaron ng rerouting ang mga ilang sasakyan sa kalsada mula sa San Roque hanggang Sinala-Bolo.
Ang mga datos na ito ay nangangahulugan sa pinsalang sinapit ng probinsya ng Batangas. Sa dami ng pamilya at kabuhayan na apektado, tunay na kinakailangan natin ng maayos na disaster prevention and mitigation. Nararapat lang din na mayroong sapat na ayuda at kompensasyon sa mga kabuhayan at bahay. At sa huli, panagutin ang mga korap na naglulustay sa pera ng bayan na dapat ay nailalaan sa mga serbisyong naglilingkod sa mamamayan.
Sa mga nais magbigay donasyon, bukas pa rin ang aming tanggapan:
๐๐๐๐ฆ๐ at ๐ฃ๐๐ฌ๐ ๐๐ฌ๐:
๐๐๐ฎ๐ป ๐๐ฒ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ธ ๐๐ฒ ๐๐ต๐ฎ๐๐ฒ๐
0926 071 4297