20/07/2026
📢 LOST BIKE ALERT
Humihingi po kami ng tulong sa ating mga kabarangay.
Ang bisikletang nasa larawan ay naiulat na nawawala matapos umanong may kumuha nito sa tabi ng bahay ng may-ari.
Kung sakaling makita ninyo ang bisikletang ito o may makapag-alok o magbenta nito sa inyo, makikiusap po na ipagbigay-alam agad sa Barangay Sta. Maria o direktang makipag-ugnayan sa may-ari na si John Joshua Agena.
Ang anumang impormasyong inyong maibibigay ay malaking tulong upang maibalik ito sa tunay na may-ari.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.