Brgy. Sorosoro Ibaba, Batangas City

Brgy. Sorosoro Ibaba, Batangas City Sangguniang Barangay ng Sorosoro Ibaba Official FB page

Patuloy ang Sangguniang Barangay ng Sorosoro Ibaba sa pangunguna ni Punong Barangay Kgg. Jerry Bagsit  sa pagmomonitor s...
18/08/2026

Patuloy ang Sangguniang Barangay ng Sorosoro Ibaba sa pangunguna ni Punong Barangay Kgg. Jerry Bagsit sa pagmomonitor sa kalagayan ng ating barangay ngayong nakararanas tayo ng masamang panahon.

Patuloy nating binabantayan ang mga lugar na maaaring maapektuhan ng malakas na ulan, hangin, at iba pang posibleng panganib upang agad na makapagsagawa ng kaukulang aksyon kung kinakailangan.

Hinihikayat ang lahat ng residente na manatiling alerto, ligtas, at updated sa mga opisyal na abiso. Sa ganitong panahon, ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.

Mag-ingat po tayong lahat! Manatiling handa at makiisa sa mga hakbang pangkaligtasan ng Barangay.

Isang taos-pusong pagbati kay Kyla Grace A. Baes, isang kabataan ng Sorosoro Ibaba, Batangas City, sa kanyang matagumpay...
14/08/2026

Isang taos-pusong pagbati kay Kyla Grace A. Baes, isang kabataan ng Sorosoro Ibaba, Batangas City, sa kanyang matagumpay na pagkasa sa Mechanical Engineering Board Examination!

Ang iyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, determinasyon at pananalig sa Diyos. Nawa’y magsilbi kang inspirasyon sa ating mga kabataan na patuloy mangarap, magsikap at abutin ang kanilang mga mithiin.

Buong pagmamalaking binabati ka ng Sangguniang Barangay ng Sorosoro Ibaba, sa pamumuno ng ating Punong Barangay, Kgg. Jerry B. Jerry Bagsit.

Sorosoro Ibaba is truly proud of you, Engr. Kyla Grace!
Patuloy mong dalhin ang karangalan at inspirasyon sa ating barangay. Mabuhay ka!

14/08/2026
Ang Sangguniang Barangay ng Sorosoro Ibaba, sa pamumuno ni Punong Barangay Kgg. Jerry Bagsit  kasama ang Sangguniang Kab...
14/08/2026

Ang Sangguniang Barangay ng Sorosoro Ibaba, sa pamumuno ni Punong Barangay Kgg. Jerry Bagsit kasama ang Sangguniang Kabataan, ay buong pusong bumabati kay SK Councilor Lazir Joseph P. Daelo sa kanyang matagumpay na pagpasa sa Mechanical Engineering Licensure Examination!

Ang tagumpay na ito ay bunga ng iyong sipag, tiyaga, determinasyon, at walang sawang pagsisikap. Mula sa pagtatapos ng iyong Bachelor of Science in Mechanical Engineering hanggang sa pagkamit ng titulong Registered Mechanical Engineer, tunay kang inspirasyon sa kabataan ng ating barangay.

Nawa’y maging simula ito ng isang matagumpay at makabuluhang propesyon. Ipagpatuloy mo ang iyong pangarap at gamitin ang iyong kaalaman at kakayahan para sa ikabubuti ng ating komunidad.

To God be the highest glory!

Congratulations, Engr. Lazir Joseph P. Daelo, RME!
We are truly proud of you!
—MABUHAY KA!

Sa kabila ng walang tigil na pag-ulan na dulot ng Bagyong Maymay  agad na kumilos ang ating Barangay upang matugunan ang...
08/08/2026

Sa kabila ng walang tigil na pag-ulan na dulot ng Bagyong Maymay agad na kumilos ang ating Barangay upang matugunan ang mga naputol na cable ng kuryente na maaaring magdulot ng panganib sa ating mga residente.

Taos-pusong pasasalamat sa ating masipag na Disaster Officer Marvin Ramos sa ating mga Konsehal, Barangay Tanod, at higit sa lahat, sa ating Punong Barangay Kgg. Jerry Bagsit sa kanilang mabilis na pagtugon, pakikipagtulungan at pagtiyak sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Ang ganitong pagkilos ay patunay na sa panahon ng sakuna, "hindi nag-iisa ang ating Barangay." Sama-sama tayong kumikilos, nagbabantay at tumutugon para sa kaligtasan ng lahat.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at serbisyo sa ating komunidad!

Ligtas na Barangay, Sama-samang Aksyon!







04/08/2026

03/08/2026

LIGTAS TIGDAS 2026 | Protektahan ang ating mga anak.

Sa pangunguna ni Punong Barangay Kgg. Jerry Bagsit , katuwang ang Sangguniang Barangay ng Sorosoro Ibaba, buong suporta tayong nakikiisa sa kampanyang Ligtas Tigdas 2026 upang maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa tigdas.

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak sa itinakdang araw ng pagbabakuna. Ang bakuna ay ligtas, epektibo, at libreng ibinibigay ng ating mga health workers.

Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat bata. Magpabakuna ngayon para sa isang ligtas at malusog na kinabukasan!




August 3, 2026Flag Raising ceremony
03/08/2026

August 3, 2026
Flag Raising ceremony

Nagsagawa ng pagbisita ang ating kapulisan sa Barangay Sorosoro Ibaba bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng kapaya...
31/07/2026

Nagsagawa ng pagbisita ang ating kapulisan sa Barangay Sorosoro Ibaba bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa ating komunidad.

Ang Barangay Sorosoro Ibaba, sa pangunguna ni Punong Barangay Kgg. Jerry Bagsit at ng Sangguniang Barangay, ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating mga kapulisan sa kanilang walang sawang suporta at pakikipagtulungan upang mapanatiling ligtas at mapayapa ang ating barangay.

Sama-sama para sa isang ligtas, maayos, at mapayapang komunidad!

31/07/2026

LIBRENG HIV SEMINAR AT TESTING

Inaanyayahan ang lahat ng mga residente ng Barangay Sorosoro Ibaba na makiisa sa Libreng HIV Seminar at Testing na gaganapin sa:

Petsa: Agosto 1, 2026 (Sabado)
Oras: 8:00 AM onwards
Lugar: Covered Court, Barangay Sorosoro Ibaba

Sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Kabataan ng Sorosoro Ibaba sa pangunguna ni SK Chairperson Kgg. Ian Medwin Dimaano City Health Office, at Sangguniang Barangay ng Sorosoro Ibaba sa pamumuno ni Punong Barangay Kgg. Jerry Bagsit ayunin ng programang ito na magbigay ng tamang kaalaman tungkol sa HIV at mag-alok ng LIBRE, ligtas, at kumpidensyal na HIV testing.

✅ Educational Seminar
✅ Free & Confidential HIV Testing
✅ Walang diskriminasyon – may paggalang at malasakit sa bawat isa

Alamin ang iyong HIV status. Protektahan ang iyong kinabukasan.
Isang simpleng pagsusuri ang maaaring magdulot ng malaking pagbabago.

Sama-sama nating wakasan ang HIV sa pamamagitan ng tamang kaalaman, maagang pagpapasuri, at malasakit sa kapwa.

Address

Sorosoro Ibaba
Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Sorosoro Ibaba, Batangas City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share