PSC Youth Ministry

PSC Youth Ministry Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PSC Youth Ministry, Sta. Clara, Sto. Tomas City, Batangas.

Prayer Brigade for Desert Retreat Batch 1 on June 11-13, 2026Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.Pangi...
10/06/2026

Prayer Brigade for Desert Retreat Batch 1 on June 11-13, 2026

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Panginoon naming Diyos,
Buong puso naming ipinagkakatiwala sa Iyo ang nalalapit na Desert Retreat Batch 1. Maraming salamat sa pagkakataong makalapit sa Iyo at maranasan ang Iyong walang hanggang pagmamahal.

Basbasan Mo ang bawat kalahok upang maging bukas ang kanilang puso sa Iyong salita at paggabay. Nawa’y matagpuan nila ang kapayapaan, pag-asa, at lakas na nagmumula lamang sa Iyo. Pagpalain Mo rin ang mga pari, facilitators, sponsors at lahat ng mga tagapaglingkod na magiging kasangkapan Mo sa paghahatid ng Iyong mensahe ng pagmamahal at pagbabago. Bigyan Mo sila ng karunungan, lakas, at mabuting kalusugan sa kanilang paglilingkod.

Sa mga araw ng pagninilay at panalangin, nawa’y maramdaman namin ang Iyong presensya at higit na mapalapit sa Iyo. Ingatan Mo kami sa aming paglalakbay at gawing mabunga ang retreat na ito para sa paglago ng aming pananampalataya. Amen.

Dasalin po natin, Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati... Amen.

Mahal na Birhen ng Caysasay, Ipanalangin mo Kami!
San Pedro Calungsod, Patron ng Kabataang Pilipino, Ipanalangin mo Kami.

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Prayer Brigade for Desert Retreat Batch 1 on June 11-13, 2026Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.Pangi...
07/06/2026

Prayer Brigade for Desert Retreat Batch 1 on June 11-13, 2026

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Panginoon naming Diyos,

Buong puso naming ipinagkakatiwala sa Iyo ang nalalapit na Desert Retreat Batch 1. Maraming salamat sa pagkakataong makalapit sa Iyo at maranasan ang Iyong walang hanggang pagmamahal.

Basbasan Mo ang bawat kalahok upang maging bukas ang kanilang puso sa Iyong salita at paggabay. Nawa’y matagpuan nila ang kapayapaan, pag-asa, at lakas na nagmumula lamang sa Iyo.Pagpalain Mo rin ang mga pari, facilitators, sponsors at lahat ng mga tagapaglingkod na magiging kasangkapan Mo sa paghahatid ng Iyong mensahe ng pagmamahal at pagbabago. Bigyan Mo sila ng karunungan, lakas, at mabuting kalusugan sa kanilang paglilingkod.

Sa mga araw ng pagninilay at panalangin, nawa’y maramdaman namin ang Iyong presensya at higit na mapalapit sa Iyo. Ingatan Mo kami sa aming paglalakbay at gawing mabunga ang retreat na ito para sa paglago ng aming pananampalataya. Amen.

Dasalin po natin, Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati... Amen.

Mahal na Birhen ng Caysasay, Ipanalangin mo Kami!
San Pedro Calungsod, Patron ng Kabataang Pilipino, Ipanalangin mo Kami.
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

DESERT RETREAT | 11 Days to go...40 taon ang mga Israelita na paikot- ikot sa Disyerto40 days si Hesus na walang pagkain...
01/06/2026

DESERT RETREAT | 11 Days to go...

40 taon ang mga Israelita na paikot- ikot sa Disyerto
40 days si Hesus na walang pagkain at tubig sa Disyerto

IKAW ILANG ARAW ANG KAYA MONG ITIGIL SA DISYERTO?

DESERT RETREAT:
(JUNE 11-13)
venue: Sta. Clara Parish

june 11 (Thursday)- gabi pa ang simula
june 12 (Holiday)

mga pwede mong gawin:
1. Participants- pwede kang dumalo. Baka kaya mong umambag kahit 500 pesos (or magkano makayanan)

2. kung di ka naman makakadalo e baka pwede makahingi tulong pinansyal. Kahit magkanong halaga sana....salamat na agad

gcash number:
09457300013

PS. Palagay po ng name

EMMAUS UNPLUGGED | MONTH OF APRIL Our kind of emmaus this month!Maraming salamat po sa mga taong walang sawang sumusupor...
26/04/2026

EMMAUS UNPLUGGED | MONTH OF APRIL

Our kind of emmaus this month!

Maraming salamat po sa mga taong walang sawang sumusuporta at nagbibigay para sa mga kabataan. Biyaya po kayo!

PS. Wala lang picture yung ibang moments, tulad ng Holy Hour at Sunday Mass/Emmaus!

Ang inyo pong mga ipinasabing panalangin ay naidulog sa Banal na Oras!

LENTEN SEASON | PENCIL RETREAT BATCH 18SUMAKSES!!!Noong pinagplanuha, sige raw. Pero nung malapit na nag-alangin na ang ...
23/03/2026

LENTEN SEASON | PENCIL RETREAT BATCH 18

SUMAKSES!!!

Noong pinagplanuha, sige raw. Pero nung malapit na nag-alangin na ang sagot hanggang sa isang linggo nalang may humindi na... pero dahil nagalaw ang Diyos at gumalaw din tayo nanaig pa rin ang salitang YES.

Maraming salamat po sa mga nag YES, simula sa aming Kura Eric Arada, committees, faci's, participants, at nagpahiram ng Venue, sir Eric. Sa nagasikaso sa amin para sa venue, Sir Jay. Sa mga nagbigay ng pera at pagkain para matuloy hanggang sa matapos, sina Sis. Arcelita Espiritu, Alethea Monterola, Vice Mayor Cathy, Glenda Hernandez Flores, Jenny Jaurigue, Cherry Hirang at sa mga taong ayaw magpabanggit ng pangalan. Maraming salamat po.

“You may not realize now what I am doing, but later you will understand.”

Sabi ng isang participant, "Naga-alangan ako sumali ulit kasi may nangyari dati, pero ang pagsama ko ulit dito may dahilan... sinadya ni God na sumali ako, kasi may dahilan..."

Nakakatuwang marinig mula sa isang kabataan. Sana ay mas maraming kabataan pa ang mas mapalapit sa simbahan at makasama sa Youth Ministry para ito ay maranasan.

Handa na sila para sa kanilang gaganapan sa Istasyon Heneral at sa Mahal na Araw. Salamat sa Diyos!!!



23/03/2026

Address

Sta. Clara, Sto. Tomas City
Batangas
4234

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PSC Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share