21/07/2026
Isang mapagpalayang gabi po sa lahat!
Si Mr. Jomarie Guevarra po ay nalaglagan ng cellphone na maaaring mula Brgy. Pinagkurusan lamang hanggang dito po sa Brgy. Concordia kaninang 7:00 - 7:30 ng gabi. Nasa itim na case po ang cellphone niyang Redmi9a, kulay purple po, may tali na nakabuhol at sa loob ng case po ay may naka mirror shot na may hawak na iphone.
Kaugnay po nito, baka po kayo ay may napansin o may kilala kayong nakapulot nito ay mangyari makipag-ugnayan sa amin upang maibalik natin sa may-ari ang kanyang cellphone. Mahalaga din po maibalik ang driver's license niya at sim card na naglalaman ng mga importanteng numero.
Maraming salamat po at umaasa kaming maibabalik ang cellphone sa kanya kung sino man po ang may mabuting pusong nakalimot nito.