Congresswoman Ma. Theresa "Maitet" V. Collantes

Congresswoman Ma. Theresa "Maitet" V. Collantes House of Representatives, 3rd District of Batangas

05/08/2026
05/08/2026

Para sa aking mga kababayan,

Ang pagiging first-termer Chairperson ay parehong pribilehiyo at karangalan—sinasalamin nito ang tiwala ng ating mga kasamahan sa loob ng House of Representatives of the Philippines, ngunit repleksyon din ito ng tiwala ng mga mamamayan ng Ikatlong Distrito ng Batangas.

Nang malaman nating ipinagkaloob sa atin ang Committee on Revision of Laws, batid natin ang kaakibat nitong responsibilidad at mga tungkuling nararapat nating magampanan.

Bilang inyong Kinatawan, tuluy-tuloy ang ating paglilingkod sa loob at labas ng Mababang Kapulungan!

Maraming salamat. Mabuhay ang Inang Bayang Pilipinas! 🇵🇭



04/08/2026

Maraming salamat, Ikatlong Distrito ng Batangas! 🇵🇭

Ilan lamang ito sa mga nagawa natin sa loob ng isang taong panunungkulan bilang inyong Kinatawan sa House of Representatives of the Philippines.

Karangalan para sa akin na maglingkod para sa mga kababayan ko at ibigay ang pinakamagandang serbisyong kaya kong ibigay.

Nais ko ring kunin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang lahat ng ating mga katuwang mula sa National Government, mga ahensya nito, Provincial Government, Local Government, Congressional District Office, at hanggang sa mga barangay.

Ito ay hindi lamang tagumpay ng isang tao o ng isang opisina—ito ay tagumpay natin bilang nagkakaisang distrito.

Asahan ninyong pag-iigihan pa natin ang pagtatrabaho sa loob at labas man iyan ng Kongreso.

Ito ang Serbisyong Subok at Maaasahan! Mabuhay ang Inang Bayang Pilipinas!

— Congressman Atty. King Collantes

04/08/2026

Mga kababayan, simula bukas hanggang sa Biyernes, August 07, wala munang operasyon ang mga satellite office sa Ikatlong Distrito ng Batangas.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang ating Congressional District Office sa Lungsod ng Tanauan para patuloy ang paghahatid ng serbisyo sa ating mga ka-distrito.

Please be guided. Maraming salamat po! 🇵🇭


04/08/2026

PARA SA MGA ISKOLAR! 📚

Mula ngayong araw hanggang August 22, tatanggap na tayo ng mga aplikasyon para sa Scholarship Grant sa Ikatlong Distrito ng Batangas.

Mangyari lamang na basahing maigi ang qualifications at requirements sa ibaba.

Qualifications:

✓ Residente ng Ikatlong Distrito ng Batangas
✓ Incoming 3rd Year at 4th Year College student na
✓ Walang failing grade o/at drop subjects simula 1st Year hanggang kasalukuyan
✓ Enrolled noong nakaraang semestre at enrolled din ngayong darating o kasalukuyang semestre

Requirements:

✓ Nakapagpasa ng kumpletong online application form (maaari ring i-scan ang QR code): https://forms.gle/EFGBhHFJCAR515cTA
✓ Registration Form na may markang enrolled para sa Academic Year 2026-2027
✓ Brgy. Indigency para sa Educational Assistance
✓ 2x2 Photo
✓ Back-to-back school ID

Munting paalala lamang, ang pag-submit ng application ay hindi nangangahulugang aprubado agad, ito ay isasailalim pa sa screening ng tanggapan batay sa itinakdang qualifications at requirements.

Maging updated sa mga pinakabagong anunsyo tungkol sa Scholarship Grant sa ating Viber channel: https://invite.viber.com/?g2=AQBCFukgmKo1Rlbxq3q25bRQ5TOvMSHoDrbxiIcC%2B5wCeKRrRQ3eZz7uDW7Nx9kJ

Maraming salamat, scholars!


28/07/2026

Address

J. Gonzales Street, Barangay 4, Tanauan City
Batangas
4232

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Congresswoman Ma. Theresa "Maitet" V. Collantes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share