09/07/2026
CLASS SUSPENSION ADVISORY
Sa abiso ng ating Punong Bayan, Hon. Norberto A. Segunial, Jr., suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Sta. Teresita, bukas, Hulyo 10, 2026 (Biyernes).
Kaugnay nito, inirerekomenda ang Modular Distance Learning upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at patuloy na mag-ingat. Subaybayan ang mga opisyal na anunsyo para sa iba pang mga update.