Kabataang San Juaneño

Kabataang San Juaneño Local Youth Development Office - San Juan, Batangas

09/04/2026
Nagsanib-puwersa ang Pamahalaang Bayan ng San Juan at ang Sangguniang Kabataan Provincial Federation sa isinagawang Coas...
26/03/2026

Nagsanib-puwersa ang Pamahalaang Bayan ng San Juan at ang Sangguniang Kabataan Provincial Federation sa isinagawang Coastal Clean-up Drive na may temang “Magkaisa para sa Malinis na Dalampasigan” na ginanap sa Brgy. Subukin.

Nakibahagi sa aktibidad si Municipal SK Federation President Jeryk Dwight Bait, kasama ang mga SK Chairperson mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ng San Juan. Dumalo rin si SK Provincial Federation President at Board Member Voltaire Aedrian Pua, kasama ang mga SK Federation President mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Batangas.

Nakiisa rin sa makakalikasang gawain ang Local Youth Development Section-OMM sa pangunguna ni Executive Assistant Gino Joaquin R. Salud at Acting LYDO Marianne Macaraig, katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at ang Municipal Information Section-OMM ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan.

Sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis, nakalikom ng iba’t ibang uri ng basura tulad ng plastik, bote, at iba pang solid waste na maaaring makapinsala sa yamang-dagat at kalusugan ng komunidad. Nakatulong din ang aktibidad sa pagpapanatili ng kaayusan ng dalampasigan, pagpapalakas ng disiplina sa wastong pamamahala ng basura, at pagbibigay ng magandang halimbawa ng bayanihan sa pangangalaga ng kalikasan.

Nagbigay naman ng suporta ang mga barangay functionaries ng Brgy. Subukin sa pamumuno ni Barangay Chairman Arjay Sayat, katuwang si SK Chairperson Ace Macatangay, na aktibong nakiisa sa paglilinis ng dalampasigan bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan sa komunidad.

𝗦𝗜𝗚𝗟𝗔𝗪 𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗧𝗥𝗢𝗨𝗣𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗜𝗡𝗛𝗦, 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗘𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗥𝗙𝗢𝗧-𝗕𝗔𝗬𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗬𝗘Buong pagmamalaking binabati ng Pamahalaang Ba...
19/03/2026

𝗦𝗜𝗚𝗟𝗔𝗪 𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗧𝗥𝗢𝗨𝗣𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗜𝗡𝗛𝗦, 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗘𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗥𝗙𝗢𝗧-𝗕𝗔𝗬𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗬𝗘
Buong pagmamalaking binabati ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang Siglaw Dance Troupe ng Palahanan Integrated National High School (San Juan West Sub-Office, SDO Batangas Province) matapos nilang manaig bilang kampeon sa 2026 Regional Festival of Talents Sining Tanghalan – Bayle sa Kalye.
Patunay ng husay, talento, at dedikasyon ng kabataang San Juaneño ang kanilang tagumpay na nagbigay karangalan hindi lamang sa kanilang paaralan kundi sa buong bayan ng San Juan at buong SDO Batangas.
Patuloy nawa ninyong pag-alabin ang inyong talento at magsilbing inspirasyon sa kapwa kabataan.
Ipinaaabot din ng Pamahalaang Bayan ng San Juan ang pagbati kina San Juan West Sub-Office Public Schools District Supervisor Mrs. Sarah Saguin, Palahanan Integrated National High School Principal IV Dr. Anacleto M. Gunio, at Coach Paolo Augusto Kasilag.
Congratulations, Siglaw Dance Troupe ng Palahanan Integrated National High School!

𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡, 𝗝𝗨𝗡𝗠𝗔𝗥 𝗗𝗢𝗚𝗨𝗜𝗟𝗘𝗦!Buong pagmamalaking pagbati ang ipinaaabot ng Pamahalaang Bayan ...
19/03/2026

𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡, 𝗝𝗨𝗡𝗠𝗔𝗥 𝗗𝗢𝗚𝗨𝗜𝗟𝗘𝗦!
Buong pagmamalaking pagbati ang ipinaaabot ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD kay JUNMAR DOGUILES ng Paaralang Elementarya ng Calubcub 1 (San Juan East Sub-Office), na nagkamit ng Gintong Medalya sa Billiards 9-Ball (Elementary Boys) sa CALABARZON Regional Athletic Association Meet (RAAM).
Ang kanyang panalo ay hindi lamang personal na tagumpay, kundi isang karangalang dala-dala para sa buong bayan ng San Juan at buong SDO Batangas Province.
Congratulations, Junmar!

𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗞𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡!Buong pusong pagbati ang ipinaaabot ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa ating m...
19/03/2026

𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗞𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡!
Buong pusong pagbati ang ipinaaabot ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa ating mga mag-aaral na nagbigay karangalan sa ating bayan bilang SILVER MEDALISTS sa naganap na CALABARZON Regional Athletic Association Meet (RAAM):
Marianne Barlan ng Joseph Marello Institute, Inc. (San Juan West Sub-Office) para sa Chess (Secondary Girls)
Joseph Ruiz Stephen Rey ng Paaralang Elementarya ng Calubcub 1 (San Juan East Sub-Office) para sa Billiards 8-Ball (Elementary Boys)
Ang buong bayan ng San Juan ay lubos na ipinagmamalaki ang inyong tagumpay!

Sa pamamagitan ng Municipality of San Juan, Batangas Students’ Financial Assistance Program (MSJBSFAP), nagkaloob ang Pa...
09/03/2026

Sa pamamagitan ng Municipality of San Juan, Batangas Students’ Financial Assistance Program (MSJBSFAP), nagkaloob ang Pamahalaang Bayan ng San Juan ng tulong pinansyal para sa 2,874 na benepisyaryo ng programa.

Isinagawa ang distribusyon sa pangunguna ng Local Youth Development Office (LYDO) – Office of the Municipal Mayor sa pangangasiwa ni Executive Assistant Gino Joaquin R. Salud at Acting Local Youth Development Officer Marianne Macaraig.

Nagpaabot ng mensahe si MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD sa pamamagitan ni Municipal Administrator Annalyn Macaraig kung saan kanyang binigyang-diin ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal upang makatulong sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga estudyante mula sa Joseph Marello Institute, San Juan Institute of Technology, Batangas State University, Batangas Eastern Colleges, at Alternative Learning System.

Ayon sa pamahalaang bayan, layunin ng programa na suportahan ang edukasyon ng mga kabataang San Juaneño at makatulong sa kanilang pagpapatuloy at pagtatapos ng pag-aaral, bilang bahagi ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapaunlad ang sektor ng edukasyon sa bayan.

𝗡𝗔𝗥𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗜𝗞𝗟𝗔𝗕 𝗡𝗚 𝗝𝗠𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡!🔥Mga Kapsy, get ready for 𝗣𝗔𝗦𝗜𝗞𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝟮.𝟬: 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗙𝗲𝘀𝘁! 🏀🏐📅 F...
17/02/2026

𝗡𝗔𝗥𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗜𝗞𝗟𝗔𝗕 𝗡𝗚 𝗝𝗠𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡!🔥
Mga Kapsy, get ready for 𝗣𝗔𝗦𝗜𝗞𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝟮.𝟬: 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗙𝗲𝘀𝘁! 🏀🏐
📅 Feb 21–22, 2026
⏰ 8:00 AM – 4:00 PM
📍 Joseph Marello Institute
💵 Registration Fee: ₱50 lang!
Hindi lang ito basta sports fest dahil ito na ang sign n’yo para makahanap ng new friends, new core memories, at mas mapalalim ang connection natin bilang mga nagkakaisang kabataan ng ating parokya.
Yes, may games! Yes, may energy! Pero higit pa roon, this is also about building solid friendships, growing together, at mas maging active sa ating simbahan.
And wait, there’s more! 👀
Ang PASIKLABAN 2.0 ay preparation din para sa mga gustong mag-represent ng parish natin sa Marello Cup XII sa San Jose, Batangas this May! 💪🔥
So tara na, mga Kapsy! Makisali. Makipagkaibigan. Magpasiklab. At higit sa lahat, mag-serve kay Lord with joy! ✨
𝗖𝗟𝗜𝗖𝗞 𝗧𝗛𝗜𝗦 𝗟𝗜𝗡𝗞 𝗧𝗢 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗘𝗥:
bit.ly/JMYSanJuan
𝗢𝗥 𝗦𝗖𝗔𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗤𝗥 𝗕𝗘𝗟𝗢𝗪!
Sama-sama tayo sa 1isang misyon! Sama-sama tayong magpasiklab para kay Kristo! 🙌🔥

.0

Happy birthday, Sir Gino Joaquin R. Salud, Executive Assistant I and Supervising Officer of Local Youth Development Offi...
16/02/2026

Happy birthday, Sir Gino Joaquin R. Salud, Executive Assistant I and Supervising Officer of Local Youth Development Office! 🎉

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pamumuno at malasakit sa Kabataang San Juaneño. Ang inyong dedikasyon ay tunay na inspirasyon sa amin at sa buong komunidad. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, mas marami pang tagumpay, at mas mahabang panahong paglilingkod para sa kabataan. 💙✨

15/01/2026

𝗜𝗖𝗬𝗠𝗜: Matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan nitong Nobyembre ang pamamahagi ng financial assistance para sa kabuuang 5,110 estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan na benepisyaryo ng Municipality of San Juan Batangas Students' Financial Assistance Program (MSJBSFAP).

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga estudyante mula sa public college, private college, vocational schools, public senior high school, at special needs education schools sa bayan ng San Juan. Layunin ng programang ito na magbigay ng karagdagang tulong-pinansyal upang matulungan ang mga estudyante sa kanilang matrikula, mga proyekto, at iba pang gastusin sa pag-aaral.

Ang programang ay inisyatiba ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, katuwang si Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan, at Sangguniang Bayan Members, bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng lokal na pamahalaan sa pangangailangan ng mamamayan, lalo na sa sektor ng kabataan at edukasyon.

Kasama ang Local Youth Development Office-OMM, dumalo sa aktibidad sina Municipal Administrator Annalyn Macaraig, Sangguniang Bayan Member Konsehal Shalimar Salud, Executive Assistant Gino Joaquin R. Salud, at Bokal Marcus Mendoza sa pamamagitan ng kanyang kinatawan. Nakiisa rin si Sangguniang Bayan Committee on Education Chairperson Konsehal Angelo Luis Marasigan sa pamamagitan ng kanyang kinatawan, upang ipakita ang suporta ng konseho sa mga programang pang-edukasyon ng pamahalaang bayan.

Lubos namang nagpasalamat ang mga benepisyaryo at kanilang mga magulang sa lokal na pamahalaan sa tulong na kanilang natanggap. Ayon sa kanila, malaking tulong ang financial assistance upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa eskuwela.

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬, 𝗛𝗢𝗡. 𝗝𝗘𝗥𝗬𝗞 𝗗𝗪𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗕𝗔𝗜𝗧 🎉Malugod po naming binabati ng maligayang kaarawan ang ating minamahal na SK Fede...
09/01/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬, 𝗛𝗢𝗡. 𝗝𝗘𝗥𝗬𝗞 𝗗𝗪𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗕𝗔𝗜𝗧 🎉

Malugod po naming binabati ng maligayang kaarawan ang ating minamahal na SK Federation President, Hon. Jeryk Dwight Rafhael Bait. Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, tagumpay, at lakas ng loob upang ipagpatuloy ang inyong tapat at masigasig na paglilingkod sa kabataan ng San Juan.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at malasakit sa mga programang at proyektong pangkabataan na tunay na nagbibigay-inspirasyon at pag-asa sa aming henerasyon. Nawa’y patuloy kayong maging gabay at huwaran sa pagsusulong ng kaunlaran at kapakanan ng kabataan.

Muli, maligayang kaarawan po at nawa’y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal sa lahat ng inyong gawain.

𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟴𝟬 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗙𝗧-𝗚𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗚 𝗦𝗞 𝗙𝗘𝗗𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡-𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡Bilang bahagi ng weeklong c...
09/12/2025

𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟴𝟬 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗙𝗧-𝗚𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗚 𝗦𝗞 𝗙𝗘𝗗𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡-𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡

Bilang bahagi ng weeklong celebration ng Lambayok Festival 2025 at 177th Founding Anniversary ng Bayan ng San Juan, nagsagawa ng gift-giving activity nitong Linggo, December 7, ang Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan-San Juan, Batangas sa pangunguna ni SK Federation President Jeryk Dwight Rafhael Bait katuwang ang Local Youth Development Office (LYDO)-OMM.

Layunin ng aktibidad na maipadama ang diwa ng pagtutulungan at malasakit sa komunidad kasabay na rin ng panahon ng kapaskuhan.

Umabot sa 84 na benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ang nakatanggap ng Noche Buena package at bigas mula sa SK Federation.

Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa marginalized sector ng kani-kanilang barangay, upang masiguro na ang tulong ay makararating sa mga higit na nangangailangan.

Kasabay ng masiglang pagbubukas ng Lambayok Festival ngayong taon, hinikayat ng Pambayang Pederasyon ng SK ang mga kabataan at mamamayan na makiisa sa mga nakalinyang aktibidad sa buong linggo. Dagdag pa ng grupo na patuloy nilang isusulong ang mga programang nakatuon sa kabataan, komunidad, at pagpapalakas ng bayanihan sa San Juan.

BUKAS NA!Kabataang San Juaneño, Excited na ba kayo? 𝐂OLOR FUN RUN 𝟐𝟎𝟐𝟓 — mas makulay, mas maingay, at mas 𝐄𝐍𝐄𝐑𝐆𝐄𝐓𝐈𝐂 ngay...
06/12/2025

BUKAS NA!

Kabataang San Juaneño, Excited na ba kayo?
𝐂OLOR FUN RUN 𝟐𝟎𝟐𝟓 — mas makulay, mas maingay, at mas 𝐄𝐍𝐄𝐑𝐆𝐄𝐓𝐈𝐂 ngayong taon as we kick off the 𝐋𝐚𝐦𝐛𝐚𝐲𝐨𝐤 𝐅𝐞𝐬𝐭𝐢𝐯𝐚𝐥!

📅 𝐃𝐞𝐜𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟓
⏰ 𝟓:𝟎𝟎 𝐀𝐌
📍 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐋𝐞𝐚𝐧𝐝𝐫𝐨 𝐑 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 (Municipal Gymnasium)
👕 𝐖𝐡𝐢𝐭𝐞 𝐬𝐡𝐢𝐫𝐭, 𝐜𝐨𝐦𝐟𝐨𝐫𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐛𝐨𝐭𝐭𝐨𝐦𝐬, 𝐜𝐥𝐨𝐬𝐞𝐝 𝐬𝐡𝐨𝐞𝐬

𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝𝐬:
• 𝐓𝐨𝐩 𝟏𝟎 𝐅𝐢𝐧𝐢𝐬𝐡𝐞𝐫𝐬 (Male and Female Category)
• 𝐌𝐫. & 𝐌𝐬. 𝐂𝐨𝐥𝐨𝐫𝐟𝐮𝐥
• 𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐙𝐮𝐦𝐛𝐚 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫
• 𝐅𝐮𝐧 𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐫𝐢𝐳𝐞𝐬

TANDAAN: Huwag kalimutan dalahin ang inyong registration items kagaya ng LARUAN (toys)

Address

3rd Floor, New Municipal Building, Brgy. Buhaynasapa, San Juan
Batangas
4226

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataang San Juaneño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kabataang San Juaneño:

Share