Barangay Dao, Tuy, Batangas

Barangay Dao, Tuy, Batangas Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Dao, Tuy, Batangas, Government Organization, Brgy Dao, Tuy, Batangas.

INITIAL INVENTORY AND ASSESSMENT‘GOOD PRACTICE👍🏼💯’Matagumpay na natapos ang Initial Inventory and Assessment ng Municipa...
28/08/2026

INITIAL INVENTORY AND ASSESSMENT

‘GOOD PRACTICE👍🏼💯’

Matagumpay na natapos ang Initial Inventory and Assessment ng Municipal Assessment and Transition Team (MATT) sa Barangay Dao.

Mga in-charge sa assessment:
• Barangay Properties – Punong Barangay Melvin M. Manalo
• Legislative & Administrative Documents – Barangay Secretary Zairus Roland D. Erilla
• Financial Documents – Barangay Treasurer Michele A. Vivas

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga Barangay Kagawad at Barangay Health Workers.

MATT Team:
• Ms. Almira Joy A. Rovillos – Municipal Accountant
• Ms. Milagros Perez – Municipal Treasurer
• Ms. Rizzalie Joy S. Ebreo-Macatangay – MLGOO
• Ms. Katherine De Jesus – Municipal GSO Head
• Ms. Liza Macalipay – Municipal Accounting Office
• Ms. Shieryl Panganiban – MLGOO
• Sir Norman Apacible – MATT Member

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at serbisyo tungo sa maayos, transparent, at accountable na pamamahala ng Barangay Dao! 🤝

24/08/2026

PATALASTAS: PANSAMANTALANG PAGSASARA NG DAAN

SA LAHAT NG MGA RESIDENTE AT MOTORISTA:
Ipinagbibigay-alam ng Pamahalaang Barangay na simula ngayong hapon, mula 1:00PM, magkakaroon ng pansamantalang pagsasara ng daan mula kanto ng Barangay Putol papasok ng Barangay Dao.

• Layunin: Pagsasaayos at pagpapaganda ng ating kalsada para sa mas ligtas at maayos na paglalakbay.

PAALALA SA MGA MOTORISTA:
Pinapayuhan ang lahat na dumaan muna sa mga alternatibong ruta. Inaasahan din ang pakikipagtulungan ng lahat na huwag munang dumaan o pumasok sa mga lugar na sariwa pa ang aspalto para sa ikagaganda ng resulta nito.

Hinihingi po namin ang inyong malawak na pag-unawa para sa ikabubuti ng ating komunidad.

Maraming salamat po!

CULMINATION OF THE BASIC TRAINING-WORKSHOP ON MICROSOFT OFFICE (PHASE I) Barangay Dao, Tuy, Batangas successfully culmin...
20/08/2026

CULMINATION OF THE BASIC TRAINING-WORKSHOP ON MICROSOFT OFFICE (PHASE I)

Barangay Dao, Tuy, Batangas successfully culminated the Basic Training-Workshop on Microsoft Office (Phase I) held at the Barangay Session Hall, with the participation of the Barangay Health Workers (BHWs) and VAWC Desk Officer.

This initiative of Hon. Melvin M. Manalo, Punong Barangay, was facilitated by Barangay Secretary, Mr. Zairus Roland Erilla, with the aim of strengthening the participants’ skills in Microsoft Office and enhancing efficient public service.

Congratulations to all participants! 💻👏

Padayon sa pagkatuto at paglilingkod para sa Barangay Dao!

PAALALA SA LAHAT NG MGA KABABARANGAY!Mag-ingat po tayo sa **HABAGAT**. Inaasahan ang malakas na pag-ulan at hangin na ma...
17/08/2026

PAALALA SA LAHAT NG MGA KABABARANGAY!

Mag-ingat po tayo sa **HABAGAT**. Inaasahan ang malakas na pag-ulan at hangin na maaaring magdulot ng pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pang panganib.

Para sa inyong mga katanungan o agarang pangangailangan, maaari kayong makipagugnayan sa mga kasapi ng Sangguniang Barangay

📞 Konsehal Artemio “Timmy” P. Pagara – 0935 489 0897

📞 Konsehal Geronimo “Ronnie” C. Macalindong – 0991 583 9093

📞 Konsehal Mabilyn “Mabel” M. Alajar – 0907 433 0589

📞 Konsehal Joselito “Joel” S. Torreliza – 0935 894 2171

📞 Konsehal Loreto “Etok” A. Pagara – 0935 864 2925

📞 Konsehal Dionisio “Dondon” A. Pagara – 0948 499 3643

📞 Konsehal Luis “Louie” R. Agbing

Mag-ingat po tayong lahat. Unahin ang kaligtasan ng bawat isa.🙏

— Sangguniang Barangay

SCPF SCHOLARSHIP PROGRAM 2026Ang SCPF Scholarship Program ay naglalayong magbigay ng pinansyal na suporta sa mga karapat...
17/08/2026

SCPF SCHOLARSHIP PROGRAM 2026

Ang SCPF Scholarship Program ay naglalayong magbigay ng pinansyal na suporta sa mga karapat-dapat na estudyante ng Barangay Dao upang makatulong sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

Para sa SY 2026–2027, ang sumusunod na limang (5) scholars ay pinili alinsunod sa mga panuntunang nakalaan para sa programa:

Alyssa B. Lopez
Hazel Anne R. Baroza
Shainalyn R. Pelagio
Daniel E. Macalalad
Anne Chelzy Jhoi P. Avena

Ang bawat scholar ay makatatanggap ng ₱20,000.00 scholarship assistance.

Nawa'y makatulong ang programang ito sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral at pag-abot sa kanilang mga pangarap.

13/08/2026

Kalusugan Para sa Lahat! 🩺💉

Isinagawa ng ating mga masisipag na Barangay Health Workers (BHWs) ang Bandillo bilang bahagi ng pagpapalaganap ng impormasyon at pagpapalakas ng kamalayan ng ating komunidad kaugnay ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA).

Sama-sama nating suportahan ang kampanya para sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga kabataan. 💪❤️

13/08/2026

📢 INAANYAYAHAN ANG MGA MAGULANG NA MAY ANAK NA 6–59 BUWAN na makiisa sa isasagawang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) o karagdagang pagbabakuna laban sa Tigdas at Tigdas-Hangin.

📅 Lunes, Agosto 17, 2026
⏰ 8:00 ng umaga
📍 Barangay Covered Court, Barangay Dao, Tuy, Batangas

Ang immunization o pagbabakuna ay mahalaga upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at tigdas-hangin, mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon. Sa pamamagitan ng pagbabakuna, nabibigyan sila ng karagdagang proteksiyon at nakatutulong upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa ating komunidad.

👩‍⚕️ Ang aktibidad ay pangungunahan ng mga kinatawan mula sa Rural Health Unit (RHU) ng Tuy, katuwang ang Barangay Dao.

👉 Hinihikayat ang lahat ng magulang na dalhin ang kanilang mga anak na 6–59 buwan at makiisa sa programang ito.

💉 Ang bawat bakuna ay dagdag na proteksiyon. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga anak!

Kalusugan Para sa Lahat! 🩺💉Isinagawa ng ating mga masisipag na Barangay Health Workers (BHWs) ang Bandillo bilang bahagi...
13/08/2026

Kalusugan Para sa Lahat! 🩺💉

Isinagawa ng ating mga masisipag na Barangay Health Workers (BHWs) ang Bandillo bilang bahagi ng pagpapalaganap ng impormasyon at pagpapalakas ng kamalayan ng ating komunidad kaugnay ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA).

Sama-sama nating suportahan ang kampanya para sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga kabataan. 💪❤️

Flag Raising Ceremony🇵🇭Ngayong araw ay isinagawa ang Flag Raising Ceremony sa Barangay Dao, Tuy, Batangas para sa buwan ...
02/08/2026

Flag Raising Ceremony🇵🇭

Ngayong araw ay isinagawa ang Flag Raising Ceremony sa Barangay Dao, Tuy, Batangas para sa buwan ng Agosto 2026. Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Health and Welfare Department ang nasabing gawain. Nakiisa sa nasabing seremonya ang Sangguniang Barangay at mga Barangay Functionaries at Volunteers.

PAMPUBLIKONG ANUNSYOIpinababatid sa lahat ng mga aplikante ng SCPF Scholarship Program na naipadala na sa kanilang mga e...
13/07/2026

PAMPUBLIKONG ANUNSYO

Ipinababatid sa lahat ng mga aplikante ng SCPF Scholarship Program na naipadala na sa kanilang mga email address ang resulta ng isinagawang Scholarship Screening.

Pinapayuhan ang lahat ng aplikante na:

Suriin ang kanilang Inbox at Spam/Junk folder upang makita ang email.
Kung sakaling wala pa ring natatanggap na email, mangyaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Kalihim ng Barangay upang mabigyan ng kopya o maipadala muli ang resulta.

Maraming salamat sa inyong pakikilahok at pakikiisa sa SCPF Scholarship Program.

Address

Brgy Dao, Tuy
Batangas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Dao, Tuy, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share