19/08/2026
๐ข ANNOUNCEMENT
Please be guided by the latest announcement from our City Mayor regarding the shift to Alternative Learning Modality (ALM).
As part of the ALM, the teachers will provide and advise learners on the activities and learning tasks that they need to accomplish during the implementation of the alternative learning modality. Further instructions will be communicated by their respective teachers.
Kindly read the full announcement below for important details. Thank you for your cooperation and understanding. Keep safe, Northenians!
Magandang gabi po, mga mahal kong kababayan, mga magulang, g**o, at students.
Muli pong naglabas ang Malacaรฑang ng ๐ ๐ฒ๐บ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฑ๐๐บ ๐๐ถ๐ฟ๐ฐ๐๐น๐ฎ๐ฟ ๐ก๐ผ. ๐ญ๐ฏ๐ญ, kung saan inaatasan ang mga tanggapan ng pamahalaan sa Probinsya ng Batangas na gumamit ng naaangkop na alternative work arrangements, gayundin ang pagkonsidera sa alternative learning modes at learning continuity measures para sa lahat ng antas sa public at private schools.
Dahil dito, napagdesisyunan nating muling ilipat muna ang face-to-face classes sa ๐ฎ๐น๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ผ๐ฑ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ sa lahat ng antas ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan, bukas, araw ng Huwebes, ika-20 ng Agosto, 2026.
Kaligtasan ng ating mga mag-aaral ang una nating konsiderasyon, ngunit mahalaga rin sa akin na tuloy ang kanilang pag-aaral. Hinihikayat ko ang ating mga paaralan at g**o na patuloy na gamitin ang mga learning continuity measures upang magamit nang makabuluhan ng ating mga estudyante ang kanilang oras sa tahanan at hindi sila mapag-iwanan sa kanilang lessons at school requirements.
Para naman sa ating Pamahalaang Lungsod, mananatiling bukas at operational ang City Hall sa ilalim ng hybrid work arrangement. Ang bawat Department Head ang magtatakda ng kinakailangang personnel na physically present, batay sa pangangailangan ng kanilang tanggapan at kalagayan ng kanilang mga kawani.
Sa panahon ng masamang panahon, ayaw nating dumating ang ating mga kababayan sa City Hall na sarado ang pintuan ng pamahalaan kapag kailangan nila ng serbisyo. Kasabay nito, bibigyan natin ng tamang konsiderasyon ang kaligtasan ng ating mga empleyado, partikular ang mga maaaring mahirapang bumiyahe.
Kaligtasan ang una, edukasyon ay dapat magpatuloy, at ang serbisyo ng pamahalaan ay mananatiling abot-kamay ng bawat Tanaueรฑo.
Mag-ingat po tayong lahat at maraming salamat.
Sonny Perez Collantes
City Mayor, Tanauan City