10/06/2026
Isinagawa po ang pagsasaayos at paglilinis ng garbage pick-up point sa ating pamilihan. Ang hakbang na ito ay naglalayong masiguro ang wastong pagbubukod (waste segregation) ng mga basura at mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran.
Patuloy po kaming nananawagan at nakikiusap sa lahat ng ating mga vendor na ugaliin ang tamang pagtatapon at pagbubukod ng mga basura. Ang kalinisan ng ating pamilihan ay repleksyon ng ating pagkakaisa at disiplina. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!