๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ

๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ This is the Official Page of ANG TULAY NEWS & PUBLIC AFFAIRS of Don Eulogio de Guzman Memorial Natio

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐——๐—ฟ. ๐—๐—ฒ๐—ป๐—ป๐—ถ๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ ๐—•. ๐— ๐—ฒ๐—ท๐—ถ๐—ฎ, ๐—œ๐—ป๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—•๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—˜๐—š๐— ๐—ก๐—›๐—ฆPormal na inuluklok si Dr. Jennifer B. Meji...
10/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐——๐—ฟ. ๐—๐—ฒ๐—ป๐—ป๐—ถ๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ ๐—•. ๐— ๐—ฒ๐—ท๐—ถ๐—ฎ, ๐—œ๐—ป๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—•๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—˜๐—š๐— ๐—ก๐—›๐—ฆ

Pormal na inuluklok si Dr. Jennifer B. Mejia bilang bagong punongguro ng Don Eulogio De Guzman Memorial National High School (DEGMNHS) noong Hulyo 27.

Bago ang kaniyang pormal na pag-upo sa posisyon, nagtungo na si Dr. Mejia sa paaralan noong Hulyo 20, kung saan siya sinalubong ng mga namumuno ng DEGMNHS, Supreme Secondary Learner Government (SSLG), at mga mag-aaral.

Pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ang pagtanggap kay Dr. Mejia, kung saan binigyan siya ng cake bilang simpleng pagbati sa kaniyang pagdating. Maraming estudyante rin ang nakasaksi sa okasyon at hindi napigilang sumigaw at magpakita ng kanilang excitement habang unang nakilala ang bagong school principal.

Sa kaniyang mensahe, nagpaabot si Dr. Mejia ng mga paalala at hangarin para sa buong paaralan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ligtas at maayos na kapaligiran sa pamamagitan ng kaniyang mga panawagan na โ€œno to bullyingโ€ at โ€œno to kabastusan.โ€

Ibinahagi rin niya ang kaniyang mga napansin sa paaralan at ang mga bagay na nais niyang maisaayos. Isa sa mga nabanggit niya ang mga gusali ng paaralan na nangangailangan ng pagpipintura. Agad namang nakita ang aksiyon matapos magsimulang magpintura ang mga school workers kinabukasan.

Ang pormal na pagkakaluklok kay Dr. Mejia noong Hulyo 27 ay nagmarka ng pagsisimula ng kaniyang panunungkulan bilang Principal IV ng DEGMNHS. Sa kanyang pagdating at mga unang hakbang sa paaralan, ipinakita niya ang kanyang hangaring makatulong sa pagpapaunlad ng kapaligiran at disiplina ng mga Eulogians.

๐Ÿ“ฐโœจ ANG TULAYโ€™S SCHOOL-LEVEL PRESS CONFERENCE 2026 (SLPC) RESULTS! โœจ๐Ÿ“ฐMaalab na pagbati sa lahat ng campus journalists na ...
06/09/2026

๐Ÿ“ฐโœจ ANG TULAYโ€™S SCHOOL-LEVEL PRESS CONFERENCE 2026 (SLPC) RESULTS! โœจ๐Ÿ“ฐ

Maalab na pagbati sa lahat ng campus journalists na buong husay na lumahok sa ating School-Level Press Conference 2026! ๐ŸŽ‰๐Ÿ‘

Mula sa Pagsulat ng Balita, Editoryal, Lathalain, Agham at Teknolohiya, Isports, Kolum, Pagkuha ng Larawang Pangpampamahayag, Pagguhit ng Kartung Pang-editoryal, hanggang sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita, ipinakita ninyo ang inyong talento, pagkamalikhain, at husay sa pamamahayag. ๐Ÿ“๐Ÿ“ธ๐ŸŽจ

๐Ÿ† Congratulations sa TOP 3 sa bawat kategorya!
Kayo ang magsisilbing kinatawan ng Don Eulogio de Guzman Memorial National High School sa Bauang South Cluster Schools Press Conference 2026.

๐Ÿ“… Setyembre 7, 2026 (Lunes)
โฐ 8:00 ng umaga
๐Ÿ“ Parian Este Integrated School, Parian Este, Bauang, La Union

Good luck, delegates! Dalhin ninyo ang husay, tapang, at puso ng Ang Tulay sa susunod na antas ng pamamahayag. ๐Ÿ’š

Write. Capture. Create. Lead.
Ang Tulay โ€” Una sa Balita, Serbisyo para sa Masa.

๐Ÿ“ฐ๐Ÿ† TULOY ANG REGISTRATION AT SUBMISSION PARA SA INDIVIDUAL EVENTS โ€” SLPC 2026! ๐Ÿ†๐Ÿ“ฐPara sa lahat ng nais lumahok sa Indivi...
04/09/2026

๐Ÿ“ฐ๐Ÿ† TULOY ANG REGISTRATION AT SUBMISSION PARA SA INDIVIDUAL EVENTS โ€” SLPC 2026! ๐Ÿ†๐Ÿ“ฐ
Para sa lahat ng nais lumahok sa Individual Events ng School-Level Press Conference (SLPC) 2026, maaari nang isagawa ang inyong mga output at isumite ang mga ito online.

๐Ÿ”— REGISTRATION/SUBMISSION LINK:
๐Ÿ‘‰ [https://bit.ly/IndividualEvents_SLPC2026]

๐Ÿ“Œ PARAAN NG PAGLAHOK:
1. Isagawa ang inyong output ayon sa kategoryang sinalihan:

A. โœ๏ธ Pagsulat ng Artikulo โ€“ Isagawa ang pagsulat
ng artikulo sa malinis na papel.

B. ๐ŸŽจ Pagguhit ng Kartung Pang-editoryal โ€“ Isagawa ang pagguhit
sa bond paper o Oslo paper.

C. ๐Ÿ“ธ Pagkuha ng Larawang Pampamamahayag โ€“ Kumuha ng
larawan gamit ang digital camera o cellphone.

D. ๐Ÿ“ Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita โ€“ I-download ang
PDF file na makikita sa registration link at isagawa ang
nakatalagang gawain.

๐Ÿ’ก ๐˜”๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ต, ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ.

2. Kunan ng larawan ang inyong natapos na output.
๐Ÿ“ธ Siguraduhing malinaw at kumpleto ang kuha ng inyong isinulat, iginuhit, o natapos na gawain.
Para naman sa Photojournalism, lagyan ng caption ang larawang inyong nakuha bago ito isumite.

3. I-upload ang inyong output.
๐Ÿ“ค I-upload ang malinaw na larawan o file ng inyong natapos na output sa Registration/Submission Link.
โฐ DEADLINE NG SUBMISSION:
๐Ÿ“… Setyembre 5, 2026 (Sabado)
๐Ÿ•” 5:00 PM

๐Ÿ† ABANGAN!
Ang TOP 3 sa bawat Individual Event ang magiging kinatawan ng paaralan para sa CSPC 2026.

๐Ÿ“ข Ang mga qualifier ay ipoproklama sa Linggo, Setyembre 6, 2026.

๐Ÿ’š Ito na ang inyong pagkakataon na ipakita ang husay, talento, at tinig ng kabataang mamamahayag!
Sumulat. Gumuhit. Kumuha ng larawan. Magpahayag.

Ipakita ang inyong galing sa SLPC 2026! ๐Ÿ“ฐโœ๏ธ๐ŸŽจ๐Ÿ“ธ

๐Ÿ“บ๐ŸŽฅ TULOY ANG AUDITION PARA SA TV BROADCASTING!Para sa mga nais maging bahagi ng TV Broadcasting Team, tuloy ang audition...
04/09/2026

๐Ÿ“บ๐ŸŽฅ TULOY ANG AUDITION PARA SA TV BROADCASTING!

Para sa mga nais maging bahagi ng TV Broadcasting Team, tuloy ang audition sa pamamagitan ng ONLINE AUDITION! ๐ŸŽฌ๐ŸŽ™๏ธ

๐Ÿ“Œ Mga Dapat Gawin:
1. I-access ang video material gamit ang GDrive link bilang inyong inspirasyon at gabay sa script at delivery.
2. Pag-aralan ang video material at maging pamilyar sa daloy, script, at paraan ng pagbabalita.
3. Gumawa ng video recording ng inyong simulated TV broadcasting performance.
4. I-upload ang inyong audition video sa parehong GDrive folder.

โฐ DEADLINE:
๐Ÿ“… Lunes, hanggang alas-10:00 ng umaga

๐ŸŽฅ Ipakita ang inyong kumpiyansa sa harap ng camera, malinaw na delivery, tamang facial expression, body language, at husay sa pagbabalita.

๐Ÿ‘‰ GDrive Link: [https://bit.ly/TVBroadAudition]

โœจ Camera on. Voice ready. Confidence on!
Good luck, aspiring broadcasters! ๐Ÿ“บ๐Ÿ’š

๐Ÿ“ป๐ŸŽ™๏ธ TULOY ANG AUDITION PARA SA RADIO BROADCASTING! ๐ŸŽ™๏ธ๐Ÿ“ปPara sa mga nais maging bahagi ng Radio Broadcasting Team, tuloy a...
04/09/2026

๐Ÿ“ป๐ŸŽ™๏ธ TULOY ANG AUDITION PARA SA RADIO BROADCASTING! ๐ŸŽ™๏ธ๐Ÿ“ป

Para sa mga nais maging bahagi ng Radio Broadcasting Team, tuloy ang ating audition sa pamamagitan ng ONLINE AUDITION.

๐Ÿ“Œ Mga Dapat Gawin:
1. I-access ang script gamit ang ibibigay na GDrive link.
2. Basahin at pag-aralan nang mabuti ang script.
3. Gumawa ng video recording ng inyong simulated radio broadcasting performance.
4. I-upload ang inyong video sa parehong GDrive folder.

โฐ DEADLINE NG PAG-UPLOAD:
๐Ÿ“… Lunes
๐Ÿ•™ Hanggang alas-10:00 ng umaga lamang

๐ŸŽง Ipakita ang inyong malinaw na boses, tamang delivery, wastong pacing, confidence, at husay sa pagba-broadcast.

๐Ÿ‘‰ GDrive Link: [https://bit.ly/RadioBroadAudition]

Good luck, aspiring broadcasters! ๐ŸŽ™๏ธโœจ
Your voice can inform. Your voice can inspire. Your voice can make a difference! ๐Ÿ’š

๐Ÿ“ฐ HANDA KA NA BANG MULING ISULAT ANG KUWENTO NG ATING PAARALAN? ๐Ÿ–Š๏ธ๐Ÿ“–Para sa lahat ng nagnanais maging manunulat at mamama...
03/09/2026

๐Ÿ“ฐ HANDA KA NA BANG MULING ISULAT ANG KUWENTO NG ATING PAARALAN? ๐Ÿ–Š๏ธ๐Ÿ“–

Para sa lahat ng nagnanais maging manunulat at mamamahayag, bukas na ang pagkakataon upang maipamalas ang inyong husay sa School Level Press Conference 2026 (SLPC 2026)! ๐Ÿ’š

Ang ANG TULAY, Opisyal na Publikasyon sa Filipino ng DEGMNHS, ay inaanyayahan ang mga mag-aaral na lumahok sa mga indibidwal na kategorya at ihanda ang kanilang pinakamahusay na akda.

โœ๏ธ MGA KATEGORYA:
๐Ÿ“ฐ Pagsulat ng Balita
๐Ÿ“ Pagsulat ng Lathalain
๐Ÿ“ข Pagsulat ng Editoryal
๐Ÿ”ฌ Pagsulat ng Agham at Teknolohiya
๐Ÿ’ฌ Pagsulat ng Kolum
๐Ÿ† Pagsulat ng Isports
๐ŸŽจ Pagguhit ng Kartung Pang-editoryal
๐Ÿ“ธ Pagkuha ng Larawang Pamamahayag
๐Ÿ”Ž Pagwawasto ng Sipรฌ at Pagbuo ng Balita

๐Ÿ“Œ PAANO LUMAHOK?

Simple lang! Para sa kategoryang nais ninyong salihan, magpasa ng isang artikulo o akdang naaayon sa napili ninyong kategorya sa Kagawaran ng Filipino.

Ihanda ang inyong pinakamahusay na gawa at hayaang ito ang magsilbing unang hakbang tungo sa pagiging bahagi ng Ang Tulay at ng School Press Conference 2026! ๐Ÿ“ฐโœจ

๐Ÿ“… Setyembre 4, 2026
โฐ Mula 8:00 AMโ€“4:30 PM
๐Ÿ“ Library / TBA

Isang artikulo. Isang pagkakataon. Isang tinig na maaaring marinig. ๐ŸŽ™๏ธ

ANG TULAY โ€” Una sa Balita, Serbisyo para sa Masa. ๐Ÿ’š

๐Ÿ“ข TV BROADCASTING AUDITION๐ŸŽฅ IKAW NA BA ANG SUSUNOD NA MUKHA NG ANG TULAY โ€“ RATSADA BALITA? ๐ŸŽฅPara sa lahat ng nagnanais m...
02/09/2026

๐Ÿ“ข TV BROADCASTING AUDITION

๐ŸŽฅ IKAW NA BA ANG SUSUNOD NA MUKHA NG ANG TULAY โ€“ RATSADA BALITA? ๐ŸŽฅ

Para sa lahat ng nagnanais maging TV Broadcaster, Sali na saโ€ฆ AUDITION! ๐Ÿ“บ๐ŸŽ™๏ธ

May husay ka ba sa pag-uulat? May kumpiyansa ka ba sa harap ng kamera? Magaling ka bang kumuha at mag-edit ng Video? At handa ka bang gamitin ang iyong talento para sa pamamahayag? Baka ikaw na ang susunod na bituin ng Ang Tulay! ๐ŸŒŸ

๐Ÿ“… Setyembre 4, 2026 (Biyernes)
โฐ 8:00 AM โ€“ 12:00 PM
๐Ÿ“ FILIPINO FACULTY

๐ŸŽฌ Mga Hinahanap:
โ€ข News Presenters
โ€ข Anchors
โ€ข Technical Director / Video Editor
โ€ข Videographer
โ€ข Infomercialist
โ€ข Scriptwriter

๐Ÿ“ž Makipag-ugnayan kay:
Dr. Delia A. Estrada
Dr. Alvin D. Mangaoang
Maโ€™am Gracia G. Garcia
Maโ€™am Esther G. Cortez
iba pang Filipino Teachers ng JHS at SHS

Balita โ€ข Serbisyo โ€ข Katotohanan โ€ข Kapwa โ€ข Komunidad

๐Ÿ“บ ANG TULAY โ€” Una sa Balita, Serbisyo para sa Masa

Huwag nang magdalawang-isip! Ipakita ang iyong talento, kumpiyansa, at husay sa harap ng kamera. Baka ikaw na ang susunod na mukha ng ANG TULAY! ๐Ÿ’š๐ŸŽฅ

๐Ÿ“ข AUDITION PARA SA RADIO BROADCASTING๐ŸŽ™๏ธ PARA SA LAHAT NG MAY Boses, Husay, at Kumpiyansa! ๐ŸŽ™๏ธHanda ka na bang marinig ang...
02/09/2026

๐Ÿ“ข AUDITION PARA SA RADIO BROADCASTING

๐ŸŽ™๏ธ PARA SA LAHAT NG MAY Boses, Husay, at Kumpiyansa! ๐ŸŽ™๏ธ

Handa ka na bang marinig ang iyong BOSES at ipakita ang iyong galing sa pagbabalita? ๐Ÿ“ปโœจ

Ang ANG TULAY ay naghahanap ng mga kabataang may talento at interes sa RADIO BROADCASTING! ๐Ÿ—ฃ๏ธ๐ŸŽง

Kung ikaw ay may malinaw na boses, mahusay magsalita, mabilis mag-isip, at may kumpiyansa sa harap ng mikropono, baka ikaw na ang hinahanap namin! ๐Ÿ’š

๐Ÿ“… Setyembre 4, 2026 (Biyernes)
โฐ 1:00 PM โ€“ 5:00 PM
๐Ÿ“ Computer Laboratory ng SHS

๐ŸŽ™๏ธ Mga hinahanap:
โ€ข News Presenters
โ€ข Anchors
โ€ข Technical Director / Sound Editor

๐Ÿ‘ฅ Makipag-ugnayan kina:
Sir Adrian E. Flores
Maโ€™am Dyan May T. Viloria
Maโ€™am Gracia Garcia
Dr. Alvin Mangaoang
Maโ€™am Ruby Xenia V. Aspiras

Ipakita ang iyong BOSES, HUSAY, at KUMPIYANSA sa pamamahayag! ๐ŸŽ™๏ธ๐Ÿ”ฅ

Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng tinig ng ANG TULAY! ๐Ÿ’š๐Ÿ“ป

๐Š๐š๐ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐กรก๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฌ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จBawat Pilipino, may tapang na nag-aalab. Hindi man laging lantad, sa pusoโ€™y n...
30/08/2026

๐Š๐š๐ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐กรก๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฌ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ

Bawat Pilipino, may tapang na nag-aalab. Hindi man laging lantad, sa pusoโ€™y nananatiliโ€™t sumisiklab.

Ngayong Araw ng mga Bayani, sakripisyoโ€™y ating gunitain, ang bayang minahal at ipinaglabanโ€”sa pusoโ€™y buhayin. Datapwaโ€™t ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa digmaan, kundi sa bawat Pilipinong may tapang na tumindig para sa katotohanan. Sa tahimik na paglilingkod at munting kabutihan, nabubuhay ang kagitingang alay sa bayan.

Kayaโ€™t sa bawat hakbang na ating tinatahak, kagitingan ay buhรกy at patuloy na nagliliyab. Sapagkat ang bayan ay ating pananagutan at tayo ang patuloy na tagapagdala ng dangal ng sambayanan.

๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’“๐’‚๐’˜ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’Š!

โœ๐Ÿป: Michaela Patacsil | Punong Patnugot
๐Ÿ–ผ๏ธ: Jhonmar Bagtong | Tagapangasiwang Patnugot

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ง๐š๐ญ๐š, ๐ˆ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ญ๐šMula sa tinta ng paninindigan hanggang sa titik ng katotohanan, muling susulat ang mga tin...
16/08/2026

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ง๐š๐ญ๐š, ๐ˆ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ญ๐š

Mula sa tinta ng paninindigan hanggang sa titik ng katotohanan, muling susulat ang mga tinig na hindi magpapasindak sa dilim ng kamangmangan.

Ipinakikilala ang bagong salin ng mga patnugot ng Ang Tulayโ€”mga kabataang hindi lamang tagapagsalaysay, kundi tagapagmasid sa lipunan, tagapagtanggol ng katotohanan, at tagapaghatid ng tinig ng sambayanan.

Malugod na pagsalubong sa bagong hanay ng Ang Tulay!

โœ๐Ÿป: Michaela Patacsil
๐Ÿ–ผ๏ธ: Juliena Casero & Jhonmar Bagtong

Address

Don Eulogio De Guzman Memorial National High School
Bauang
2501

Telephone

+639286442754

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ:

Shortcuts

Share