01/10/2026
Pasasalamat sa mga Donors!
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naghandog ng kanilang dugo sa isinagawang Blood Letting.
Isang malaking karangalan na kabilang ang Barangay Baluyot sa nakapag handog ng 23 bag ng dugo.
Maraming salamat sa inyong malasakit at suporta—ang bawat patak ng dugo ay pag-asa at buhay para sa ating mga kabarangay at kapamilya.
Mabuhay ang mga tunay na bayani ng buhay – ang mga blood donors! ❤️🩸